Find & Share Quotes with Friends

Pitong Bundok ng Haraya Quotes

Rate this book
Clear rating
Pitong Bundok ng Haraya Pitong Bundok ng Haraya by Virgilio S. Almario
17 ratings, 3.88 average rating, 4 reviews
Pitong Bundok ng Haraya Quotes Showing 1-8 of 8
“Napakalupit ng kamangmangan. Pinapupurol nitó ang pagkakilála ng mangmang sa kaniyang sarili túngo sa pagtanggap na totoong may takda ang posibilidad ng kaniyang kakayahan at búhay bílang tao, o higit na malupit, túngo sa pagtanggap na wala nang ibang posibilidad para sa kaniyang búhay.
—Kalayaan”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“May binibigyan ng pribilehiyo sa bawat paghihigpit; may “maliban sa” ang bawat pagbabawal.
—Konsistensi”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“Ang pag-ibig kay Corazon ay higit kaysa pagkasabik sa lamán at pagtatamasa ng layaw. Manapa, ang luwalhati ng dalisay na pag-ibig ay nása ganap na pagbibigay ng sarili, sukdang mangahulugan ito ng pag-aalay ng sariling hininga.
—Gilalas”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“Umiiwas sa panganib ang hindi pa umiibig; ngunit ituturing pang langit ang pag-aalay ng búhay ng nag-alab sa pag-ibig.
—Gilalas”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“Ningning ang huwad at magdarayang karunungan, liwanag ang totoo’t kailangang karunungan.
—Karunungan”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“Ang totoong paglingap sa nakalipas ay hindi pagtitipon lámang ng museo ng mga materyal na relikya; sa halip, at higit na makabuluhan ang pagsisikap mong mapanatiling buháy ang diwa ng nakaraan.
–Pitóng Bundok ng Haraya”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“Humahanap ang kagandahang-loob ng ipagmamalaki mula sa nakalipas, ng anumang maipampapalusog sa sarili nitóng kasaysayan. Ay, napakalungkot ng isang táo na may masamâng karanasan. Subalit napakadukha ng isang tao na walang karanasan.
—Pitóng Bundok ng Haraya”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya
“At huwag kang magtanong kung magtatagumpay ka sa pinili mong búhay. . . . Ang totoo, hindi magandang palatandaan kung magtatanong ka. . . . Kulang ka sa espiritu, sa kailangang espiritu ng pakikipagsapalaran.”
Virgilio S. Almario, Pitong Bundok ng Haraya