Bebang Siy's Blog, page 10

October 30, 2019

summary ng portfolio ko sa stock market


7 stocks -all red

Range ng loss ay 2.56% to 61.48%

Loss in terms of pesos-279,420.31

Puhunan ever since nagstart ako magcol until now- 1M

2019 Earnings from january to october- 83,700
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 30, 2019 06:16

first earning sa oct 2019


1700 net ang earnings ko from sale of mbt, 2,300 shares

nabenta ko sa halagang P71.35 each noong oct 24

sept 12 noong bumili ako ng mbt, so 42 days waiting time for the 1700 pesos

ang nakuha kong pera from this sale ay ibinili ko ng ecp 20,700 shares @ 9.10, sana mag-go next week. kahit 50 cents lang itaas niyan, malaking halaga na!

what are good buys as of today:
mbt@67.45
plc@0.68
pxp@12.6
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 30, 2019 06:05

October 25, 2019

ang saya bumalik sa up


ang saya bumalik sa up. nakita ko uli si sir Jimmuel Naval, ang una at tunay kong tatay sa up diliman. freshman ako noon, at ang bespren kong si eris lang ang kakilala ko sa buong unibersidad. e, iba ang course niya. stat. ako, malikhaing pagsulat, so napakaraming oras namin sa eskuwela na hindi magkasama. lagi tuloy akong nangangamba na di ako makakauwi, di makakakain dahil walang-wala akong pera, lagi. saktong papunta lang ng school ang pera ko, ganern, laban na iyan, bahala na sa pag-uwi, hahaha.

si sir jim ang una kong guro sa major subject. walang block section noong araw ang mga malikhaing pagsulat student dahil aapat kami sa kurso namin at di pa kami magkakakilala. si sir jim, ewan ko, kinutuban siguro na patay-gutom ako, hahaha, nag-imbestiga, at nalaman niya na graduate ako ng phil. christian university high school sa malate. alam n'yo, pinsan pala niya ang math teacher at adviser namin noong second year high school, si mam jerlyn diesta? wtf di ba, sobrang small world!

anyway, so, natuklasan na nga ni sir jim na legit ako, at hindi ako umaakting na mahirap, mahirap talaga ako. so, siguro lumambot ang puso, ayun, pumirma ng loan form ko para lang maka-enrol ako sa up. tapos minsan, pag nagkikita kami sa klase niya, nililimusan, este, binibigyan niya ako ng pamasahe sa bus dahil wala na akong pera pabalik ng bahay nina eris or bahay ng nanay ko sa las pinas. at dahil alam niyang mahihiya akong tanggapin ang pera ay maghahanap siya ng gagawin ko, o tatrabahuhin ko, halimbawa ay ang mag-check ng quiz. huwag lang daw akong maingay, dahil hindi quiz ng mga taga up ang pinapa-checkan niya sa akin. quiz ng mga taga-miriam. bawal daw pala iyong full time siyang teacher sa up, tas nagsa-sideline sa ibang school, hahaha!

napakaraming araw akong sinagip ng kabutihan ni sir jim at ng asawa niyang si mam jeanette yasol naval na, imagine, coincidence na naman, teacher namin ni eris sa philo 1, wtf di ba, how small can the world get? salbabida ko talaga ang sir jim, lalong-lalo na noong unang semestre ko sa up, juskolord. andaming anghel sa lupa, thanks, sky. kaya noong kasal ko ay ginawa naming ninong si sir jim.

sa plakard event, dala ni sir jim ang mga estudyante niya sa fil 40, sa malikhaing pagsulat at sa isa pang subject. nang nagko-closing remarks siya ay paulit-ulit ang paghikayat niya sa audience na tangkilikin ang mga gaya naming small press. mabuhey! hanggang ngayon ay sinusuportahan ako ni sir jim sa pamamagitan ng pagtulong sa balangay.

ang nagpakilala kay dr. abueg sa audience ay walang iba kundi si dr. vim Nadera, ang pinakamamahal naming si sir vim! isa rin itong sugo ng langit sa buhay ko, simula undergrad days ko, mga tatlong beses ko siyang naging teacher, saulo ko na nga ang lecture niya tungkol sa mga katutubong tula sa pilipinas, hanggang sa m.a. napakarami kong utang na loob dito, as in. under him after i graduated, naranasan kong mag-lead ng tatlong national poetry contests: ang textanaga, dalitext at dionatext. katuwang ko the whole time ang isa pa niyang anak-anakan at bespren ko noong college, ang napakahusay na manunulat na si salvador biglaen. si sir vim din ang reason kung bakit nabuo ko bilang isang manuskrito ang it's a mens world, dahil requirement iyon sa m.a. class niya. si sir vim din ang nagpakilala sa akin kay poy, mantakin mo nga naman. researcher ako ng panitikan.com na proyekto niya at in-assign niya akong manaliksik tungkol sa mga writers organization. literal na ibinigay niya sa akin ang cellnumber ng presidente ng cavite young writers association noon. sino pa, e di si Ronald Verzo! at si sir vim din ang bumulong sa akin na may opening sa ccp under sir Hermie Beltran. nag-apply agad ako kahit buntis ako kay ayin noon, dahil kailangang-kailangan namin ni papa p ng stable na income. di nakakabuhay ang freelance work kapag may dagat ka na, ano? at haleluya, natanggap naman ako sa ccp.

sa plakard event, nakita ko rin ang kaklase ko sa undergrad na si Vladimeir B. Gonzales, may PhD na siya, ang galing, kainggit! head na ngayon ng up filipino department si vlad. winner! siya ang nag-welcome remarks sa plakard program. dumating din at bumili ng kopya ng plakard si Mykel Andrada, na naging kaklase ko rin yata sa undergrad. pero mas naaalala ko siya bilang ka-batch sa up national writers workshop one point oh, meaning noong friendly pa ang nasabing workshop sa students, at hindi pa nag-a-upgrade. doktor na rin si mykel at head siya ngayon ng up sentro ng wikang filipino.

dumating din si mam Elyrah Loyola Salanga-Torralba, na isa sa mga panelist sa aking thesis proposal defense noong nag-e-m.a. pa ako. that was october 2013, a few months before kami ikinasal ni papa p. akala ko kasi ay magagawa ko ang thesis bago ako mag-asawa. o, ano ka ngayon, bebang? dalawa na thesis mo: dagat at ayin.

sayang at hindi lang kami nakapagkuwentuhan ni mam elyrah dahil ako ang nagmo-moderate ng panayam kay dr. abueg. si Louise Vincent B. Amante na kaklase ko both undergrad at m.a. ay dumating din sa event, nagpahayag ng suporta. andoon din ang kasama ko sa freelance writers guild of the philippines na si Susan Claire Agbayani, tagaroon siya, sa may maginhawa lang. dumating din ang writer na si tilde acuna, nagsori ako at na-stale ang check niya for ani 40 na may tumataginting na 600 pesos, dahil wala siyang time para ipick up at iencash ang check sa ccp. dahil hello, mahina ang five hours sa balikang qc at pasay! kaya... dapat mabago na talaga ang ilang rules sa ccp cashier. dapat gawin itong mas hi tech at mas efficient. like bank transfer na lang angmga bayarin! kung may bangko ang writer o payee, kahit sino pa iyan, tsugok, pasok agad ang pera sa bank account! ewan ko ba at bakit hindi ipinapatupad iyan? gusto pa nila, nagpapa-special power of attorney ang writer? my gulay, sa halagang P600, magpapanotaryo ka pa ba? yung tataa?

dumating din sa plakard event ang mga guro mula sa filipino department, si mam Raniela Barbaza at si sir nilo ocampo, na sayang at di ko naging prof ever! nagstay sila hanggang photo opps at book signing session. Naroon din ang makatang si Emmanuel Quintos Velasco, kabatch ko sa up national writers workshop two point oh. bumili silang lahat ng plakard, yey! nakita ko ang mga staff ng fil dept na si kuya ed at si ate marie, nakatayo malapit kay papa p. at sa food, sila kasi ang nagdala niyon sa venue, haha. biglang naging official photographer naman si sir Virgilio Labial, kaibigan ni sir vim.

siyempre, malilimutan ko ba, nandoon ang tambalan ng taon: dr. abueg at mam julie. itong si mam julie, sa sasakyan (grab!) papuntang up diliman, aba, nagpamana ng mga kuwintas na accessory, lipstick at grayish black na eye liner. e nakahanap din siya ng katapat dahil hindi ako mahilig tumanggi sa mga blessing, haha!

so wala palang tungkol sa librong plakard sa post na ito. walang tungkol kay sir abueg.

sorna. ang plano ko talaga ay mag-discuss ng content ni sir abueg. kaso mo, nasenti ako pagkabalik ko sa up that day. dinaluyong ako ng mga alaala tungkol sa pagmamahal sa akin at sa aking mga pangarap noong unang tapak ko sa up bilang college student.

hayaan n'yo na. alam n'yo, hindi pa ako nakakapagsulat ever tungkol sa mga anghel sa faculty center, sa a.s. 101, a.s. lobby, palma hall, saan pa, sa buong university. so ito na ang simula ko, yey! naiipon ang utang na loob ko sa mga anghel na ito. nagiging mga ngiti sa aking labi, galak sa dibdib.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 25, 2019 08:12

the road to 1M

mga besh, nadeposit ko na kanina ang huling hulog for my 1m in stock market challenge!

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!

tapos na, finally. omg!

hahaha!

yahoo!

sabay-sabay na dumating ang mga collectible. at medyo nagulat din ako na maaga ang pagbabayad sa akin ng isang raket. nagulat ako na maaga dahil... kailan lang iyon, september to be exact. sobrang salamat po, universe.

a few weeks ago nagbe-breakdown na ako dahil sa panic. at sa pagod. dahil kahit anong kayod gawin ko, lagi pa rin kaming kapos. iyon pala, bubuhos ang biyaya pagkatapos ng time period na iyon. parang joke talaga ang buhay, ano? tetestingin ka kung hanggang saan mo kaya. buti di pa ako naloloka.

salamat din sa asawa kong sinakyan ang sagad-sagaran kong pagtitipid, si poy Ronald Verzo! nagtiis siya na wala kaming yaya at kasambahay. siya lang ang araw-araw na naiiwan sa bahay at sa mga bata. siya nagluluto, siya nag-aalaga, kababuyan na ang itsura ng bahay namin noon, hahaha, pero tiniis niya talaga dahil wala kaming mahanap at ayoko pang magkasambahay, higit sa lahat, sayang ang ibabayad sa kasambahay. birthday gift ko rin itong 1m in stock market sa kanya. mayo pa ang kanyang birthday. happy 40, papa p!

salamat din sa anak kong si ej Sean Elijah Siy dahil ang laki ng natipid ko sa kanyang pag-aaral at talaga namang pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral, kahit public school siya all the way. nagtapos siya on time sa PUP at magaganda ang kanyang grades. nakapag-abroad din siya nang ilang ulit dahil sa kanyang sports na wushu, hindi ako pinagagastos niyan sa mga international competition, siya pa ang nag-uuwi ng pasalubong sa amin. wahoo! salamat, salamat, ej! ikaw na ang next na magbubukas ng account sa col, ha?

salamat din sa mother in law ko, si muma. siya ang first teacher ko at siyang nagtiyagang magturo sa akin noon tungkol sa stocks, year 2009 ito. zero knowledge ako, mga besh. malikhaing pagsulat major ako, di ba? matik 'yan, walang gana sa mga numero-numero. math 1 lang ang math namin sa buong college life. tres ang grade ko, hashtag respect. pasang-awa talaga. si muma, tyinaga ako. diyaryo pa ang gamit niya sa pagtuturo sa akin, ine-explain niya ang meaning ng bawat column sa stock market page ng malalaking diyaryo, at kung paano basahin ang maliliit na number doon. kung di dahil sa kanya ay di ko matututuhan ang life hack na ito, ang stock market. baka kung ano ano na ang pinasok kong investment instrument na baka di pa safe kung di niya ipinakilala sa akin ang stocks.

most of all, salamat sa sarili kong nanay, si tisay! dahil sa kanya, natuto akong mag-ipon nang bongga. ang galing mag-ipon ng nanay ko. napapalago niya ang maliit. pinakita niya sa amin na basta panay ang pagsusubi ng pera, lalago at lalago ang anumang maliit. ang tipid niya, ilokana ba naman, at determinado lagi siyang palaguin ang anumang hawak niyang pera. sa legit man o hindi na paraan, hahaha. alam n'yo ba na nagpapa-piso net siya sa bahay niya noon, nagbebenta ng ice tube at nagba-buy and sell ng bote ng gin (iyong nilalagyan ng mantika). ang tawag nga namin sa bahay niya ay junkshop hotel sa dami ng bote, sako-sakong bote. di na rin tumataya sa sugal si tisay, errr... let me correct that, di na siya tumataya nang malaki sa sugal hahahahaha.... natutuhan ko rin sa kanya na kung may gusto ka, paghirapan mo ito. natutuhan ko rin sa kanya ang konsepto ng katarungan sa pamamagitan ng kasabihang kung may isinuksok ka, may aanihin ka. ano raw? haaahahaha. iyong nanay ko ang nagturo sa aming magkakapatid na para ka mabuhay, kailangan matutuhan mong lumangoy nang mag-isa. tanga ka pag nalunod ka, hahayaan ka talaga niyang malunod, ganon. lahat ng uri ng diskarte, sa kanya ko natutuhan. thanks, universe, for giving us tisay!

sa lahat ng bumili ng libro namin at sa lahat ng nagbigay ng raket sa akin at kay papa p, daghang salamat. may kinahinatnan ang inyong ibinigay. hinding-hindi nawaldas, hindi nasayang, kahit isang sentimo.

ano nga pala ang feeling? sobrang relieved! at nadagdagan din ang aking confidence. potek, kaya pala naming ma-achieve ang 1m na yan, sino ang mag-aakala? me nararating din pala talaga ang todong-todong pagkukuripot ko! at higit sa lahat, pag di mo pala talaga inumpisahan, hindi mo matatapos. malaking tulong din ang isinusulat ang new year's resolution. napapaalalahanan ka every january ng target mo or ng goal mo.

#dahilmaydagatnamayayinpa
#theroadto1minstockmarket
#ayokonangmagingstarvingwriterstarnalangpuwede?

i think i'll write a book about this journey. ang title: 'wag tanga sa stock market. tungkol iyan sa mga katangahan ko hahaha medyo makapal itong libro, siguro tatlumpung dangkal, sa dami ba naman ng mga mali kong desisyon sa stocks.

gusto ko rin magsulat tungkol sa mga pagtitipid kong radikal nang maituturing dahil extreme, kuripot overload, tipidity at its finest, only for the dugong ilokanoxchinese people!

salamat sa lahat ng sumubaybay sa journey ko na ito, sa journey namin ni poy. kung kaya namin, mas kaya ninyo.

bday gift ko rin ito sa sarili now that i am turning 40 come december 2019. yes, originally, sa december pa dapat matatapos ang challenge, pero ginawa ko talaga lahat, times two lahat ng effort, matapos lang ito nang mas maaga. kaya i also have to thank myself for that. thank you, self. ikaw na.

but, seriously, you bebang deserve a pat on the back. a haplos on your hair. and an ice cold beer.

shet, walwalan na!
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 25, 2019 06:17

October 24, 2019

sa likod ng mga plakard

sa likod ng mga plakard event sa 2nd floor, lobby, palma hall, up diliman. tampok siyempre ang panayam kay dr. efren r. abueg at sa bago niyang libro with balangay.

trivia:

1. ang ligaya ay common na pangalan ng tauhang babae noong panahon ni sir era dahil ito ay nagsisimbolo daw sa aspiration ng filipino, ang maging maligaya.

2. bukod diyan, ang ligaya ay pagpupugay daw nila sa lupang hinirang dahil ang salitang ito ay bahagi ng pambansang awit.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 24, 2019 08:14

ang mga bata, ang eskuwelahan, at ang pag-ibig na walang hanggan

nag ocular sina dagat at ayin sa dlsu dasma para sa upcoming plakard book event sa library ng nasabing paaralan. mali ang gate na nababaan namin dahil tinaranta ng jeepney driver si papa p. nakumbinsi nitong bumaba kami ayun pala napakalayo niyong gate na iyon sa dlsu dasma library. naikot tuloy namin ang buong eskuwelahan nang wala sa oras. anak ng tokwa, nagpapakarga pa nga ang dalawang bata sa amin. mabuti at hindi mainit!

napakaraming halaman at puno ng school na ito. sana makapag-aral sina dagat dito someday para makaupo ako sa isa sa mga puno habang naghihintay sa kanila bilang sundo. mayroon ding manmade na lake dito, botanical garden, sariling simbahan, fountains, museo, olympic sized swimming pool, track and field, mga balon at mga mama mary at santo-santo.

maaayos din ang cr! na-appreciate ko ito nang bongga dahil... potek ilang beses nagpasabog si dagat! buti talaga at marami kaming dalang diaper at damit ng bata. isa iyan sa life hacks para sa parents, always bring extra pairseseses of clothes for the kids and for yourself.

pagdating namin sa library, at sa ofc ni mam, aba nagpagulong-gulong ang dalawang bagets sa carpet. akala mo, noon lang nakaapak sa carpet (e totoo naman hahaha!)

natutuwa akong makita uli si mam mary ann doon sa dlsu. doon ko kasi siya laging nakikita noon, di pa kami ni papa p. ganon ko na katagal kakilala si mam me ann. witness din ako sa tindi ng pagmamahal niya kay sir lirio salvador, ang isa sa pinakamahusay na artist musician na nakilala kong taga-cavite. si sir lir, na hit and run ng motorsiklo isang madaling araw na patawid siya ng kalsada, asan siya? nasa tapat lamang ng espasyo siningdikato, ang creative space na itinatag nila ni mam me ann for cavite artists. naratay si sir lir at si mam me ann ang nag-asikaso sa kanya ever since.

every time i see her, lagi kong naiisip ang matinding kapasidad ng tao na magmahal. tas naiisip ko rin na baka hindi ako tao kasi baka pag mangyari sa amin iyon ni poy, nakup, wala, wala, di ko alam kung ano gagawin ko hahaha. baka idasal ko na lang, gawin na lang akong puno o halaman, itanim sa eskuwelahan na ito at nang mapakinabangan.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 24, 2019 08:13

October 15, 2019

ano ang mga dapat na nasa kontrata ng isang manunulat o tagasalin

tinanong ako ng journalist na si ana santos, ano ba ang mga dapat na makita sa isang makatarungan na publishing contract.

ito ang sagot ko, live list ito, meaning, from time to time ay dapat i-update:

1. sa creator ang copyright (sa visprint, sa creator ito. ano ang ibig sabihin? posible ito. if your publisher tells you otherwise, magduda ka na)

2. may expiry ang contract, may end date. or may x number of copies lamang ang puwedeng ilathala ng publisher at siyang covered ng present contract. sa balangay, sa 100 copies lang nakatali ang author namin. after 100 copies ay another contract na naman ang pag-uusapan.

3. ang tao na kausap mo regarding your work ay dapat nasa kontrata din ang pangalan. either as owner of the company or as witness. meaning, dapat pipirma din siya sa kontrata. huwag sa staff lang ng publisher makipag-usap. hindi iyan mananagot sakaling may mangyaring masama sa kontrata mo o sa dealings mo with the company.

4. i.d. details ng mga pipirma sa kontrata. government issued i.d. dapat like passport, postal id, sss id, gsis id, umid id, etc. mas magandang maghanda ng photocopy ng id para ibigay sa publisher.

5. ilan ang print run per edition (sa anvil, usually, 1k copies per print run)

6. kanino ang rights to transform the work like translation, or transformation from book to film, etc. (sa visprint, sa creator ito, ang galing ano? iyan ang best practice!)

7. ilan ang compli copy for the creator (dapat meron. huwag papayag na walang compli copy ang creator)

8. per copy sold, magkano ang royalty ng creator (sa anvil- 10 to 15% para sa writer, sa vibal- 10% sa children's book writer)

9. posibleng may kahati ka sa royalty, for example, sa mga children's book, may publishers na pinaghahati sa 10% ang writer at ang illustrator, so tig-5% each.

10. kailan matatanggap ng creator ang royalty (sa anvil, tuwing march, sa visprint, 4x a year! sa vibal, pag nagalit ka lang at pag nagsocial
media ka, saka sila magbibigay ng royalty hahahaha) at paano (through bank deposit ba o papupuntahin ka pa sa opis nila? sa visprint at anvil, parehong direkta na ang deposit sa bank account ko ang mga royalty from them)

11. sinasabi din sa kontrata na kahit kailan basta within office hours ay puwede kang mag-inspection ng accounting documents na may kinalaman sa books mo.

12. confidentiality- delikado ito. this might work against you. dahil baka sa confidentiality clause, di ka puwedeng mag-disclose ng detalye ng kontrata sa ibang tao. posibleng inaapi ka na, di mo ito maibahagi sa iba dahil sa clause na iyan. kung ako sa iyo, ipatanggal mo iyan. kung maayos ang publisher, di siya dapat matakot, wala nang confidentiality from your end, ano? dapat may kalayaan kang ibahagi ito sa iba, huwag lang sa social media or sa general public.

13. dapat din, hindi gagawa si creator ng produktong makakaapekto sa sales or directly competes against his/her own work with a publisher. paano naman kikita niyan si publisher kapag ipinamigay mo nang libre ang trabaho mong ilalathala nila?

14. notary segment, para may pormal na basbas ng batas ang kontrata.

15. kung kontrata ng tagasalin, dapat nakasaad sa kontrata na kikilalanin ang tagasalin sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang pangalan sa cover ng akda. (ito ay mungkahi ni rise, isang book lover at writer mula sa palawan!)

16. may sales o royalty report from publisher bago sila magbigay sa iyo ng royalty mismo.

17. magkano ang presyo ng libro kapag ang creator nito ang bibili mula sa publisher.





 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 15, 2019 09:46

ano ang mga dapat na nasa kontrata

tinanong ako ng journalist na si ana santos, ano ba ang mga dapat na makita sa isang makatarungan na publishing contract:

ito ang sagot ko, live list ito, meaning, from time to time ay dapat i-update:

1. sa creator ang copyright (sa visprint, sa creator ito. ano ang ibig sabihin? posible ito. if your publisher tells you otherwise, magduda ka na)

2. may expiry ang contract, may end date. or may x number of copies lamang ang puwedeng ilathala ng publisher.

3. ang tao na kausap mo regarding your work ay dapat nasa kontrata din ang pangalan. either as owner of the company or as witness. meaning, dapat pipirma din siya sa kontrata. huwag sa staff lang ng publisher makipag-usap. hindi iyan mananagot sakaling may mangyaring masama sa kontrata mo.

4. i.d. details ng mga pipirma sa kontrata

5. ilan ang print run per edition (usually, 1k copies per print run)

6. kanino ang rights to transform the work like translation, or transformation from book to film, etc. (sa visprint, sa creator ito)

7. ilan ang compli copy for the creator

8. per copy sold, magkano ang royalty ng creator (sa anvil- 10 to 15% para sa writer, sa vibal- 10% sa children's book writer)

9. posibleng may kahati ka sa royalty, for example, sa mga children's book, ilang publisher ang pinaghahati sa 10% ang writer at ang illustrator

10. kailan matatanggap ng creator ang royalty (sa anvil, tuwing march, sa visprint, 4x a year! sa vibal, pag nagalit ka lang at pag nagsocial
media ka, saka sila magbibigay ng royalty hahahaha) at paano (through bank deposit ba o papupuntahin ka pa sa opis nila? sa visprint at anvil, parehong direkta na ang deposit sa bank account ko ang mga royalty from them)

11. sinasabi din sa kontrata na kahit kailan basta within office hours ay puwede kang mag-inspection ng accounting documents na may kinalaman sa books mo

12. confidentiality- delikado ito. this might work against you. dahil baka sa confidentiality clause, di ka puwedeng mag-disclose ng detalye ng kontrata sa ibang tao. posibleng inaapi ka na, di mo ito maibahagi sa iba dahil sa clause na iyan. kung ako sa iyo, ipatanggal mo iyan. kung maayos ang publisher, di siya dapat matakot, wala nang confidentiality from your end, ano? dapat may kalayaan kang ibahagi ito sa iba, huwag lang sa social media or sa general public.

13. dapat din, hindi gagawa si creator ng produktong makakaapekto sa sales or directly competes against his/her own work with a publisher. paano naman kikita niyan si publisher kapag ipinamigay mo nang libre ang trabaho mo?

14. notary segment, para may pormal na basbas ng batas.

15. kung kontrata ng tagasalin, dapat nakasaad sa kontrata na kikilalanin ang tagasalin sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang pangalan sa cover ng akda. (ito ay mungkahi ni rise, isang book lover at writer mula sa palawan!)

16. may sales o royalty report bago sila magbigay ng royalty mismo.





1 like ·   •  1 comment  •  flag
Share on Twitter
Published on October 15, 2019 09:46

close to 1m

heeey 36500 na lang! at mukhang mapupuno ko na iyan bukas or within the week! woho!

salamat, universe! sabay-sabay na dumating ang mga collectible. at medyo nagulat din ako na maaga ang pagbabayad sa akin ng isang raket. nagulat ako na maaga dahil... kailan lang iyon, hehe. sobrang salamat po, universe.

last week lang, nagbe-breakdown na ako sa pagpapanic na kahit anong kayod gawin ko parang lagi pa rin kaming kapos. iyon pala, bubuhos ang biyaya pagkatapos ng linggong iyon hahaha. parang joke talaga ang buhay, ano. tetestingin ka hanggang saan mo kaya. buti di pa ako naloloka.

salamat din sa asawa kong sinakyan ang sagad-sagaran kong pagtitipid. kay poy! nagtiis siya na wala kaming yaya at kasambahay. kababuyan na ang itsura ng bahay namin noon, hahaha, pero tiniis niya talaga dahil ayoko pang magkasambahay at sayang ang ibabayad sa kasambahay. birthday gift ko rin ito sa kanya. happy 40, papa p!

salamat din sa anak kong si ej dahil ang laki ng natipid ko sa kanyang pag-aaral at talaga namang pinagbutihan niya kahit public school siya all the way! nagtapos on time at magaganda ang grades. nakapag-abroad din siya nang hindi ako pinagagastos nang malaki. wahoo! salamat, salamat.

salamat din sa mother in law ko, muma, na nagtiyagang magturo sa akin noon tungkol sa stock market. siya ang first teacher ko, diyaryo pa ang gamit niya, ineexplain niya ang meaning ng bawat column at kung paano basahin ang maliliit na number doon. kung di dahil sa kanya ay di ko matututuhan ang life hack na ito, ang stock market. baka kung ano ano na ang pinasok kong investment instrument na baka di pa safe kung di niya ipinakilala sa akin ang stock market.

most of all, salamat sa sarili kong nanay, si tisay! dahil sa kanya, natuto akong mag-ipon nang bongga. ang galing mag-ipon ng nanay ko. napapalaki niya ang maliit. pinakita niya sa amin na basta panay ang pagsusubi ng pera, lalaki at lalaki ang anumang maliit. ang tipid-tipid niya at determinado siyang palaguin ang pera niya. di na siya tumataya sa sugal, errr... let me correct that, di na siya tumataya nang malaki sa sugal hahahahaha.... natutuhan ko rin sa kanya na kung may gusto ka, paghirapan mo ito. natutuhan ko rin sa kanya ang konsepto ng katarungan sa pamamagitan ng kung may isinuksok ka, may aanihin ka. ano raw? haaahahaha. iyong nanay ko ang nagturo sa aming magkakapatid na para ka mabuhay, kailangan matutuhan mong lumangoy nang mag-isa. tanga ka pag nalunod ka, hahayaan ka talaga niyang malunod, ganon. lahat ng uri ng diskarte, sa kanya ko natutuhan. thanks universe for giving us tisay!

salamat din sa lahat ng sumubaybay sa journey ko na ito, sa journey namin ni poy. kung kaya namin, kaya n'yo rin!

i also have to thank myself. thank you, self. at advanced happy birthday! biruin mo, december target mo, pero natapos mo ang 1m in stock market challenge nang mas maaga! ikaw na!

but, seriously, you bebang deserve a pat in the back. a haplos in the hair. and an ice cold beer.

walwalan na!
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 15, 2019 09:32

October 11, 2019

creative writing workshop ng varsi 2019

naimbitahan akong mag-panel bukas para sa creative writing workshop 2019 ng varsitarian. sa katha ako. last year, katha rin. kasama sina chuck at jowie. we had a lot of fun! pero kumalat sa lahat na nagpalabas ako ng mga bata hahaha. e kasi naman hndi naman mga nagbasa ng akda ng kapwa nila fellows. nakakainsulto! sabi ko, magbasa muna sa labas tapos bumalik pagkatapos.

3 lang ang nakuha naming entries this year. so definitely, wala nang natanggal. ni-rank na lang sila. tapos a few days before the workshop, may isa pa raw na entry. 8 pages! wow. so iyon ang naging top 1 ko. mahusay namang maglarawan,e. unfortunately, hindi yata ito in-allow nina chuck at sir jowie. kaya ang 3 entries pa rin ang kasama sa aming workshop.

nakakalungkot dahil ang konti na lang ng nagsusulat sa filipino sa uste. at lalong konti ang nagsusulat ng katha. i also mentioned this to wenie noong magkasama kami sa sulo. si wenie kasi ay college of educ, guro siya sa filipino subjects doon. sana next year naman ay dumami pa ang filipino at katha writers sa uste. para tuloy nagiging rare ang mga ito ngayon.

sa ateneo workshop naman, isa lang yata ang nagsulat ng katha sa filipino. kumusta kaya sa dlsu?

ano kaya ang magandang gawin para mapadami pa ang sumasali sa ganito?

mag-campaign? i-social media?

we need writers in our own language, guise. ok lang mahalin ang ibang wika pero importante rin ang writing skills sa sariling wika.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on October 11, 2019 11:17

Bebang Siy's Blog

Bebang Siy
Bebang Siy isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Bebang Siy's blog with rss.