Walong Diwata ng Pagkahulog Quotes

Rate this book
Clear rating
Walong Diwata ng Pagkahulog Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar
1,065 ratings, 4.09 average rating, 94 reviews
Walong Diwata ng Pagkahulog Quotes Showing 1-7 of 7
“Maraming mundo ang bawat tao. Gagawin mo iyon kung wala kang makapa. Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala. Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng mga matatapang para makagawa ng iba.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan- kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Lahat, may hinahanap. Pero iba ang natatagpuan nila sa huli. Pero masaya pa rin sila. Lagi pa rin silang masaya.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Salita. Nakasalalay lang ang lahat ng nararamdaman sa narinig na salita, sa mga narinig na salita, sa kapangyarihan ng salita na lumikha ng iba't iba pang ilusyon. Minsan, salita rin, isang salita lamang, ang may kakayahang magwasak ng lahat ng mga binuo, binuno, subalit ng mga salita rin nga lamang.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Baka ako naman talaga ang nawala, ako, si Tito Tony, si Lola Bining, kaming mga naiwan, baka kami naman talaga ang nawala. Kailangan bang iyong laging umalis ang nawala, nawawala? Baka nga mas natagpuan nila ang sarili sa paglayo.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog
“Pinapatawad natin ang kalungkutan ng iba kapag hindi sinasadya nating natatabig ang kanilang pag-iisa sa pagmamadali sa pagtawid sa lansangan, o natatagpuan natin silang nakadungaw din sa bangin gaya natin.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog,, Walong Diwata ng Pagkahulog
“The problem with memory is it favors only the most intense moments. The happiest. Or the saddest. Which means that memory can't be really trusted in the case of the familiar, the ordinary.”
Edgar Calabia Samar, Walong Diwata ng Pagkahulog