Magpakatao Quotes

Rate this book
Clear rating
Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko by Roque Ferriols
10 ratings, 4.80 average rating, 0 reviews
Magpakatao Quotes Showing 1-14 of 14
“Ako ang aking mga nagawa, ako ang aking mga naisakatuparan
—Gabriel Marcel sa "Pagpapakatao”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Ang posibilidad na ang minorya ay tama ay maitatanggi lamang sa tinatawag na isang uri ng aritmetikang pangkaisipan—isang paniniwala na ang katotohanan ay matatagpuan sa pamamagitan ng pagbibilang ng nakararaming palagay—na tunay na isang napakababaw na pangangatwiran; batid natin na hindi sa pagbibilang ng ulo natutuklasan ang pinakamabuting paraan.
—Mula kay Gabriel Marcel sa “Pagpapakatao”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Hindi pagbibilanggo ang pagmamahal kundi isang pagpapalaya.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Ang pag-ukol sa akin ng pagmamahal ng ibang tao ang unang kasiyahang naranasan ko sa buhay.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Hindi nangangahulugang pagsamba ang paggalang; isang pagtanggap ito ng kanyang pagiging siya, iba sa akin.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Hindi lamang ipinahahayag ang pagmamahal, isinasagawa ito. . . . Kumikilos at may bisa ang pagmamahal.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Ngunit hindi pagmamahal ang pagnanais o paghahangad; kapag nawala na ang mga katangiang ito, nawawala na rin ba ang pagmamahal ko? Higit pa sa pagkahaling ang pagmanahal, higit pa sa isang pagnanais ng ganito-at-ganoong katangian ng aking kapwa. . . . Isang pagdaranas ko sa kalaliman at kahiwagaan ng kapwa ang pagmamahal, at matatag kong ipinagkakaloob ito para sa kanya.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Kataka-taka ang nangyayari sa pagmamahal—na ang dalawa’y nagiging isa ngunit mananatiling dalawa.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Isa pang paraan upang daigin ang kalungkutan ang paglunod sa sarili sa maraming malikhaing gawain . . . ngunit panandalian din lamang. . . . Nalulutas lamang ang suliranin ng kalungkutan sa pagtanggap sa kapwa bilang kapwa, sa pagsapit ng pagmamahal.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“[N]ailalarawan ang pagmamahal bilang isang pag-angkin o pagpapaangkin ng isang tao.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Ipinagkakamali ng karamihan ang pagmamahal sa romansa. Kung kaya’t napakatamis pakinggan ng katagang “pag-ibig.” . . . Ginagamit ko dito ang salitang “pag-ibig” sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae, isang pagmamahalang sekswal. Ang salitang “pagmamahal” ay may mas malawak na kahulugan dahil sinasakop din nito ang pagkakaibigan.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Isang Penomenolohiya ng Pagmamahal”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“[M]ahaba pa ang panahon upang makilala ang bawat isa, upang matuklasan, upang matutuhan ang wagas na pag-ibig sa isa’t isa.
—Mula kay Manuel B. Dy, Jr. sa “Ang Pamamaraang Penomenolohiko”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“Sapagkat kailangang magsimula sa mga simpleng bagay upang makaabot sa isang wastong paraan sa mga malalalim na usapan. Pati ang eroplano kailangang gumapang muna bago makalipad.
—Mula sa “Pambungad na Pagmumuni-muni: Hangganan ng Talinghaga”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko
“May mga bagay na alam na natin, ngunit hindi natin napapansin ang kaalaman. . . . Hindi ko namulatan kung gaano katalik ang aming pagkakaibigan ni Juan hanggang hindi kami nagkahiwalay. Nang namatay si Maria saka ko namulatan na kay lalim pala ng aming pag-ibig. . . . [A]ng kanyang buhay na pang-araw-araw ay maaari palang mag-anyong pambihira sa ibang tao, na ang pangkaraniwan sa kanya ay bagong daigdig sa kanyang pinsan.
—Mula sa "Pambungad sa Pagmumuni-muni: Pagmumulat”
Roque Ferriols, Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko