Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? Quotes
Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
by
Lualhati Bautista4,078 ratings, 4.18 average rating, 215 reviews
Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? Quotes
Showing 1-24 of 24
“Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya!"
"E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya?"
"Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
"E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya?"
"Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Look what's happening around us: war, hunger, poverty, epidemics... tapos, ang iniisip natin, pagandahan? My God, Pilar; ang importante sa tao'y ang kabuuan niya bilang tao... hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti!”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis na makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.
Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“sanay na siya sa mga damdamin nya, matagal na niya 'yong tinanggap. Na siya'y isang babae: hindi itim hindi puti, hindi masama't hindi mabuti. . basta isang babaing malaya sa kadena ng mga inhibition at pagkukunwari.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi pag-aari ng iba. Kaya binigyan ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi paari ng iba. Kaya binigyan ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya.”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Alam mo, maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi nya pinapatay ang mga kaangkinan niya. - Lea, Bata, Bata... Pa'no ka ginawa?”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Oo nga naman, mahirap nga namang maging malaki. Dahil pag malaki ka na,magpasiya ka na. At merong mga bagay na totoong mahirap pagpasiyahan. - Lea”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Ang graduation samakatwid, ay hindi pagtatapos kundi simula. Simula ng pagpasok sa bagong yugto ng búhay papunta sa iba pang yugto. Hanggang sa marating ng lahat ang tunay na unibersidad: ang búhay kung saan ka kasangkot, ang lipunang hindi mo matatakasan. . . . Ituwid n’yo ang mga paliwanag na hindi n’yo matanggap.
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Lahat ng panahon ay hindi panahon para sa mga takot at pagtitimpi. . . lahat ng panahon ay panahon ng pagpapasiya.
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Sa paglaki, napapansin mong may mga tanong na mahirap sagutin, at may mga utos na mahirap sundin. . . . [H]abang naririnig mo ang mga sagot, lalong dumadami ang naiisip mong mga tanong.
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Bata, bata. . . pa’no ka ginawa? Dahil may dalawang tao diyan na naghandog ng sarili nila sa isa’t isa, dalawang tao na nag-akalang magkabuhol na ang buhay nila. At kahit nang matuklasan nila na mabubuhay din pala sila nang wala ang isa, wala nang magagawa. . . ang bata ay eto na.
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Ang paglaki ay pagtuklas. Pagtuklas ng iba’t ibang laro, pagkadapa at pagkagasgas at pagkatalo’t pagkatuto. Para sa susunod na laban. . . at matamis na panalo!
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“[W]ala namang masamang tanong. Ang mayroon lang ay palaiwas at sinungaling na nga sagot.
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Hulíng Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Kasalanan na ngayong lumuhod lang at humingi ng awa habang pinapatay ang mga walang laban!
—Si Lea sa Ikadalawampu't Walong Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Ikadalawampu't Walong Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Yang iniisip ng tao, unang hakbang na ’yan para may mangyari!
—Lea sa Ikalabinsiyam na Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Lea sa Ikalabinsiyam na Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Ang problema sa marami, ayaw masabi ang totoo. Ayaw pag-usapan.
—Si Lea sa Ikalabinlimang Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Ikalabinlimang Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“[P]ag di na gusto ng tao ang sarili niya, maski sa iba’y di na siya magiging kaibig-ibig na tao. Dahil lagi, ang relasyon ng tao sa kapwa’t lipunan ay nag-uugat muna sa relasyon niya sa kanyang sarili.
—Ikalimang Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Ikalimang Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“[H]abang hindi mo pa naiintindihan, h'wag mong huhusgahan.
—Si Lea sa Ikatlong Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Si Lea sa Ikatlong Kabanata”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
“Kaya kung sabihin ng matatanda, mas mabuti ang panahon nila no’ng araw. Pero ang totoo no’n, mas matapat lang ang panahon ngayon.
—Mula sa Paunang Salita”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
—Mula sa Paunang Salita”
― Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
