ABNKKBSNPLAKo?! Quotes
ABNKKBSNPLAKo?!
by
Bob Ong17,121 ratings, 4.21 average rating, 672 reviews
ABNKKBSNPLAKo?! Quotes
Showing 1-17 of 17
“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo. ”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko. ”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Parang "Time's Up!" ang reunion,"pass your papers finished or not!" Oras na para husgahan kung naging sino ka...o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Natapos din ang unos. Pero iba na 'ko ng makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. 'Yung ibang pananaw ko, bumuti, 'yung iba...hindi ako sigurado.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Lumala ang late, dumami ang absences. ‘Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na ‘yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Sino nga ba ang learning disabled, ‘yung mga hirap mag-aral o ‘yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ‘yung pangalawa?”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na
nakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at
mga bulaklak.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
nakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at
mga bulaklak.”
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Obligasyon ko bang pasanin ang mga problema ng math? Bakit? Bababa ba ng bill ko sa internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator!”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Paano kaya kung naging guro mo rin ang naging guro ng labindalawang disipulo sa Bible?”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Namangha rin kami sa illustration ng female reproductive system. Korteng sungay! At doon ang pabrika ng mga bata? Whoa! Information overload!”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Mas makatwiran ba ang panlalamang kung mas mahirap ang tao? Saan nanggagaling ang ganoong pagnanasang makapanloko ng kapwa?”
― ABNKKBSNPLAKo?!
― ABNKKBSNPLAKo?!
“Pero bilang guro, hindi ka dapat manguna sa mga naniniwalang hindi lahat ng tao ay may kapasidad matuto. Sumasalamin lang ito sa kapasidad mong magturo.”
― The Boy with A Snake in his Schoolbag: A Memoir from Manila
― The Boy with A Snake in his Schoolbag: A Memoir from Manila
