Sansaglit Quotes
Sansaglit
by
Lean Borlongan72 ratings, 4.32 average rating, 23 reviews
Sansaglit Quotes
Showing 1-10 of 10
“Kapag inililigpit na natin
ang ating mga sarili,
maglalakad akong patungo
sa iyong tabi
bago ka tuluyang
agawin ng gabi.
Susumahin ko
sa isang munting pag-uusap
ang bawat
inumit na sulyap.
Dito sa minsang
pagpadpad mo sa akin
alam nating
tila natagpuan ko
ang katubusan ng lahat
at muli akong mangangarap
ng mga tagpong
alam natin.”
― Sansaglit
ang ating mga sarili,
maglalakad akong patungo
sa iyong tabi
bago ka tuluyang
agawin ng gabi.
Susumahin ko
sa isang munting pag-uusap
ang bawat
inumit na sulyap.
Dito sa minsang
pagpadpad mo sa akin
alam nating
tila natagpuan ko
ang katubusan ng lahat
at muli akong mangangarap
ng mga tagpong
alam natin.”
― Sansaglit
“Minsan
tumataya akong makita ka
ngunit di ka dumarating
at ibinbuwal mo ang mga haligi
ng mga pag-aakala kong
tiyak na tiyak.
...
Iniisip kita’t
hindi minsan.
Dumarating kang kusa’t
hindi minsan.
Ngunit kahit minsan hindi
dumating sa isip kong
magsawa
sa pananatili
at pagbabakasakali.”
― Sansaglit
tumataya akong makita ka
ngunit di ka dumarating
at ibinbuwal mo ang mga haligi
ng mga pag-aakala kong
tiyak na tiyak.
...
Iniisip kita’t
hindi minsan.
Dumarating kang kusa’t
hindi minsan.
Ngunit kahit minsan hindi
dumating sa isip kong
magsawa
sa pananatili
at pagbabakasakali.”
― Sansaglit
“sinubok kong
sukatin ang salita.
nagsalit lamang ako
sa pagbaybay ng labis
at kulang. huwag ipilit
ang tugma sabi
ng makata. Ang hangganan ko’y
salisaliwang impit
at lumanay. May musika
ang pananahimik ng pintig
na minsang nanahan
sa pantig. May katagang
nasambit na hindi mo
kailan man narinig.”
― Sansaglit
sukatin ang salita.
nagsalit lamang ako
sa pagbaybay ng labis
at kulang. huwag ipilit
ang tugma sabi
ng makata. Ang hangganan ko’y
salisaliwang impit
at lumanay. May musika
ang pananahimik ng pintig
na minsang nanahan
sa pantig. May katagang
nasambit na hindi mo
kailan man narinig.”
― Sansaglit
“Wala akong puso
subalit ang lahat ng puso
ng mga api ay akin
sa paghahangad ng kaayusang
walang pagsasamantala at pag-alipin.
Wala akong puso
pagkat nagnanais makamit
ang kayrami pang puso
kasama
ang pusong nakasilid
sa iyong dibdib
ngunit iba ang nakahamig.”
― Sansaglit
subalit ang lahat ng puso
ng mga api ay akin
sa paghahangad ng kaayusang
walang pagsasamantala at pag-alipin.
Wala akong puso
pagkat nagnanais makamit
ang kayrami pang puso
kasama
ang pusong nakasilid
sa iyong dibdib
ngunit iba ang nakahamig.”
― Sansaglit
“Nais kong tahakin
ang agwat sa ating pagitan
at tupukin ka
ng alab ng aking pagsinta.
Lumingon ka at iyong mababatid
narito lamang ako sa gilid.”
― Sansaglit
ang agwat sa ating pagitan
at tupukin ka
ng alab ng aking pagsinta.
Lumingon ka at iyong mababatid
narito lamang ako sa gilid.”
― Sansaglit
“Hindi kailangang
tignan ka nang matagal
para malamang
nakatingin ka sa kawalan.
Marahil muli kang dinalaw
ng kanyang pangitain
pagkat laging bigo
ang bawat pagtatangkang lumimot”
― Sansaglit
tignan ka nang matagal
para malamang
nakatingin ka sa kawalan.
Marahil muli kang dinalaw
ng kanyang pangitain
pagkat laging bigo
ang bawat pagtatangkang lumimot”
― Sansaglit
“Mapupuyat ang buwan sa pag-iisip ko sa ‘yo.
Muli’t muli kong
isusulat ang pangalan mo
hanggang makalikha ng tula
sa pagbabakasakaling sa susunod kong paglalakad
tangan ko na’ng iyong palad.”
― Sansaglit
Muli’t muli kong
isusulat ang pangalan mo
hanggang makalikha ng tula
sa pagbabakasakaling sa susunod kong paglalakad
tangan ko na’ng iyong palad.”
― Sansaglit
“ang iyong halaga ay labis-
labis na masusukat
sa mga hindi ko sukat
akalaing kaya kong gawin
kahit
ayaw
ko.”
― Sansaglit
labis na masusukat
sa mga hindi ko sukat
akalaing kaya kong gawin
kahit
ayaw
ko.”
― Sansaglit
