May Laro ang Diskurso ng Katarungan Quotes

Rate this book
Clear rating
May Laro ang Diskurso ng Katarungan May Laro ang Diskurso ng Katarungan by Agustin Martin G. Rodriguez
13 ratings, 4.15 average rating, 2 reviews
May Laro ang Diskurso ng Katarungan Quotes Showing 1-17 of 17
“Sa pagtatalaban ng mga katwiran, napapagyaman ng isa’t isa ang kanilang perspektiba sa mundo. . . . [N]apapagyaman ng diskurso ang pag-unawa at pakikipagsapalaran sa kahalagahan ng sangkatauhan. . . . Kayâ tunay na mapangwasak ang pagkamatay ng tunay na diskurso na dala ng pagpataw ng dominanteng katwiran.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Sa pamamagitan ng wika, naibabahagi niya sa taong bukod sa kaniya na mayroon siyang sariling kamalayan, damdamin, at kalooban; kung ano ang nais niyang mangyari; ang ipinagpapalagay niyang mabuti; at higit sa lagay, kung bakit ganito ang kaniyang kalooban at kaisipan.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang iyong paraan ng pagpasok sa katwiran ng dominanteng katwiran na kailangan mong maunawaan kung makakapagtrabaho ka sa kanilang mga opisina. . . . [A]ng iyong panahon sa eskuwelahan ay isang pagsisikap na makapasok sa katwirang namumunò sa abot ng iyong makakaya batay sa hindi epektibong sistema.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“[A]ng kahirapan ang kalagayan ng pagkabinawian ng kakayahang maging malaya’t malikhain ng isang indibidwal o uri. . . . Hindi lang sila mahirap dahil nagkukulang ang kanilang kita. Mahirap sila dahil binawian sila ng kakayahang makibahagi sa mundo ayon sa kanilang kalayaan at malikhaing kakayahan.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Ang katarungan ang katangian ng kaugnayan sa pagitan ng mga tao kung saan ginagapang at hindi hinahadlangan ng bawat isa ang karapatan ng bawat isang isatupad ang sarili ayon sa nauunawaan nila bilang mabuti. Ito ang kalidad ng mga relasyon sa pagitan ng mga tao kung saan walang isang tao o grupo na nagkakaroon ng kakayahan o kapangyarihang maging hadlang sa pagsasatupad ng tao sa kaniyang kakayahang maging buong tao.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Ang mga táong hindi pumili ng isang sistema ng pagpapahalaga at pagpapatupad ng búhay, mga tao na hindi ito pipiliin kung binigyan ng pagkakataon, ang higit na magbabayad sa kalabisan ng iilan na naging sakim sa paggamit sa mundo.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“[M]ay pagkiling ang tao sa pagpigil ng katwiran ng iba at pagpataw ng dominanteng katwiran. Sa ganitong paraan, nahahadlangan ang pagpapalaganap ng mga ibang katwiran at nakukulong ang mga tao sa makikitid na dominanteng katwiran.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Laro ang lahat sa buhay ng tao. Laro ng ako at hindi ako, pagtatalaban ng kapalaran at tadhana, ng kalayaan at pagkatakda, at ng kasalukuyan, hinaharap at nakaraan. Upang maisatupad niya ang dapat, ang kaniyang katalagahan sa larong ito, kailangan ng tao ng tunay na kakayahang unawain ang nagpepresensiya nang tapat sa pagdirito nito.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Nililinang ang lupa, hindi ito inaari dahil biniyaya ito at hindi inaangkin.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Kapag nararanasan ang sarili bilang biyaya, nararanasan ng tao ang bakas ng isang walang-hanggang bukal ng biyaya.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“[A]ng tunay kong búhay ay laging meron pa na tíla bagáng may hindi maaantabayanang kaganapang magpapakita.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Kung merong tunay na pagmamahal ang isang tao para sa kapwa, isang kilos pag-ibig na hinuhugot siya mula sa kaniyang pagkakulong sa sarili tungo sa punto na maiaalay ang kaligayahan at kapakanan para sa taong ito, nasa kalagayan siya ng pagkabihag sa presensiya.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Bihag ang mangingibig sa mismong presensiya ng nagdirito. Hindi siya bihag ng pagkaano o ng kahulugan o ng katangian ng iniibig. Bihag siya ng kahalagahan ng iniibig bilang isang nagpepresensiya. Kaya kung iisipin ang mga panahon na talagang nagmamahal ang tao, masasabing tugon ng kaniyang kalooban ang pag-ibig na ginigising ng pagpepresensiya ng minamahal. Maging pisikal na presensiya man o anumang ibang kongkretong pagpepresensiya tulad ng matinding paggunita, nararanasan ang merong-pag-ibig kapag hinaharap lamang ang presensiya ng iniibig.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Sa pag-ibig, nabibihag ang mangingibig sa kabuuan ng pagpepresensiya ng iniibig. Minamahal ng mangingibig ang iniibig sa kaniyang mismong pagpepresensiya.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Ang pag-ibig ay ang bulaga ng presensiya ng makapangyarihan at hindi mahuli-huli.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“Nakukutoban niya na may kahulugan ang pag-iral at pagkilos ng tao dahil may batayang kaayusan ang kahalagahan na namamayani sa lahat, at tumutupad o lumalabag dito ang ano mang gawain ng tao.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan
“[H]indi nagugutom o naghihirap kahit ang tamad na anak ng maykaya . . . subalit laging maghihirap at magugutom ang masipag na anak ng mahirap.”
Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan