Try Lang (Malay mo Pumasa)

Last year, mga August siguro 'yon, nasa may national bookstore ako at tumitingin ng mga libro.  Nang mapagawi ako sa corner ng tagalog fiction, binuklat ko yung isang pocketbook ng PHR o Precious Hearts Romances.  May nakita akong advertisement, nag-iinvite sila ng mga newbie writers para mag-submit ng manuscript sa kanila.  Then an idea just suddenly popped inside my head.
Naisip ko, bakit kaya hindi ako mag-submit?  Try lang.  Since mahilig naman akong magsulat at mahilig din akong magbasa ng pocketbooks.  So gora naman ako.
For almost a month, wala akong ibang ginawa kundi magsulat lang.  Kahit may mga times na naiinis na ako dahil hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari do'n sa sinusulat ko, tuloy pa rin ako.  At 'yon nga, pagkatapos ng isang buwan na pagta-type at pagtitiis sa harapan ng computer, natapos ko na rin sa wakas ang first ever manuscript ko.  Yehey!
Excited ko ng ipinasa sa email add ng PHR yung ginawa ko.  Nag-reply naman sila at sinabi na i-follow up ko daw yung result after one month.
Sobrang nakaka-tense ang paghihintay (sa totoo lang).  Parang gusto mo nang lumipad yung oras para mag-isang buwan na.  (Kaso hindi naman 'yon pwede at posible lang 'yon kung meron kang superpowers.  Hehe.  Hindi ako nag-jo-joke.  Pramis!) 
Then finally the wait was over! 
Fi-nollow up ko na yung result.  Kaso hindi sila nag-reply.  Nag-e-mail ulit ako sa kanila pero wala pa rin.  Hanggang sa lumipas na ang isang linggo at wala pa rin akong natatanggap na email mula sa kanila.  Pinanghinaan na ako ng loob.  Naisip ko baka hindi natanggap yung manuscript ko.  Then three days later, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap ako ng email mula sa kanila.
Guess what pipol?
Approved yung manuscript ko!
Halos magtatalon ako sa tuwa no'n.  Para akong nasa cloud nine.  Hindi ko akalain na ma-a-apreciate nila yung sinulat ko.  Akalain niyo 'yon?
Nai-save ko pa yung comment ni Ma'am Agnes (yung editor nung first approved ms ko), pwede yung basahin (kung gusto niyo lang naman, hehe).
"This is Agnes. Approved na ang novel mo na, "My Lovely Gypsy." Maganda ang kuwento at bilang baguhan ay masasabi kong may potential ang may-akda sa pagsusulat ng nobelang romansa..."
Nakakatuwa na sinabihan ka na meron kang potential.  First time lang na may nagsabi sa 'kin no'n.  Maski kasi ako hindi ko alam na meron pala akong potential (kahit gaano pa kaliit.  hehe).
Kaya message ko para sa mga wannabe writers na kagaya ko, isulat niyo lang nang isulat ang mga naiisip at na-i-imagine niyo.  'Wag kayong matakot na ipabasa sa iba ang mga sinusulat niyo.  Malay niyo baka swertehin din kayo (kagaya ko XP) at ma-approved din ang manuscript niyo.
Sige lang ng sige!  Kaya natin 'to!
Ganbatte!
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 13, 2012 07:06
No comments have been added yet.