Update. Update.

SENT.  And I'm officially done with my very first paranormal fantasy.  I finished it yesterday morning and I could never be happier.   It's 57K words long and I wrote it for a month.  Ito na yata ang pinakamahaba at pinakamabilis na MS na nasulat ko EVER.  It's twenty-three chapters long with a prologue and an epilogue.  Lahat yata ng kayang ibigay ng imagination ko ibinigay ko na sa MS na 'to.  There was even a time na pakiramdam ko luluha na ko ng dugo dahil hindi na ko nakakatulog matapos lang siya.  
So please, nananalangin ako at nagsusumamo, sana ma-approve ka.  Wala na kong pakialam kung saan imprint ka pa mapunta as long as ma-approve ka.  I just really want other people to have a chance to read this.  Sobrang sayang naman kasi kung mananatili na lang siya sa baul.  Kaya kapag talagang ibinalik 'to sa 'kin, ipaglalaban ko talaga 'to.  Makapal na ang mukha pero ipaglalaban ko talaga siya.  
This MS has the most numbers of characters I've ever written.  Mas madami pa sa Assassins and that says a lot.  I've mentioned at least 20 characters in this story.  Ewan ko ba, they just kept on appearing and appearing.  Kung ma-a-approve man 'to, hindi ako sigurado kung magagawan ko ba ng sarili nilang story yung mga side characters dito.  Baka tapos na yung kontrata ko sa PHR, hindi ko pa rin sila naisusulat.  Ah basta.  All I wanted right now is for this to be approved.  Makisama sana sa 'kin ang tadhana at ma-approve siya.  
Next stop: Book 3 of my trilogy. :))

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 06, 2014 20:06
No comments have been added yet.