Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon Quotes
Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
by
Virgilio S. Almario0 ratings, 0.00 average rating, 0 reviews
Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon Quotes
Showing 1-13 of 13
“Totoong lumalaganap na noong 1950s ang pagsúlat ng “sapagkat, ” “subalit,” “datapwat,” at “bawat.” . . . Ano ang kasalanan ni C. H. Panganiban? . . . Sabi niya, “alang-alang sa ikadadali ng pagsulat.” . . . Katulad ng pagtitipid, higit na sintomas ito ng katamaran. Maraming gámit sa pagsúlat ang puwedeng alisin kapag pinairal ang naturang dahilan. . . . [N]agwagî ang ilang panukalà ni C. H. Panganiban. . . . [H]indi dahil sa kaniyang isinaad na katwiran. . . . [W]alâ nang gumagamit ng orihinal na “nguni” o “nguni at,” “sapagka” o “sapagka at.” Sa gayon, hindi na totoo ang tuntunin para lagyan pa ng kudlit ang “ngunit” at “sapagkat” dahil walâ nang makapapansin sa naganap na pagtipil sa “at.”
—Mula sa Konserbatismo versus Modernismo, páhiná 374–375”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa

“Ayon sa makabagong pamamaraan, ang nguni’t, gayon din ang iba pang pangatnig na nakagawian nang samahan ng “t,” gaya ng datapwa’t, subali’t, sapagka’t, ay naisusulat na rin nang walang kudlit—ngunit, datapwat, subalit, sapagkat—alang-alang sa ikadadali ng pagsulat. Ganito ang nangyari sa bakit (bakit at) at sa kahit (kahit at o kahiman at), na ngayo’y kapwa isinusulat nang walang kudlit.
—Mula kay C. H. Panganiban sa Sariling Wika, na sinipi sa Konserbatismo versus Modernismo, páhiná 374”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
—Mula kay C. H. Panganiban sa Sariling Wika, na sinipi sa Konserbatismo versus Modernismo, páhiná 374”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Minamanhid ng labis at purong konserbatismo ang pandamá upang hindi makapansin sa sariling pagkabulok at lalo na’t hindi makaunawà sa makatuturang pagbabanyuhay ng paligid.
—Mula sa Konserbstismo Versus Modernismo, páhiná 373”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
—Mula sa Konserbstismo Versus Modernismo, páhiná 373”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Natatandaan din niyang (LKS) si E. T. Daluz ang lumikha ng “katarúngan” mula sa “taróng” ng Sebwano at ipinantumbas sa justicia, ang humiram ng “bansâ” at “gurò” mula sa Maláyo para itapat sa nacion at maestro/maestra. Si Isidro Abad naman ang kumuha ng “lunâ” sa Sebwano, dinagdagan ng N, para maging lunán at itumbas sa lugar. Hindi naman daw nakapasá sa Samahan ng mga Mananagalog ang “agtúray” ng mga Ilokano para ipalít sa “gobernador” dahil malápit sa “katúray.”
—Mula sa Ang Wika sa Panahon ng Cold War, páhiná 369”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
—Mula sa Ang Wika sa Panahon ng Cold War, páhiná 369”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Tungkol sa pagpapanatíli ng mga pangalan ng pook, mungkahi niyang baguhin ang mga pangalan at baybay ng mga katutubò ang orihinal. Halimbawa: Lusong>Luzon, Bisayas>Visayas, Sugbo>Cebu, Wawa>Guagua, Hamtik>Antique, Batangan>Batangas, Sulsugon>Sorsogon, Masbat>Masbate.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Napagkaisahan na sa isang pulong ng Kapisanan ng mga Manunulat noong 1903 na isusúlat itong NG. Ngunit marami ang nagsusulát hanggang nitóng 1940 na NG ngunit may kilay ang G̃. Si L. K. Santos nga, ang ispeling ay G̃ (may kilay) pa rin hanggang 1930. . . . Nilagyan naman ni E. T. Daluz ng kudlit kapalit ng N ang NG kapag ginámit na pangatnig, halimbawa, “tao’g kasalukuyan,” “aki’g lupain.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“[N]atalo ang kaniyang (Eusebio T. Daluz) “panagtinig,” sa “patinig” ni L. K. Santos, ang kaniyang “lampibadyâ” sa “pang-abay,” ang kaniyang “sugnô” sa “parirala,” ang kaniyang “halipnama” sa “panghalip,” ang kaniyang “latíb” sa “gitling,” ang kaniyang “lakmay” sa “talata,” “talakay” sa “parirala,” atbp. Mabuti’t nabúhay sa Balarila ang kaniyang “katinig”=consonant, “pangungusap”=sentence, “palatuntunan”=program, “pantig”=sylabble, “tuldok”=period.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“bangkutà”=coral reef, “táog”=high tide, “udyóng”=abdomen, “misáy”=moustache, “ulbô”=hog sty, “dápog”=hearth, “bánoy”=eagle, “muláwin”=molave, “gádya”=elephant.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Tinawag niya (Eusebio T. Daluz) ang naturang paghahalò ng mga salitâ mula sa ibá-ibáng wika na isang operasyon tungo sa pagbuo ng wikang “Pilipinhon”—na tatawagin din niyang “Pilipino”—kayâ maituturing na pasimunò siya ng pagpapangalang “Pilipino” sa isang wikang panlahat ng Filipinas.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Tinawag lámang na “Filipinas” ang 7,100 isla sa panahon ng kolonyalisming Español. Hindi pa nakabubuo ng damdáming nagkakaisa—o nasyonalismo—ang mga pangkating etniko sa buong arkipelago.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“[M]alinaw ang aral ni Jacinto sa kaniyang pambungad na sanaysay: Hindi lahat ng liwanag ay kapaki-pakinabang. May “ningning” na nakabubúlag at magdarayà, at sa gayo’y nagdudulot pa ng higit na karimlan sa ísip.”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“[S]inabi ni Rizal na si T. H. Pardo de Tavera ang nangmungkahi na ang ÑG noon at isinusulat na NANG sa buong panahon ng Español ay gawíng NG. Sabi ni Rizal, mas matipid kung isúlat na lang itong G̃ (na may kilay). Sa estilo ni P. H. Poblete, mula sa Revista Popular hanggang sa “Huling Caisipan, ” ang lahat ng “ng” ay ÑG (na may kilay ang G).
—Páhiná 82–83”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
—Páhiná 82–83”
― Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa
“Sinimulan din niya (P. Serrano Laktaw) ang pagdaglat na ÑG sa NANG at MGA sa MANGA.”