The Fallen

Last year during the month of January, kumuha ako ng translation sa PHR.  It was The Fallen by Thomas Sniegoski. The Fallen volume 1 consists of Books 1 and 2 in the series.  One of the editors only gave me the 1st book so I thought na 'yon lang ang kailangan kong i-translate.  I managed to finish it by March last year and I think June na nung na-approve siya talaga.  Madami kasing ipinabago sa 'kin yung editor.  Some of the words kasi were translated literally.  And I really had trouble with some idiomatic expressions.  Then after it was approved na nga, nalaman ko na I was supposed to translate the second book too.
So ayun, hindi ko siya kaagad naasikaso.  I was just able to translate bits and pieces of it last year.  Meron din kasi akong ibang MS na sinusulat.  But during the summer vacation of this year, pinagtuunan ko na talaga siya ng pansin.  I was able to finish it last May and today I received an e-mail confirming that my translation was approved.  It was really weird.  Kasi wala nang ipinabago sa 'kin yung editor, not like the first one.  Iniisip ko tuloy kung dahil lang ba yun sa kailangang-kailangan na nilang i-released yung book that's why it was readily approved o dahil wala lang talagang mali dun sa ginawa ko.  Pero sino pa ba ako para magreklamo?  Kaya nagsaya at nagdiwang na lang ako because I will finally be rid of that darn book.
Medyo obvious ba that I didn't like it?  Haha!  Yeah, I didn't like the book.  Pero sana bumili pa rin kayo kapag na-release na yung translated version.  Malay niyo, magustuhan niyo naman siya at ako lang talaga yung may problema.  LOL. XD   

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 23, 2014 03:40
No comments have been added yet.