First Post of the Year...
My first post for 2013, dapat kahapon ko pa 'to sinulat but since medyo busy ako sa pag-gawa ng teaser at pagdadagdag ng ilang scene dun sa kaka-approve ko lang na MS, hindi ko siya agad nasulat. Kagaya nga ng sinabi ko, I have another approve MS! Yey! Hurrah for me! LOL. It's my ninth approved MS for PHR, so I'm kind of proud of myself. Hehehe. :) This MS is the sequel for Arik's story (if nabasa niyo yung story ni Aram, then kilala niyo na si Arik) and just like the story of Arik, sobrang nahirapan din ako na isulat ang MS na 'to. Sobrang tagal ko din siyang sinulat. More than three weeks siguro. At nang matapos ko siya, kagaya ng story ni Arik, I can't help but feel na hindi na naman siya papasa. Just like its sequel, sobrang dami na namang information ang nilagay ko. Aside from that, another bunch of characters appeared. Tapos nand'yan pa yung feeling ko kung saan-saan na lang napupunta yung story. But to my surprise, ayun, na-approve siya. Sobrang bilis pa ng pagkaka-approve niya. I sent it last wednesday, then it was approved yesterday. Imagine? Wala pang isang linggo, approve na siya? Tapos pinagdududahan ko pa kung ma-a-approve siya o hindi. I really want to have more confidence in my writing. Honestly. Lagi na lang kasi kapag nagpapasa ako ng MS, feeling ko hindi siya papasa. Kaya tuloy kapag nakaka-receive ako ng e-mail na approve yung gawa ko, sobrang nagugulat ako. Kapag naman nakakaipon na ko ng confidence, yung tipong nagkakaro'n na ko ng tiwala sa sinusulat ko, bigla-bigla namang ma-re-return sa 'kin yung MS ko. O di ba? Pagkatapos no'n mawawala na lang na parang bula ang lahat ng confidence na inipon ko. At balik na naman ako sa pagdududa sa sarili ko. Pero nitong mga nakaraan, hindi ko na siya masyadong iniisip. Basta nagsusulat na lang ako. Kung hindi matatanggap, eh di hindi. LOL. Anyways, yung susunod ko ng isusulat after nitong sequel ni Arik ay yung kwento na ng aking master thief. Grabe, kahit hindi pa ako nagsisimula, hindi ko na agad alam kung paano ko siya gagawin. Sobra kasing na-build up ang character ng magnanakaw na yon dito sa sequel na 'to. As in! Yung tipong kapag nabasa mo siya, maiisip mo na 'Wow! Super galing naman ng taong 'to.', so hindi ko alam kung paano ko siya i-ju-justify. Add that to the fact na isa nga siyang magnanakaw. Mabuti sana kung mala-ala Robin Hood siya na binibigay niya yung ninanakaw niya sa mga mahihirap. But no, nagnanakaw siya because its what he does for a living. Haizzzzz...... Pero saka ko na lang siya poproblemahin kapag kailangan ko na siyang isulat. Hehehe. May isa pa 'kong sinusulat ngayon eh. Kaya ito muna ang poproblemahin ko. Meron na 'kong start at meron na rin akong ending, so ang kailangan ko na lang ay kung ano ang ilalagay ko sa gitna. Syempre 'yon ang pinaka-importante kasi dun mo ipapakita kung paano sila na-in love. Dito pa naman ako nahihirapan. Madami akong naiisip na concept, pero hirap na hirap ako na mag-isip ng kilig scenes. Promise! Hindi naman kasi ako yung tipo na kapag may napanood lang na nakakakilig, may paghuhugutan na. Kailangan ko pang mag-isip, as is mag-isip ng mabuti, para lang makasulat ng pwedeng i-consider na nakakakilig. Lagi ko na nga lang dinadaan sa mga flowery words at kung anu-ano pang ka-ek-ekan. Minsan nga, dumadating na ko dun sa point na sobrang na-co-cornyhan na ko sa sinusulat ko. Kapag nangyayari 'yon, pinagtatawanan ko na lang ang sarili ko. Hehehehe. Parting words: Sana ma-release na yung isa kong book this month. Please lang! Pitong buwan ka nang nasa baul. Sana naman maawa na ang editor mo at i-release ka na. >_<
Published on January 08, 2013 01:45
No comments have been added yet.