Sa mga araw na “meh.”
Current mood:
Sa totoo lang hindi ito tungkol sa init.
Tungkol ito sa mga araw na “meh” at “ewan” at “ayoko na”;
sa mga araw na feeling mo walang nangyayari sa mga efforts mo;
sa mga araw na nadedepress ka kasi hindi pa dumarating ang inaasam-asam mo;
sa mga araw na ayaw mo ng magtrabaho pero hindi pwede dahil hindi ka pa masustentuhan ng passion mo;.
sa mga araw na tiis-ganda muna sa mga gusto o kailangan (hal. bagong laptop o electric fan, o magarang pagkain man lang!) kapalit ang pagtupad ng pangarap o calling.
Ito ang sitWasyon ng mga taong enrolled sa tupad-pangarap program.
Huwag kang susuko. Huwag kang hihinto (pero pakiusap, matulog ka naman!). Pagodabels? Keribels! Ang bawat hakbang ay nagpapalapit sa inyong dalawa ng pangarap mo. Matatanaw mo rin yan! Ako nga natatanaw ko na kahit malabo ang mga mata ko e! Ganun din sa iyo.
HuWag na huwag mo rin kalimutan na higit sa lahat, manalig sa Maykapal. Sa Kanya ka humingi ng lakas. Siya lang ang magtatawid sa iyo mula dito hanggang doon dahil Siya ang gumawa sa iyo upang gawin ang bagay na ikaw lamang ang makakagawa sa mundong ito upang ipakita sa mundo ang inspirasyong nagmumula sa Kanya
Sa lahat ng mga pumupursigi sa tupad-pangarap program, mabuhay kayong lahat!!! ice cream tayo dyan!!
PS:May drawing workshop ako. Baka gusto niyo sumali http://bit.ly/1S4HGAD







