Pinoy Reads Pinoy Books discussion

It's Raining Mens
This topic is about It's Raining Mens
37 views
Sabayang Pagbabasa > November 16-December 4 2015: IT'S RAINING MENS ni Bebang Siy (Mod: Clare)

Comments Showing 1-38 of 38 (38 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Aloha! Tayo nang magabasa ng isa sa mga libro ng isa sa mga moderator natin na si Bebang Siy, ang It's Raining Mens!

Si Ate Bebang ang Buena manong manunulat na natalakay natin ang libro via online discussion ditto sa PRPB kaya naganap ang First Date tour Disyembre, tatlong taon nang nakakaraan. Bagaman kilala na natin si Ate Bebang dahil almost always present sya sa bawat panayam na mayroon tayo, hindi pa naman natin sya pormal na nakahuntahan o nakasama sa isang diskusyon tungkol sa isa sa mga libro nya. Eto na ang panahon!

Tandaan lang, mga ka-kuweba. SECRET LANG ITO. Tayo lang ang makakaalam na ididiscuss natin ito libro nya hanggang bago ang Chirstmas Party. Surprise na din natin sa kanya, tamang tama at kaarawan din nya sa Disyembre!

Nawa'y makichikahan at discuss tayo dito sa GR! Mabibili nga pala ang librong ito sa lahat ng branch ng National Bookstore (Pag wala silang kopya, sabihin nyo lang pangalan ko at alam na nila yun. Chos!)


message 2: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Narito ang paunang tanong para sa unang bahagi, BOYS NIGHT

1. Sa tingin mo, bakit boys night ant titulo ng liham?

2. Dati pa (o kahit ngayon) meron ka rin bang kaibigang nasa malayo na madalas mong kwentuhan? Anong medium anf gamit nyo, email, chat, messenger o spirit of the glass? Elaborate.

3. Paano nyo ipinagdiriwang (?) ang araw ng mga patay? Kagaya rin ba sa party pary na pakulo nila o kayo yung gaya ng mga nakaugalian na?


message 3: by Ronie (last edited Nov 19, 2015 11:32PM) (new) - rated it 3 stars

Ronie Padao | 134 comments Dahil kawawa ka nmn at walang sumagot sa tanung mo :p ako na lang. hahaha

1. Dahil halos lahat nang nakasama nya doon ay lalaki?

2. Uhm, Hindi ako mahilig makipagkwentohan eh. Napaka-special mo na kung paglalaanan kita ng oras. Ganun ako.

3. Dahil nasa manila na ako, Naghahanda na lang kami at nag titirik ng kandila.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Boys' Night


1. Sa tingin mo, bakit boys night ang titulo ng liham?
Para maiba naman! Paano kasi ang palasak naman kung papamagatan itong Undas Day, Birthday Party, o Halloween Party. Parang walang dating. Pwede ring puro siguro lalaki rin ang dumalo sa kasiyahan, pero hindi ito 'yung boys' night na idinidikta ng malisyoso mong utak. Hahaha!


2. Dati pa (o kahit ngayon) meron ka rin bang kaibigang nasa malayo na madalas mong kwentuhan? Anong medium ang gamit nyo, email, chat, messenger o spirit of the glass? Elaborate.

Kahit sa malayo nakatira ang friends ko (mga dalawang kanto mula sa bahay namin) di ko talaga ugaling makipaghuntahan kung wala namang katuturan. Pero mabilis naman akong mag-reply o sumagot sakaling may maitutulong ako, basta wag lang financial matters o aalukin mo kong sumali sa networking o bumili ng bagay na tingin ko naman ay di ko kakailanganin. Basta. Ako yung tipong tahimik lang na kaibigan dahil ayokong panghimasukan yung oras mo dahil ayokong makaistorbo kung may ginagawa kang iba. Pero kung magkasama tayo, panigurado, buhos ang atensyon ko sa iyo.


3. Paano nyo ipinagdiriwang (?) ang araw ng mga patay? Kagaya rin ba sa party-party na pakulo nila o kayo yung gaya ng mga nakaugalian na?

Sa amin mix; nakaugaling pagdarasal para sa kaluluwa ng mga minamahal na pumanaw at family reunion party na rin dahil isa ito sa mga okasyon kung kailan magkakasama ang buong angkan. Walang pakulo, pero ang daming kuwentuhan lalo na kapag nagbabalik-tanaw 'yong mga tito at tita ko.


message 5: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Ronie wrote: "Dahil kawawa ka nmn at walang sumagot sa tanung mo :p ako na lang. hahaha

1. Dahil halos lahat nang nakasama nya doon ay lalaki?

2. Dahil nasa manila na ako, Naghahanda na lang kami at nag titiri..."

MAHAL MO TALAGA AKOOOO. :3


message 6: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Adrian wrote: "Huhu. Di pa ako makapagparticipate. Petsa de peligro na ang bulsa ko pero bibili ako nito pramis."

