Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan Quotes
Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
by
Roberto T. Añonuevo9 ratings, 4.33 average rating, 2 reviews
Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan Quotes
Showing 1-4 of 4
“[A]ng pagkilala kay Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa” ay puwedeng pagtaluhan, dahil ang tunay namang nagsikap na isabatas ang Pambansang Wikang Filipino ay si dating Punong Mahistrado Norberto Romualdez, sa tulong ng mga mambabatas na nagmula sa iba’t ibang lalawigang hindi saklaw ng Tagalog.
—Mula sa Ang Kaso ng Dekalogo ng Wikang Filipino, páhiná 162”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
—Mula sa Ang Kaso ng Dekalogo ng Wikang Filipino, páhiná 162”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
“Sa larangan ng politika, ang lahat ay mabubuksan at magagamit bilang kasangkapan upang makamit ang anumang lunggati ng politiko . . . [N]asa demokratikong bansa tayo, at malaya ang sinuman na ihayag kahit ang kaniyang angking katangahan o kabaliwan.
—Mula sa Kampanya at Halalan, páhiná 70–71”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
—Mula sa Kampanya at Halalan, páhiná 70–71”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
“Portmanteau, o pinagsanib na mga salita ang “jejemon.” Mauugat ito sa “jeje-” (na katumbas ng mahinang pagtawa at binibigkas sa Espanyol na “hehe,” gaya ng Espanyol na“jefe” na “hepe” naman sa Filipino) at “-mon” na mula sa Ingles na “monster” na . . . tinipil na anyo ay ang “pokémon” (pocket+monster) na pinasikat sa mga palabas na animé ng Hapones.
—Mula sa Dominyo ng Jejemon, páhiná 66”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
—Mula sa Dominyo ng Jejemon, páhiná 66”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
“Gubat na maraming paraan ng pagdulog ang pagbubuo ng ortograpiya, kung ituturing ang wika na lupaing kailangang tuklasin upang mabatid ang paraan ng pagpaloob . . . Ang pagkaligaw sa matalinghagang gubat ay simula ng pagkalito at di-pagkakaunawaan, at ang sínumáng may kakayahang makalikha ng sariling landas at makabuo ng mapa, o makagamit ng wika alinsunod sa kaniyang pamantayan na handa namang tanggapin ng ibang tao, ang posibleng maunang manaig.
—Páhiná 37, Ortograpiya at Pagbabago”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
—Páhiná 37, Ortograpiya at Pagbabago”
― Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan
