Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan Quotes
Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
by
Pamela Cruz Constantino79 ratings, 4.10 average rating, 4 reviews
Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan Quotes
Showing 1-15 of 15
“Hindi konstelasyon ang Dinaanan ng Barko ni Apong Noe. Ito ang Milky Way na sa tingin ng mga mangingisda ay parang nga bula sa ilog nang dumaan ang bangka o barko.”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan

“[A]ng salitang buntala (kumbinasyon ng buwan at tala) para sa mga planeta at ang bitumpok (kumbinasyon ng tumpok at bituin) para sa mga konstelasyon.”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Tinatawag ng mga Tagalog ang kabuuan ng kapaligiran na sansinukob at santinakpan. Nakapaloob dito ang idea na ang lahat ng mga bagay ay nakapaloob o nakasukob sa tila mangkok na kalangitang tumatakip sa mga ito.”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ngunit paano natin madadalumat ang sariling pangangailangan kung sa simula pa lamang ay sa ibang mata ang ating gamit?
(Mula sa Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia M. Melendrez-Cruz)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia M. Melendrez-Cruz)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Sa halip na pagtatanong at paglutas ng problema, pagkabisa ang siyang nagiging tanggap na paraan ng pagkatuto.
(Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia M. Melendrez-Cruz)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia M. Melendrez-Cruz)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan, o pang-aliw.
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino. Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong naniniwala na sila, bilang indibidwal o kolektibo, ay pantay sa ibang mga sambayanan.
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ang wikang katutubo na yumayabong ay nakatutulong sa katutubong pag-iisip.
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“[P]angkalahatang ideya lamang ang natutuhan ng mga mag-aaral; hindi nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim na pag-unawa. Kaya naging ugali na ng maraming estudyante ang mag-aral lamang para makasagot nang tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos ng kurso. Napipigil ang malayang pag-iisip sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang ginagamit sa labas ng klase. Ang isang mag-aaral ay nasisiyahan na lamang sa pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang impormasyong ito ara mapalalim ang kanyang pang-unawa sa mga suliranin ng kanyang lipunan.
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay naging sagabal sa pag-iisip, ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga naman ng kulturang bansot.
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating mataas na antas ng literacy, ngunit lumilikha tayo ng mga mamamayang walang karanasang intelektuwal tungkol sa kahulugan at layunin ng ating bayan.
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“Ang wika ay hindi lamang daluyan, kundi tagapahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura bilang kabuuan ng isip, damdamin, ugali, at karanasan ng isang grupo ng tao.
(Mula sa Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
(Mula sa Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar)”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“[M]ga salitang napasok bunga ng kolonyalismo, gaya ng “nabob” (mula sa nawwab ng Hindi), “typhoon” (mula sa Tsino tai fung), “catsup” (mula sa Amoy ke-tsiap), at pati “compound” (mula sa Malayo, kampong).”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“[M]adali nating masasabi na ang wika ay hindi nangangailangan ng nasyonalismo nguni't ang huli ay kailangan ang una upang sumilang, sumigla, yumabong, at magkaroon ng diwa't buhay.”
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
― Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan
“[H]indi rin maaaring sabihing lima kung pito naman ang lapis na hawak mo.”