Oo basahin mo! At sumagot ditto :|


message 7: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments jzhunagev wrote: "Boys' Night


1. Sa tingin mo, bakit boys night ang titulo ng liham?
Para maiba naman! Paano kasi ang palasak naman kung papamagatan itong Undas Day, Birthday Party, o Halloween Party. Parang walan..."


Najudge na naman ako :\ Nako. Ang masasabi ko lang naman e living proof akong isa kang mabuting kaibigan :) ehem libre.


message 8: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Pasensya na at ngayon lang ako nakasagot at makakapagpost ng panibagong mga tanong dahil: una, nakakatamad pala magpost kapag walang pumapansin sayo (kaya saludo ako sa inyo, mga moderator kada libro esp. KD at Jzhun!) pangalawa, mukhang abala tayong lahat kahit may APEC break, at pangatlo, katatapos ko lang ng pinakabagong libro mam Ine. SORRY, REASONS! :p

Anyway highway, huwag kayong magalala. Wala akong iiinsist na schedule of readings natin dito dahil iba iba naman tayo sa phasing pagdating sa pagbabasa ng libro. Magpupost na lang ako ng mga katanungan dito at kayo nang bahala kung sasagutin nyo at di nako aasa pa baka masaktan pa ako. (chos! nagdrama. hahahaha!)


Huwag kayong magalala, mas magiging masaya ang diskusyon natin sa disyembre dahil you know Bebang! Gawin nating masaya ito at di yan magiging possible kung wala ka ;) SALI NA HUY! :DDDDD


message 9: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Rabbit Love

1. Ilang beses ka na bang nafriendzone? (Oo na, masakit na!)

2. Natry mo din ba during highschool/college days na may rabbit? Naging effective ba?

3. Base sa maikling kuwentong ito, pakidescribe ang rabbit ng nagkukwento. Pwedeng drawing. Hehe


message 10: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Birhen

1. May bali-balita sa kalakhang UBelt na may mga katulad kay Eli na may ganung trabaho para lang mairaos (?) ang pag-aaral sa kolehiyo, may kakilala ka bang ganun? Kung wala, anong masasabi mo tungkol dun?

2. Kung ikaw si Eli sa kuwento, gagawin mo din ba ang biglaang pagiwas kay Zal? Bakit?

3. Anong pagkakaparehas ni Zal at ng inaanak ni Eli? (Maliban sa pangalan ha. hehe)


message 11: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Paskong-Pasko

1. Bakit kaya umiiyak ang lalaki? Sabi ay ang biyenan nya. Anong meron?

A. Inaway sila at pinagdamutan ng pangnochebuena?
B. Dinilensyahan ng pera at nasaid?
C. Buntis ang biyenan nya
D. (Sagot na surreal)

Justify.


message 12: by Honeypie (last edited Nov 20, 2015 03:56AM) (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments BOYS' NIGHT

1. Hindi ko rin alam. Bakit nga ba? Baka kasi panahon ng "kababalaghan" ang Halloween. E ang mga boys ay puno ng kababalaghan. Tsssk.

2. Ang benta nung spirit of the glass. Hahaha!

Meron akong friend na lumipat na ng Amerika pagkagraduate namin sa elementary (1999). Simula nun, hindi na kami nagkita uli, kasi hindi na sya "umuuwi" dito, at hindi pa rin ako napupunta dun since nung grade 6 pa ako. Pero madalas kami mag-usap, at laging updated sa social media, in a way, na laging kaming nasa friends list ng isa't isa; at tingin ko naman ay itinuturing namin na totoong friends ang isa't isa.. From Yahoo Chat to Friendster to Facebook. By 'madalas', I mean nag-uusap kami tuwing birthday ng isa't isa. Haha!
Ayun, sana bumisita siya next month. : )

3. Walang party. Hindi kami fan ng "Halloween" na party-party ganun. Hehe! Pero karamihan ng miyembro ng pamilya ay bumibisita sa sementeryo. Yung mga hindi sumasama ay dahil may pasok, or may sakit, or "tinatamad". Ang init din kasi, at ang layo. Hahaha!
Pero ang favorite ko sa sementeryo ay yung mga binebentang pagkain. Inihaw na pusit FTW!


message 13: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Honeypie wrote: "BOYS' NIGHT

1. Hindi ko rin alam. Bakit nga ba? [spoilers removed]

2. Ang benta nung spirit of the glass. Hahaha!

Meron akong friend na lumipat na ng Amerika pagkagraduate namin sa elementary (1..."


Uy grabe Honeypie syempre isang uri pa rin yung ng medium so sinama na. hehe Oo nga, dama kong true friends kayo sa 'dalas' nyong magusap. Sana pati pasko no? :D Pag umuwi sya next month isama mo sa Christmas party natin! Saang sementeryo yang may inihaw na ousit na binibenta? Mabisita nga minsan. hehe


message 14: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Dalagang-Dala Na

1. Unang beses mo bang makabasa ng dula? Kung hindi, anu-ano na mga nabasa mong nasa format na ganito?

2. Kung isasadula nga ito, sino kaya sa tingin mo ang nababagay na gumanap sa mga tauhan?

3. May eksena sa dula na hindi chinekan ng guro ang assignment ng bata (tungkol sa retrato ng mag-ina bilang family picture), anong masasabi mo tungkol dito?

4. Bakit may mga lalaking walang 'bayag'? Di naman sila nanganganak pero dumarami.


message 15: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments UPA
Magbahagi ng isang anekdota tungkol sa mga panahong nabingi/nagkamali ng pandinig sa mga bagay-bagay, kung meron. Ano ang kahalagahan ng pakikinig nang mabuti?


message 16: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments RABBIT LOVE

1. Medyo personal ang tanong na ito.

Next.

2. Hindi. Wala akong paki sa mga tao sa paligid ko noong High School ako. Hindi naman "patay na bata", pero wala lang. Chill lang. Aral-aral. Crush-crush. Ganun. Noong College naman, wala rin. Hahaha! Hindi kasi ako fan ng mga tao. Hahahaha!

3. Hay nako. Itong rabbit na to ay katulad ng [mga] taong nasa question #01. Nang-ffriendzone! Grabe, hirap makagets kung kailan ayoko nang maging friends [LANG] kami.

---

Sisimulan ko na dapat yung Birhen. Medyo mahaba pala. Hahaha! BRB.


message 17: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Clare wrote: "Saang sementeryo yang may inihaw na ousit na binibenta?"

Lahat ng sementeryo kapag Undas ay may inihaw na pusit! Nakow. Ireport yang sementeryo niyo. Not keeping with the standards.


message 18: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments BIRHEN

1. Wala akong kakilala e.

Hindi rin kasi ako lumaki sa Lungsod ng Maynila.

Quezon City girl ako. Haha!

Anong masasabi ko sa mga katulad ni Eli? Aba, I'm proud of you sister! Noong nabasa ko nga yung Eleven Minutes ni Paulo Coelho, doon medyo nag-iba ang tingin ko sa mga prostitute at GROs. There's more to their life, indeed.

There's also more to my life. Haha!

I try not to judge. I'm not the* judge. Haha!

2. Pwede. Alam mo naman minsan ang mga babae. Kung hindi pakipot, ay nag-iinarte. Haha! There's that innate *thing* inside every woman to be loved. Hindi lahat ng babae tanga martyr sa pag-ibig!

Ang Php100 na ibigay sa iyo ay hindi kailangan laging suklian ng Php50, o kahit Php20 pa yan. Ang Php100 sa pag-ibig ay pinagsasaluhan.

Chos. Haha!

3. Pareho silang birhen, at tinuruan ni Eli "tumayo" at "maglakad". Pagkatapos nun, hindi na nila kailangan si Eli.

Hay. Mga Gonzalo talaga.

---

PASKONG-PASKO

1. A.

Dahil wala akong imagination sa biyenan stories. Hehe!

---

DALAGANG-DALA NA

1. Hindi naman ata. Pero hindi ko rin maalala kung ano yung mga nabasa ko na dati. Pero sigurado akong meron naman.

Nakikinig din ako ng mga drama sa radyo noon, kasabayan ng tatay ko. Hahaha!

2.

3. May mga tao talagang makitid ang pag-iisip sa mga bagay-bagay.

4. May hugot ba to? Haha! Gusto ko malaman ang sagot ng mga kalalakihan dito. Haha!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Clare wrote: "Najudge na naman ako :\ Nako. Ang masasabi ko lang naman e living proof akong isa kang mabuting kaibigan :) ehem libre."

Hwoy, pangungulit lang 'yan, hindi panghuhusga. Sorry namern. Haha!


message 20: by Apokripos (last edited Nov 21, 2015 10:00PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rabbit Love


1. Ilang beses ka na bang nafriendzone? (Oo na, masakit na!)

Masyadong personal ang tanong, at dahil d'yan, sasagutin ko! I lab et!

