Goodreads helps you follow your favorite authors. Be the first to learn about new releases!
Start by following Ricky Lee.
Showing 1-30 of 44
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa utak.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang makain!”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Samantalang sa tunay na buhay, pag nangyari, iyon na. Walang revision.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Lahat naman ng bagay, gaano man kasakit, pinoproseso lang.”
―
―
“Alam nyo namang hindi tayo totoo. Gawa lang tayo sa mga letra!”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero pag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, ... umiibig ka!”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Ang Pilipino sabi ni Trono kay Giselle, at sa kumpulan ng mga kinkilig na kababaihan, ay pinaghalo-halong dugo. Sumasamba ng sabay-sabay kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakalimutan na niya kung sino siya.”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Kumplikado ang tao, lalo na ang mga bakla, hindi siya dapat ikahon sa labels.”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Ang Pilipino ay pinaghalohalo-halong dugo. Sumasamba kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakakalimutan na nya kung sino siya.”
―
―
“Never go out of bounds. There are certain boundaries para sa bawat tao at doon lang ang lugar mo. Kapag lumagpas ka, maaari ka nang makapanakit ng iba.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Maski hindi Valentine's Day nagpamudmod ang Malakanyang ng Valentine's package na may lamang five hundred pesos, tatlong latang sardinas, at isang torotot na kapag hinipan mo ay nagsasabing I love you, love mo din ba ako? Ang fatigue na uniform ng army ay ginawang pink para daw mapalapit sa sambayanan.”
―
―
“Alam niya habang mabilis na naglalakad palayo na hindi magtatagal ay hindi rin niya isusuko maski si Isaac. Pag naproseso na niya ang lahat at mas matapang na siya ay babalikan niya ito. Lahat naman ng bagay gaano man kasakit, pinoproseso lang.”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.”

“Ang mga Amerikanong yan, para ding aswang! Kakaibiganin ka,ililigtas at tutulungan,pero kakainin ang lamang-loob mo, ang dugo mo at kaluluwa, ang kultura at pagkatao mo! Hanggang di mo na makilala ang sarili mo!”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Lahat ng bagay, maski mahirap, natatanggap. Pinoproseso lang.”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Ba't ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Ang nagmamahal ay laging may misyon na iligtas ang minamahal nito.”
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
― Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Di ba mas matinding parusa ang parusang ginagawa sa sarili?”
― Bahay ni Marta
― Bahay ni Marta
“Ang umibig ay isang desisyon upang manatiling umiibig.”
― Kalahating Bahaghari
― Kalahating Bahaghari
“Just be aware that love is always connected to ideology. Everything we do is a political act. Even falling in love.”
― Para Kay B
― Para Kay B
“Mayabong ang kasaysayan natin ng pakikibaka at kailangang lingunin natin iyon kung gusto nating makarating sa paroroonan. Ang kasalukuyan ay nakaugat sa nakalipas.”
― Kalahating Bahaghari
― Kalahating Bahaghari