salin ng tulang “Song of the Native Land” ni Jaroslav Seifert ng Czech Republic.
salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Republika ng Filipinas.
Awit ng Lupang Sinilangan
Maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak
ang lupaing nagsilang sa iyo, nagbigay ng buhay,
maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak,
matamis kaysa tinapay mula sa dinikdik na arina
na pinagbaunan mo nang malalim ng patalim.
Maraming ulit kang nasiraan ng loob, nabigo,
at madalas sariwang nagbabalik ka rito,
maraming ulit kang nasiraan ng loob, nabigo,
sa lupaing ito na napakayaman at pilî ng araw,
dukha gaya ng taglagas sa hukay na pulos graba.
Maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak,
mabigat ang aming sála na hindi napapawi,
ni ang gunita nito’y hindi maaagnas kailanman.
At sa wakas, sa dulo ng ating pangwakas na oras,
matutulog tayo sa napakapait na sahig ng luad.
Filed under:
halaw,
salin,
tula Tagged:
arina,
bulaklak,
graba,
Grade 10-12,
K-12,
lupang sinilangan,
panulaang pandaigdig,
taglagas
Published on March 16, 2015 18:18