K.D. Absolutely’s Reviews > Michael's Shades of Blue Anthology: 13 Stories of Love, Hunger and Paranoia > Status Update
K.D. Absolutely
is on page 263 of 269
Halos tapos ko na ang libro. Nabitin lang kanina kasi inabot ako ng start ng meeting ngayong gabi. Sayang, natutuwa pa naman ako sa huling kuwento: "Si Igor at ang Kanyang Prinsesa" dahil sa sa paggamit ng katutubong alamat at ng walang kamatayang (spoiler alert)... amnesia.(spoiler ends). Pero maganda at may karapatan ang kuwento na maging closing story. Sana yong 2 huling pahina ay di makapagpabago sa saya ko haha.
— Nov 19, 2012 05:19AM
2 likes · Like flag
K.D.’s Previous Updates
K.D. Absolutely
is on page 208 of 269
Dalawang kuwento na lang at tapos ko na. Binasa ko ang almost 100 pages ngayon dahil Linggo at ako'y nasa bahay lang. Nakakasawa pa ang magbasa ng kuwento ng mga beki na dire-diretso. Parang sumasakit ang utak ko sa pagintindi sa kanilang mga pinaggagawa. Hays (ginamit na expression ni Patrice Marco sa trilogy nya).
— Nov 18, 2012 12:06AM
K.D. Absolutely
is on page 138 of 269
Gumaganda na habang lumalaon ako sa aking pagbabasa. Susunod na si Karl Marx S.T. at matatapos kay Michael mismo. Si Michael ay isang OFW at siguro'y mapera kaya nakakapag-publish ng ganitong libro. Sana'y ma-meet namin sa bookclub ang mga may-akda. Riot siguro. Payag kaya sila sa isang book discussion? Sila - meaning ang mga miyembro at hindi lang ang mga authors?
— Nov 17, 2012 12:11PM
K.D. Absolutely
is on page 83 of 269
So far, 4 na ang nabasa ko. Isa ang nagustuhan. 2 ang okay lang at 1 ang ayaw ko. Pahirap sa pagbabasa ang isang iyon. Akala mo lang ay hahangaan ko siya. Hmmmpf. Trip lang nya siguro pero di ko lang na-appreciate. Bigyan ko nga ng 1 star. Kung sino man sya. Hahaha
— Nov 17, 2012 02:22AM
K.D. Absolutely
is on page 41 of 269
Nakakadalawang kuwento na ako. Di ko pa lang marebyu. May book hunting kami ngayon. Eksayted. Bye.
— Nov 14, 2012 03:09PM

