Pinoy Reads Pinoy Books discussion
note: This topic has been closed to new comments.
For Fun
>
Bakit Mahirap Maging Single?
message 201:
by
MJ
(new)
May 03, 2013 01:45AM

reply
|
flag

In my opinion - NO. But you must learn to assess yourself if you are capable of loving. Paano mo mararamdaman ang sparks na yan kung ikaw mismo, hindi mo alam ang gusto mo sa buhay...? Hindi darating ang sparks na yan, kapag hindi mo alam ang gusto mo in the first place. Believe me. F. Sionil Jose's Ermita (recent read) says so.
MJ wrote: "hahaha. wagi si Ella. yung "I Look For Love", may karugtong ba iyon na, FOREVER? :P hehehe"
Tolstoy's Kreutzer Sonata says that it is possible, if one has found a significant other willing to have shared ideals with you. Juiceko, look at your parents. They may not have the same attraction with whatever they have had before, but they have shared ideals +experiences. Ayun lang. :)
ANDAMI KONG SINABI!

Hindi ako naniniwala na introvert ang mga bookworms dahil extrovert ako pwera na lang kung exception ako, di rin ako naniniwala na matututo tayong magmahal pag nagbasa tayo ng chic lit, karamihan sa chic lit, pangarap lang ng babae ang pinapalabas at hindi ang katotohanan

Hindi ako naniniwala na introvert ang mga bookworms dahil extrovert ako pwera na lang kung exception ako, di rin ako naniniwala na m..."
I second Biena

-- Agree! :D

1. Umiiyak ang kaibigan mo dahil ini-two-time ng bf/gf nya
2. May kaibigan ka na may selosong bf/gf at hindi makasama sa masayang out-of-town lakad ng barkada.
3. ..."
Ass-kicking ang post na to
Bakit hindi na lang ang thread na ito ang gawing content ng libro? This whole thing is already a good read.:)

anyway... kahit ano pang sabihin nyo, ng love ay love at ang tao lang na nakadarama nito ang makapagpapaliwanag sa kanyang sarili... minsan, hanggang salita lang talaga tayo...
magmahal at masaktan at magmahal muli at handang masaktan muli so on and so on... ganyan ang buhay...yun lang naman e. :D

O sya, matatapos na ba ang thread na ito...? I-archive na at nang magawan na ng libro~ :D

Reev: Ang creepy nung 'so far' hahaha
Phoebe: Hahaha. Tantanan niyo na kasi si Reev, allergic yan eh. Balik na lang kayo ni Clai sa NiBie. Haha

http://www.youtube.com/watch?v=iDPjYZ...
:D

hahaa

O eto:
Magkarelasyon kayo pero buhay single kayo, posible ba yon? Magkaiba ang interes. Magkaiba ang social life. Minsan lang magkita. Pero pag nagkita naman: Mixed Martial Arts ang magkasintahan sa isang pribadong lugar. (Puwede raw sa loob ng sako sabi ni Nibra). Ooops, wag na wag sasabihin big deal ang minsan lang magkita dahil meron tayong unlitext, unlicall, unlisurf, unliFB, unli-Twitter, unli-Bog, etc, etc. Posible ba yung ganung set-up. BF-GF kayo pero buhay single diba?

Sabi ko nga kay KD sa isang thread, favorite kami dito eh ako si Ben at si Po. Damay mo na si Phoebe hahaha

Sabi ko nga kay KD sa isang thread, favorite kami dito eh ako si Ben at si Po. Damay mo na si Phoebe hahaha"
This means war, doesnt it Biena? Tatabi na ko baka matamaan ako ng bala, saksak at kung anu ano pang shrapnels,haha

Hi Ben! hahahaha
There is a contributing factor why people tend to be open with this:
dahil meron tayong unlitext, unlicall, unlisurf, unliFB, unli-Twitter, unli-Bog, etc, etc.
^people are not using their empathy because of these. SAD, noh? People tend to seclude themselves in singleness, because they have scapegoats. But that is all there is - scapegoats. Why fall in love if you are not open to the joys and vulnerability of it? Tapos magkikita kayo - lalab lang ang transaction nyo? Naging mala-negosyo ang relasyon - just to address their longing with each other. Pwede namang magkita kayo tapos magdaldalan lang kayo buong araw... HAHAHAHA ewan ko. bahala na nga kayo~

just to make it clear,(view spoiler)
Biena, peace :)
Agree ako kay Ella, parang no strings attached yung peg ng tanong ni Ben.

just to make it clear,[spoilers removed]
Biena, peace :)"
Phoebe, bakit hindi na lang ikaw? :-P <3

And yes, alam nila yung totoo. At nasabi ko na rin sa'yo dati kung ano yun di ba? :)
Magandang gabi mga kakweba! Salamat naman sa pagtangkilik niton thread na ito. Gaya ng sabi ko, mga mga threads na ino-open tayo para talakayin ang mga hindi maipahayag na saloobin. Kahit hindi natin aminin, mahirap ang buhay. At minsan, gusto natin ng kausap hindi lang upang sumaya kung hindi makakuha ng idea kundi man payo para malagpasan ang anumang hirap.
Nagbabasa kasi tayo alin sa dalawa o kumbinasyon nito: para malibang at/o para maging mas malawak ang kaalaman o pananaw sa buhay (para maging mas mabuting tao). Kung totoo ito, ganito rin ang hangarin ng thread na ito. Tama yong sinabi noong iba sa inyo, puwede na itong gawin libro o kunan ng ideya para ikuwento.
Karamihan sa inyo, 20+ ang difference ng edad sa akin. 80's ako noong 20+ ako. Kaya di ko rin mailahad ang buhay binata ko kagaya ng pagsasaysay na ginawa ni Berto. Maari kasing sabihin ninyo na noon yon at iba ng ngayon.
Magugulat kayo, halos pareho rin. Baka nga mas masahol pa noon dahil repressed ang maraming bagay dahil sa mga dulong taon ng Batas Militar maraming ginagawang panglibang si Marcos para malimutan ng mga tao ang sama ng loob sa kalagayang politikal ng bansa. Naririyan ang mga bastos na pelikula, babasahin, pagtatanghal, atbp. Loose ang moral. Kaya pakiramdam ko mga rape cases, crime/murder, etc. Yan yong panahon na maraming massacre movies.
Nahirapan ba akong maging single noon? Oo. Yong GF ko after graduation, nasa Dagupan at once a month lang kaming nagkikita, weekend pagkatapos kong sumuweldo. Tapos balikan yon. Umaga ako aalis dito sa Maynila at bago dumilim sa Dagupan, sasakay na ako ng bus pabalik dito sa Maynila. Anim na taon yon ha. Pero walang nangyari. Sabi nga ni Joanna (ang aking kalalawigan hahaha), ganoon talaga yon eh: iibig, magkakarelasyon, mabibigo. Tapos iibig ulit, magkakarelasyon, mabibigo. Parang nakakapagod pero ganoon talaga yon. Masaya ang ma-inlove eh. Alin bang pelikula sa Sarah-Lloyd trilogy yong ayaw agad pahalik ni Sarah dahil naroon daw yong sarap sa mga sandali bago lumapat ang halik. Yong paghihintay sa paglapat ng mga labi?
Naala-ala ko tuloy yong "taguan ng feelings" na nabanggit ni Ben. Parang pakiramdam mo may nagtataguan ng feelings dito sa PRPB hahaha. Alam na ninyo yon. Ituloy nyo na. Bakit ba kailangang hadlangan ang nararamdaman? Puwede namang pagusapan at kung di puwede, magkaibigan pa rin. Bakit nga ba kailangan masaktan pag nagmahal?

Ah, okay. Ano 'ko? Archive? Oo na lang ako nang oo. Kahit ilang beses ko na siya gustong murahin sa inis... ugh. Iniisip ko na lang, "'Pag ako nagka-boyfriend, tignan mo lang... gagantihan din kita! *evil laugh*"
At... mahirap maging single dahil ang kasama mo sa Valentine's ay ang kaibigan mong jaded na rin sa pag-ibig habang kumakain nang lugaw at kini-criticize ang bawat couple na makita namin.
Ano pa? Nakakainggit/nakakainis din makakita nang naglalampungan sa Rizal Park. Nakaka-bad trip lang tuwing pupunta pagkatapos nang klase. Gusto mong mag-unwind pero bababa lang ang kumpyansa mo sa sarili mo na makakahanap ka rin. Mwahahahaa.
Ta's 'yung makakita ka pa nang... "mismatched" na couple. 'Yung tipo na, ang guwapo-guwapo nung lalake, tapos 'yung girlfriend... leche.
Meron pa pala. Sa bus tuwing umaga. 'Yung sa tatluhan ka uupo tapos mag-girlfriend/boyfriend pa tatabi sa 'yo. Nakakahiya naman! Forever alone ang peg. Tapos maiinis pa ako sa sarili ko dahil naiinggit ako. Ano ba?!? Kailangan ko na yata nang psychiatrist.
Mahirap maging single dahil pinagbabawalan na ako nang mga kaibigan ko na basahin ang "Pride and Prejudice" paulit-ulit. Nakaka-sexually frustrate lang daw si Mr. Darcy -- aminado sila.
'Yung bigla ka na lang sasabihan nang kaibigan mo na:
Kaibigan: Punyeta, Drew. Gusto ko nang magka-boyfriend. Kahit one week lang.
Ako: Ha? Ano? 'Wag mo ngang lokohin ang sarili mo.
Kaibigan: Kahit one week lang. Trial and error ba.
Ako: O____O
At kahit na anong paniwala ko na "darating din 'yan", impatient na impatient na rin ako. 'Yung kahit saan, mapapatingin ka... naghahanap nang sparks (LOOOOOOL), eh. Kuyang naka-blue? Kuyang naka-white? Kuyang mala-Harry Styles ang buhok? Ikaw na ba 'yan? Ikaw ba ang nakalaan sa 'kin? LECHE.
'Yung habang feel na feel mo ang pagkanta... "Kung hindi ka na babalik, araw-araw na akong gigimik..."
Kaibigan: Weh, Drew? Gigimik ka talaga?
Me: Oo na, alam ko. Do'n lang ako sa bahay, magi-Internet, matutulog.
Anyway.... marami pa namang oras, buwan, taon para d'yan. Or so they say. Bahala na. XD
Naghimutok lang. Naglabas nang sama ng loob. Wooh. Ako na ang mauunang mag-sorry dahil nasayang lang ang oras niyo. Wooh.
Ayun. *bow*

Iniisip na lang naming magkakaibigan minsan, "O, at least. Single tayo. Gusto niyo bang d'yan kayo dalhin nang boyfriend niyo?" We get a lot of comfort from that -- no matter how pathetic.
Haha! Sorry. Ang dami kong sinabi. Tinatanong mo lang talaga kung saan maraming couples na kumakain nang lugaw. Pasensya. >.<
NIBIEREEV! NIEBIEREEEV! NIBIEREEEEEV! NIEBIEREEEEV!
Oh Ayan Phoebs! Reinforcement! HAHAHAHA!
Oh Ayan Phoebs! Reinforcement! HAHAHAHA!

baka ng mauna pa ito sa Tagos, sang-ayon ay Reev. hehehe. mas madaling magsulat ang mga peeps kapag tungkol sa pag-ibig ang tema e. hehehe. kulang pa yata ang capcity ng comment box.
andaming magandang materyales sa mga inilahad ng mga kakweba dito... hehehe... magandang pagsama-samahin at gawan ng nobela o maikling kuwento. hahaha. halimbawa: kaya siguro bihirang magkita sina Berto at ang kanyang irog ay dahil nasa Pangasinan pala si irog. at si Berto pala ay si ser KD na nagtime travel to future nang di inaasahan. yung sinakyan pala nyang bus pa-Maynila ay time capsule. hehehe.
magandang gabi sa lahat. magmahal mabigo magmahal mabigo...life.

baka ng mauna pa ito sa Tagos, sang-ayon ay Reev. hehehe. mas madaling magsulat ang mga peeps kapag tungkol sa pag-ibig ang tema e. hehehe. ku..."
Berto, kung makababalik ka sa nakaraan mong buhay, babalik ka ba? at bakit?
Nibra wrote: "Clai, 2's a company, 3's a crowd. :]"
Ayieee..mas gusto mo ba yung NiBie lang? HAHAHAHA.. :)
Matutupad na mga pangarap niyo mga kakweba..may magkakatuluyan na sa PRPB..hahaha..
Church Bells are ringing..hahaha..
@MJ: wooow..heavy.. :))
Ayieee..mas gusto mo ba yung NiBie lang? HAHAHAHA.. :)
Matutupad na mga pangarap niyo mga kakweba..may magkakatuluyan na sa PRPB..hahaha..
Church Bells are ringing..hahaha..
@MJ: wooow..heavy.. :))

maglaro ng apoy. ingat, baka magkasunog. :)
teka, may usok na!!!!!!!! :P
isang magandang quote mula kay Laura Ramirez, nang magkatuldukan na dito, at magkuwento na lamang ng mga masasaya at mapapait na alaala ukol sa pag-ibig nang matipon na at maisalibro, di ba, Reev? hehe. minsan, nakakairita nang mga bitter e. hehehe, ito na ang quote:
... isn't it amazing how our greatest joy can become our deepest pain? The highs and lows of love are part of its reality ... part of its nature. If you can embrace it, learn to ride it like a rollercoaster, reaching for the exhilaration even as your stomach drops out from fear, you can master love. Beyond this you will learn more about yourself, your strength, your beauty, your capacity to feel and more about the nature of love
HAHAHA..parang palagi kang may "babalikan" comment..HAHAHA..Humi-Hit List ang dramaaaaaa..
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.
Books mentioned in this topic
The Art of Loving (other topics)A Lover's Discourse: Fragments (other topics)
Understanding Media: The Extensions of Man (other topics)