Kung baga sa giyera, beterano na ko ng Friendzone. Noong high school basted pa nga ang tawag sa lagay na 'yan. Oo, masakit sa simula. Pero natutunan ko na, ano naman?! Mahalaga nasabi at hindi kinimkim ang feelings. Ganoon talaga ang buhay; mayroong aayaw at magkakagusto sa iyo. Pero ok lang 'yon. Mas mahirap kung pipilitin ang ayaw. Kaya ako, kapag may gusto ako sa isang babae, sinasabi ko. May ilangan sa simula kung nalaman mong ayaw sa iyo ng girl, pero it takes maturity para harapin siyang muli at ituring na magkaibigan na lang muna kayo... sa ngayon.


2. Natry mo din ba during highschool/college days na may rabbit? Naging effective ba?

Honestly, ngayon ko lang nalaman ang study habit na 'to. Pero wala akong rabbit-rabbit noon. Ba! Ako ata ang hinahabol nila o pinipilit na higitan. Hahaha! Kapal!


3. Base sa maikling kuwentong ito, pakidescribe ang rabbit ng nagkukwento. Pwedeng drawing. Hehe

'Yung tauhang babae, napagod na sigurong makipaghabulan at maglaro ng taguan ng feelings. Ending, napikon si teh. Ayon ginaya si FPJ, nilagay niya sa kanyang mga kamay ang batas, at kung may pagkakataon, yayariin niya ang kunehong lalaki na paasa! Bahahaha!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Birhen


1. May bali-balita sa kalakhang UBelt na may mga katulad ni Eli na may ganung trabaho para lang mairaos (?) ang pag-aaral sa kolehiyo. May kakilala ka bang ganun? Kung wala, anong masasabi mo tungkol dun?

Nangyayari nga ang mga ganitong bagay. May kakilala ako dati. Kamusta na kaya siya ngayon? Pero ayoko na lang siyang hanapin sa Facebook. Sana masaya siya kung nasaan man siya.

Tao rin naman sila. Ang nakakalungkot lang napapakapit talaga sa patalim ang ilang mga tao kapag nagigipit na. Kanya-kanya tayo ng danas at wala tayong karapatang husgahan ang iba sa kung paano nila igigiya ang buhay nila.


2. Kung ikaw si Eli sa kuwento, gagawin mo din ba ang biglaang pagiwas kay Zal? Bakit?

Passive-aggressive kasi si Teh. Sa sex ok lang ang makipagbakbakan, pero kapag usapin na ng puso natameme na lang bigla siya. Pero nakikita ko ang sarili ko sa kanya. May ganitong desisyon din ako, na parang hindi hahantong sa happy ever after kung makikipagrelasyon ako sa taong ito. Kaya, mas mabuting putulin na lang kung kailan dama niyo pa ang saya habang kapiling ang isa't isa. Mabuti na 'yon kesa lumalim pa ang mga nadarama. Para sa huli hindi gaanong mahapdi ang kirot at maiwasan na rin ang magsisi pa.


3. Anong pagkakaparehas ni Zal at ng inaanak ni Eli? (Maliban sa pangalan ha. hehe)

Kapwa nangangailangan ng gabay para makatayo nang maayos at di mabuway sa landas ng buhay. Naks! Panalo na talaga ako sa online discussion. Lalim kaya ng mga hugot ko! Bahaha!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Paskong-Pasko


1. Bakit kaya umiiyak ang lalaki? Sabi ay ang biyenan nya. Anong meron?

A. Inaway sila at pinagdamutan ng pangnochebuena?
B. Dinilensyahan ng pera at nasaid?
C. Buntis ang biyenan nya
D. (Sagot na surreal)

Justify.


Ang batang dala-dala niya ay ang kanyang biyenan! What the fudge!


message 23: by Billy (new) - added it

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Naku ! hahabol ako


message 24: by Juan (new) - rated it 5 stars

Juan | 1532 comments OMG! nasa hiraman ang kopya ko! teka! habol din kami!


message 25: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments MAGANDANG ARAW MGA KAKUWEBA! Sabi natin "secret" lang ito pero nakakatamad itago sa facebook at maglipat ng mga huntahan ditto sa thread. Samantalahin na lang ang oras sa pagbabasa at pagsagot! Maraming salamat sa pagsagot sa mga katanungan, Ronie - Honeypie - Jzhun. Adrian, Billy at Juan HUMABOL KAYO! :D Mayroon na lang tayong 11 araw para sa online discussion. OO. Sorry na! Masyadong mabilis pero alam ko naming matagal nyo nang nabasa yan, itong online discussion ay para lang din marefresh ang mga utak natin sa nilalaman ng libro ng ating kakuweba. Lezzgow zagow!


message 26: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Honeypie wrote: "BIRHEN

1. Wala akong kakilala e.

Hindi rin kasi ako lumaki sa Lungsod ng Maynila.

Quezon City girl ako. Haha!

Anong masasabi ko sa mga katulad ni Eli? Aba, I'm proud of you sister! Noong nabasa..."


Maganda ang sagot mo sa pagkakaparehas ni Zal at baby Zal. Winner! Eksato!

Kahit anong ginagawa o pinipiling gawin ng mga tao sa ating paligid, wala nga tayong karapatan para husgahan sila dahil lahat ng tao ay kanya-kanyang dahilan at di natin danas ang nararanasan nila. :D


message 27: by Clare (new) - added it

Clare (clrslmngkra) | 542 comments jzhunagev wrote: "Rabbit Love


1. Ilang beses ka na bang nafriendzone? (Oo na, masakit na!)

Masyadong personal ang tanong, at dahil d'yan, sasagutin ko! I lab et!

Kung baga sa giyera, beterano na ko ng Friendzone..."


Buti na lang hindi ko pa naranasan ang basted type of feeling. Di ko carry!Pero I feel yah, kung may gusto ka sa isang tao, wag sayangin ang oras at sabihin ito. Nasa huli raw ang pagsisisi. Nuks!


message 28: by Apokripos (last edited Nov 24, 2015 02:19AM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Clare wrote: "Buti na lang hindi ko pa naranasan ang basted type of feeling. Di ko carry!Pero I feel yah, kung may gusto ka sa isang tao, wag sayangin ang oras at sabihin ito. Nasa huli raw ang pagsisisi. Nuks!"

Basted o na-friendzone, iisa lang ang resulta nun: ayaw sa iyo ng taong gusto mo. Ang ayaw ko sa salitang friendzone ay pinaliit kasi nito ang isyu ng rejection. Oo, masakit, pero sa mga bagay na ito tayo natututo, dahil sa katunayan hindi lang naman tayo sa pag-ibig nakararanas ng rejection.

Hindi ka man, nakaranas ma-basted o ma-friendzone, hindi ko pa rin sasabihing maswerte ka na. Naniniwala kasi ako na sa isang patas na mundo (egalitarian) kapwa may karapatan ang lalaki at babae na ligawan o suyuin ang taong gusto nila. 2015 na mga kaibigan! Kumawala na tayo sa gender roles!


Ronie Padao | 134 comments Adrian wrote: "Clare wrote: "UPA
Naku. Wala akong maibahagi dito. Basta ang alam ko, kagaya ng pakikinig, kailangan ding magbasa nang mabuti. E madalas pinag-aawayan ng mga magsing-irog ang chat at text dahil lang namali ang basa. Hahahaha. "


Hugot ang sagot ah! Base on experience ba itoh???? hahaha


Ingrid (gridni) | 157 comments Nakapagsimula din, haha
Sana matapos (pero di na ako aasa)

BOYS NIGHT

(view spoiler)


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Boys' Night

(view spoiler)

Rabbit Love

(view spoiler)

Birhen

(view spoiler)


Ingrid (gridni) | 157 comments Rabbit Love

(view spoiler)

Birhen

(view spoiler)


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Paskong-Pasko

(view spoiler)


Bananafriz | 180 comments Kwesi: ngayon ko lang nalaman na-friendzone ka pala! hahaha Basta lovelife mo kasi ayaw mong pag-usapan. :p


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Wow, Anna. Hindi ka pa rin nagbago. Madaldal ka pa din. Ang laki na ng butas ng bibig mo. Haha.


Bananafriz | 180 comments Kwesi 章英狮 wrote: "Wow, Anna. Hindi ka pa rin nagbago. Madaldal ka pa din. Ang laki na ng butas ng bibig mo. Haha."

Teka nag react lang ako sa sagot mo nuh! hahahaha. Pansin ko lang naman yun na pag nagtatanong ako ayaw mo ko sagutin. KFine ayoko na mag react sabihin mo nanaman ang daldal ko/ labyu na beh! hahahahha


Ronie Padao | 134 comments Gusto kong magkaroon ng Post Discussion tungkol dito. Kasi diba???? Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala sa nagawa natin! Sa mga sinabi ni ate Bebs. Yung mismong kabuoan ng panayam. Wow lang talaga, ang sulit.


message 38: by K.D., Founder (new) - rated it 5 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Puwede naman sa Sabado pagkatapos ng Tabi Po haha!

Pagtsismisan pa si Beverly? hahaha. Joke.


back to top