Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat Quotes
Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
by
Ronaldo S. Vivo Jr.529 ratings, 4.46 average rating, 170 reviews
Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat Quotes
Showing 1-8 of 8
“Sabi ng demonyo, ipaubaya mo ang kapalaran sa kapangyarihang higit sa ating lahat, ang pagkakataon— na pare-pareho nating hindi hawak.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“[H]indi ibig sabihing hindi nakakulong ang isang tao ay mabuti na ito.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“Kapag ang tao tumatanda, ay nagbabago rin ang mga katotohanang kinakapitan.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“Tumatakbo siya, takbo nang takbo. Sa paa at ligalig ng isang pitong taong gulang na bata. Hinahabol ang kamusmusan sa mga bakanteng lote, eskinita, court, at lansangan. Dinadama ang hapdi ng init ng panahon sa tustadong balat. Nilalanghap ang alikabok. Nakikipagparamihan ng paltos at libag sa mga kalaro. Binabaka ang hikbi kung natutukso. Tinatawanan ang sarili kung nadadapa. Lulubugan ng araw nang nagwawala. At magigising siya, sa ulirat ng isang siyam na taong gulang na bata, gulong- gulo. Balot ng takot at pangamba ang loob ng bungo at sikmura sapagkat ang tabing na kurtina na ang nagsisilbing hudyat ng kaniyang dapit-hapon at hindi na ang mga ulap sa himpapawid.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“[H]igit na nakagigimbal ang bangungot hábang gisíng.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“Isang bagay siguro kung bakit napakapait para sa ’tin ang mamatayan o kahit na maisip man lang ang kamatayan, ay dahil masyado tayong maraming alaalang iniingatan, maganda man o hindi.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“Matagal na kaming patay. . . . [A]ng pagkamatay, di lang sa pagratay sa kabaong nasusukat, dahil kahit na walang kabaong, sugal at padasal, araw-araw kaming naglalamay dahil araw-araw din kaming namamatay.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
“Kinuha ni Butsok ang sigarilyong nakaipit sa kanang tainga, isinubo't nagsindi. Sa paghithit-buga, wari'y nagkahugis ang isang buntong-hininga sa anyo ng puting usok-wangis ng pagwawala, katumbas ng pagtangis.”
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
― Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat
