Apokripos’s Reviews > Anak ng Lupa > Status Update
Apokripos
is on page 66 of 326
Sumikdo ang kanyang dibdib nang makita niya si Bining, sa harap ng panahian sa may pasimano na kausap ni Toryo. Malapangarap ang tanawing iyon kung kanyang malasin. Ibig niyang iwasan iyon na parang isang masamang pangitain, ibig niyang tumalikod, gusto niyang lumayo, tumakbong palayo. Ngunit mabigat ang kanyang paa, sinasaklot ng hindi mapaliwanag na damdamin.
— Jul 27, 2015 07:04AM
Like flag
Apokripos’s Previous Updates
Apokripos
is on page 151 of 326
...ngayon ay kasama kita,
sa dibdib ng lungsod,
sa bagwis ng ibang liwanag,
sa gunita mo lamang natutulay ko,
ang mga alaala ng pag-ibig.
— Aug 03, 2015 02:41AM
sa dibdib ng lungsod,
sa bagwis ng ibang liwanag,
sa gunita mo lamang natutulay ko,
ang mga alaala ng pag-ibig.
Apokripos
is on page 135 of 326
Kapag ang maralita'y naging makasarili, magsisimula na ang kanilang pagkagapi. Wala na ang lakas ng marami. Iyon ang simula ng mga kabiguan. ~Ka Tulume
— Aug 03, 2015 12:32AM
Apokripos
is on page 114 of 326
Alam niya ang dibdib ng lupa na sa isang magsasaka'y isang sinapupunan ng katotohanan at karanasan: saan may balaho, saan lumalalim ang bahay kung panay-panay ang buhos ng ulan, saan may naglulunggang bayawak o mapanganib na ulopong. Anupa't ang lupa ay isang bukas na aklat sa sinumang nag-ugat sa bukid, na ang bawat piraso ay may sariling karanasa't katangian na nagpasalin-salin sa kamalayan ng mga supling ng lupa.
— Aug 02, 2015 07:42AM
Apokripos
is on page 105 of 326
Dito sa' tin ang matatandang puno'y me mga kahapon. Ang mga ugat ng mga iyan'y buhay ng tao na patuloy na umaasa ng lakas at tibay ng dibdib ng lupa. ~Ka Tulume
— Jul 30, 2015 01:22AM
Apokripos
is on page 100 of 326
Matapos kong basahin ang Kab. 10: Dadapitin na ang Nuno, ay biglang binalot ng karimlan ang kalangitan at bumuhos ang malakas ng ulan gaya ng pagbabadya ng unos sa pagtatapos ng nasabing kabanata.
Siyang tunay: minsan nga nama'y tinutularan ng buhay ang likhang-sining.
— Jul 29, 2015 11:25PM

is on page 97 of 326
Pare-pareho lang naman ang tao. Sa pagkakaibigan, di dapat humadlang ang katayuan.
— Jul 28, 2015 11:58PM
Apokripos
is on page 85 of 326
Ang bukas ay kasing hiwaga ng malawak na kadiliman sa labas. Gayundin ang buhay.
— Jul 28, 2015 01:39AM
Apokripos
is on page 68 of 326
Tunay, noon lamang naganap ang ganitong karangyang paalay sa Makulong, at sa matatandang nakaugat sa kapaniwalaang nilulumot, yaon ay gabing may tinitibag na batong buhay sa matatandang kamalayan, at sa mga baguntao nama'y isa iyong panganorin ng mga mithiin sa mata ng kinabukasan.
— Jul 27, 2015 07:41AM
Apokripos
is on page 43 of 326
Oden: Bakit ba kailangang magpatuli ang 'sang lalaki, Tatang?
Ka Bisyong: Naku, pag supot ang 'sang binata dito sa 'tin, bihira ang makakagustong dalaga. E sino ba ang makakagusto sa makupal na mangingibig?
Makupal na mangingibig. Putsa, laugh trip talaga 'tong si Mang Domeng! X'D
— Jul 24, 2015 01:36AM