Kulô at Kolórum Quotes

Rate this book
Clear rating
Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin by Virgilio S. Almario
3 ratings, 4.00 average rating, 2 reviews
Kulô at Kolórum Quotes Showing 1-5 of 5
“Ang antas ng karunungang nakukuha sa klase ay kapantay lámang ng antas ng karunungan ng guro. Bukod pa, ang “mahigpit,” “masungit,” at “walang latoy” na guro ay malimit na hindi nakahandang magturo.”
Virgilio S. Almario, Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin
“Ang “bitbit” ay paraan ng pagdadalá sa pamamagitan ng isang kamay na nakaunat at nása tagiliran . . . [K]apag binuhat ang isang mabigat na bagay at inilagay sa balikat o sa gawing likod, ito ay “pasán.” Kapag inilagay sa ulo, “sunong.” Kapag dinalá sa ibabaw ng hita at nakaupô, “kálong” o “kandóng.” Kapag kinarga ang isang batà sa pamamagitan ng isang kamay at ipinuwesto sa tagiliran at nakasaklalay ang mga paa sa baywang ng nagkakarga, “kílik.”
Virgilio S. Almario, Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin
“M]aghápong mula sa ikaanim ng umaga hanggang ikalima ng takipsilim at ng magdamag mula ikaanim ng gabi hanggang ikalimá ng madalîng araw . . . May gitling ang “madalîng-araw” at bukang-liwayway.” . . . [G]anap nang pinagdikit kayâ walang gitling ang “dapithapon” at “takipsilim.”
Virgilio S. Almario, Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin
“Hindi naman maituturing na malî ang “ngayong araw.” Ngunit malinaw ding literal na salin lang ito ng today or this day sa Ingles . . . Hindi na kailangan ang “araw” kasunod ng “ngayon.” . . . Dahil ang “ngayon” ay sumasaklaw sa buong isang araw o 24 oras.”
Virgilio S. Almario, Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin
“Sa matandang bokabularyo nina Noceda at Sanlucar, nakalista ang “bangkóta” bílang katumbas ng arrecife . . . [P]inilì ang “tangríb” ng mga Ilokano . . . mulang Hiligaynon–ang “págang.” . . . ang Sebwanong “pásil.” . . . ang Bikol na “barawáng.”
Virgilio S. Almario, Kulô at Kolórum: Mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin