Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan Quotes
Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
by
Vivian L. Balaris-Tica6 ratings, 4.00 average rating, 1 review
Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan Quotes
Showing 1-8 of 8
“Ang pangamba o pagkatakot na umiiral sa ating kalooban ay nakasisira sa ating pag-angat sa ating kalagayan. Ang hindi pagkontrol dito ay nagiging sagwil sa ating paglago kahit sa iba-ibang aspekto ng ating pamumuhay. Kinakailangan natin ang pagkontrol sa ating damdamin.
—Mula sa Ama Namin . . . Sambahin Ang Ngalan Mo . . . Amen ni Victoria B. Villavicencio”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa Ama Namin . . . Sambahin Ang Ngalan Mo . . . Amen ni Victoria B. Villavicencio”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Ang isang taimtim na panalangin o paglapit sa Diyos ay wala sa paano ang posisyong gagawin ng isang mananalangin. Ni wala ito sa dami ng luha na papatak mula sa ating mata.
—Mula sa Ama Namin . . . Sambahin Ang Ngalan Mo . . . Amen ni Victoria B. Villavicencio”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa Ama Namin . . . Sambahin Ang Ngalan Mo . . . Amen ni Victoria B. Villavicencio”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Ang bubog, kung tinatamaan ng nag-aapoy na síkat ng araw, ay nangniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. . . . Ating hanapin ang liwanag, táyo’y huwag mabighani sa ningning.
—Mula sa “Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa “Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang.
—Mula sa “Sa Kabataan” ni Onofre Pagsanghan”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa “Sa Kabataan” ni Onofre Pagsanghan”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Nakasalalay sa uri ng mamamayan ang pagbabago at pag-unlad ng isang bansa. Kung ano ang iniisip at ginagawa ng tao ay di-malayong iyon ang mangyayari sa kaniyang bansa. Marahil, ang pagbabago ay dapat na unang naganap sa sarili sa halip na hanapin sa iba, . . . sa halip na maghintayan tayo.
—Mula sa Bayan Muna, Bago ang Sarili ni Nora P. Siasoco”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa Bayan Muna, Bago ang Sarili ni Nora P. Siasoco”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Datapwat ang pagmamadali ay lagi nang kakambal ng kawalang-ingat, hindi tayo makaaasang sa pagmamadali natin ay makagawa tayo nang buong husay . . . [G]agawin natin ang lahat ng paraan, mabuti man o hindi. . . . [N]alilimot na nila ang sariling budhi at ang pananagutan sa harap ng bayan. . . . Ang mabilisang pagkilos ay madaling makapagal sa isipan at di nagpapahintulot sa guniguni upang makapaglakbay nang malayo. . . . [A]ng pagmamadali upang matamo ang kadakilaan ay para na ring pagmamadali upang makarating sa huling hantungan.
—Mula sa “Bakit Tayo Nagmamadali” ni Gemiliano Pineda”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa “Bakit Tayo Nagmamadali” ni Gemiliano Pineda”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Ang ating pamantayan ng pag-uugali ay karaniwang udyok ng pangangailangan at hindi ng simulain. Ang ipinangangamba natin nang labis ay hindi ang paggawa ng masama kundi ang mahúli sa paggawa nito.
—Mula sa “Ang Pilipino Ngayon at Kahapon” ni Manuel L. Quezon”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa “Ang Pilipino Ngayon at Kahapon” ni Manuel L. Quezon”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
“Ang táong manhid sa naturang kalagayan ay walang sariling pag-iisip. Ngunit, ang pagkakaroon ng kamalayan sa paligid ay likás na sa tao.
—Mula sa “Ang Kabataan ang Magulang ng Bukas ay Nakatingin sa may Kapansanan” ni Teresita Suarez-Buensuceso”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
—Mula sa “Ang Kabataan ang Magulang ng Bukas ay Nakatingin sa may Kapansanan” ni Teresita Suarez-Buensuceso”
― Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan
