Halos Isang Buhay Quotes

Rate this book
Clear rating
Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela by Edgar Calabia Samar
70 ratings, 4.04 average rating, 10 reviews
Halos Isang Buhay Quotes Showing 1-4 of 4
“[L]umilipad ang manananggal, nahahati ang katawan at pumapailanlang sa kalawakan kaya’t may bisyon mula sa itaas, mula sa punto-de-bistang hindi maaabot ng karaniwang taong naglalakad. Samantala’y naiiwan ang kalahati ng katawan niya’t nananatiling nakayapak ang mga paa sa lupa.”
Edgar Calabia Samar, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela
“Tinuruan tayo ng matatandang lumingon sa pinanggalingan . . . subalit walang panawagang magbalik, dahil marahil sa kakabit nitong sinauna ring karunungan na wala na ngang makababalik, at maaari na lamang tanawin ang patuloy na paglayo natin sa mga bagay.”
Edgar Calabia Samar, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela
“[K]akabit ng tula ang alaala, ang pag-aalala, . . . marami itong pamamaraang mnemonic, gaya ng pag-uulit ng tunog, bilang ng pantig, o kahit ng mga buong taludtod.”
Edgar Calabia Samar, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela
“Hinahanap natin ang mga sarili natin sa mga tauhang binabasa natin. Hindi ito pagtakas sa realidad, kundi pagtuklas sa realidad ng loob, higit na pagkilala sa sarili natin na tila kasinghiwaga ng kalawakan ng unibersong imahinaryo’t totoo.”
Edgar Calabia Samar, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela