Pinoy Reads Pinoy Books discussion

note: This topic has been closed to new comments.
93 views
For Fun > Bakit Mahirap Maging Single?

Comments Showing 1-50 of 301 (301 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7

message 1: by K.D., Founder (last edited Apr 30, 2013 06:34PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karamihan sa mga kakweba ay mga binata't dalaga pa. Mahirap ang buhay. Mahirap ang mabuhay. Mahirap ang buhay may asawa. Mahirap ang may pamilya. Pero sabi nila, pinakamahirap ang maging single.

Sabi nga nila ang paga-asawa ay "paglagay sa tahimik." Ibig sabihin kahit noon pang unang panahon, ipinalalagay ng mga ninuno natin dito sa Pilipinas na di "tahimik" ang buhay ng mga binata't dalaga, ang mga single.

Bakit? Ano ba ang mga nararanasan ninyo? Puwede ninyong i-ventilate dito sa thread na ito. Walang pikunan. Walang mali. Walang tama. Walang huhusga. No holds barred. :) Paguusapan natin.


message 2: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Aling 'single' to? 'yong civil status o yobg facebook status?


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hahaha, Nibra! Civil status hahaha!

Hmmm, puwede ring FB status. O yong nagbubuhay binata o dalaga sa gabi hahaha.


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Berto, oo nga ano? Noong ipanganak ka single ka na. Eh ano pala ang tamang tanong? Bakit mahirap ang buhay bago ka magpakasal? So inclusive na ang childhood days? Kasi di mahirap, generally, ang maging bata, Para sa akin, pinakamahirap yong maging single (as in binata o dalaga). Una-una, mahirap mag-decide anong gusto mo talaga sa buhay, quarter-life syndrome. Pangalawa, pagpili ng makakasama sa buhay, atbp.... Ayokong isa-isahin ang mga pinagdaanan ko kasi mapre-preempt kayong mga single pa hahaha.


message 5: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Ang masasabi ko lang...

I don't share bed. I am single.

Parang ewan lang eh no.


message 6: by Jessica (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Hmm...Hindi ko naranasan yan ng matagal so I can't say much :( Nag-abroad ako sa edad na 18, nakahanap ng lonely divorced man, at ayun, maagang nakapag-asawa. hahaha :D

Pero dito sa Europe mas madali ang may asawa (lalo pag walang anak) kasi hati expenses for everything. Pati na gawain sa bahay. Lahat.


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jessica, ako kasi nagpakasal sa edad ng 29. Kaya mahaba-haba ring panahon na single ako. Mahirap talaga. Mas malungkot kaysa sa mag-asawa na. Tapos parang minsan walang direksyon. Minsan parang blangko ang future kapag bini-visualize ko. :)


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama naman, pero may kanya-kanyang challenges ang bawa't stages ng buhay. Para lang, para sa akin, parang mas marami pagsubok o kahungkagan (emptiness) ang buhay ko noong single pa ako. Eh mas simple ang buhay noong 80's to 90's kaysa ngayon.


message 9: by Jessica (last edited Apr 30, 2013 07:06PM) (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments @K.D: Wow, almost 11 years late ka kompara sa akin.

Guess both have plus and minus, pero sige, maglagay pa kayo ng post tungkol sa pagiging single...lalakihan ko nalang ang mata ko at i-re-record lahat ng sinasabi ninyo for research. Huwag lang ninyo akong kasuhan kapag ginamit kong reference sa mga sinusulat ko yung mga napag-usapan ninyo...hahaha :D just joking (half-serious) *cough*


message 10: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments mahirap maging single, tama.

kasi... "No man is an Island." :)

pero minsan, ang pagigin single ay di lang lumilitaw sa literal at physical na katangian nito... maraming may asawa na ang nakararamdam ng pag-iisa, marami ring magkarelasyon, GF BF, na ang nag-iisa rin...

isang malalim at napakalawak na usapin ang pag-iisa...


message 11: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Sa tax lang naman mahirap (at nagpapahirap) maging single. :]


message 12: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Bakit ba pag sinabing single mahirap agad? Hindi ba pwedeng may mga advantages din naman? haha.
Pero natawa ko, may thread talaga tayong ganito (iba talaga PRPB haha)
At pansin ko lang, bakit halos lahat ng sumasagot ay hindi naman single (fb status) :P
Wala, panggulo lang ako haha tsaka pabasa ng mga sagot niyo (⌒▽⌒)


message 13: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Di mahirap! Haha!


message 14: by Jessica (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Berto wrote: "Jessica wrote: "@K.D: Wow, almost 11 years late ka kompara sa akin.

Guess both have plus and minus, pero sige, maglagay pa kayo ng post tungkol sa pagiging single...lalakihan ko nalang ang mata ko..."


Ayoko nga. Madamot ako sa credits (yes, pati sa pera) hahaha :D


message 15: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments ^business woman haha


message 16: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Hindi mahirap maging single—hindi magastos. Higit sa lahat, lubus-lubos na kalayaan! lol


message 17: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments selfie? hehe


message 18: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments MJ, selfie picture? chos haha.

k, napaghahalataan na kami haha


message 19: by Grace (new)

Grace Esmaya (graceesmaya) | 4 comments Hindi naman mahirap maging single. Personally, masaya nga kapag single ka dahil unang una, wala kang iintindihing iba. Minsan oo, maghahanap ka talaga ng pagmamahal mula sa ibang tao, pero all in all, masaya naman. Kung sasabihing mahirap maging single, hindi ung status ung mahirap. Yung tao lang ung nag-iisip na mahirap yun dahil hindi siya sanay na mag-isa. :)


message 20: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Dear all,

Bakit pati mga ganitong bagay pinag-uusapan sa goodreads site - pwede naman sa harapang talakayan. Magbasa tayo ng chic lit at mararamdaman ninyong mas masarap ang pakiramdam pag may sinisinta. Tapos.


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha, panalo ang banat ni Ella. May pinagdadaanan lang.

Pang ventilate lang ito. Marami kasi sa inyo ang single. Pero mukhang wala naman palang nihihirapan hahaha. Mali nga yata ang tanong ko. Assuming lang :)


message 22: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Mahirap maging single lalo na kung kagagaling mo lang sa matagal na relasyon. -.-


message 23: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare, kaya mo yan. Narito kami lagi para i-cheer up ka hahaha.


message 24: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Hi everyone!:)

Mahirap ang maging single kung nasanay na may ka partner in life. Ako, personally it's been long since i've been in a relationship. Akala ko kasi before that it was a way to resolve my issues of being alone--takot kasi ako; it was my security. Siguro I had the wrong reasons for choosing to be in a relationship, hanggang sa nag overlap na failed relationships.

Since my last relationship, I tried to find happiness within me; nakatulong ang pgbabasa ko. It allowed me to explore life and understand it more; hanggang sa nakita ko na ang contentment.

Don't get me wrong, di naman sa forever alone ang peg ko; it's just that I have learned that all of us are meant for what we deserve and sabi pa nga sa perks-- accept the love you know you deserve; hindi pampuno ng hapiness, para mafeel na complete ka. Sabi nga ni Oprah, a relationship should be complimentary, not supplementary.

Minsan miss ko ang may ka share ng life ko; pro thinking of the complications ng relationship, minsan nasasabi kong; God, I'm glad I'm single.. Eehe.. Mahaba ba?:)


message 25: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Uy ang daming single. 8)


message 26: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Oo nga eh..hehee


message 27: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments ang mahirap talaga, maging mahirap. hehehe


message 28: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments ^panalo! haha


message 29: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments My point si MJ :)


message 30: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Tatyana, ako yun ang peg ko forever alone bahaha. Hanu ba tong usapang lablayp, sabi nga ni Ella, dapat personal para mas masaya haha


message 31: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Nagulat nga ako sa thread na ito; pero super comment naman ako noh?? Hahaha!!!


message 32: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments may mga iniluwal talaga upang maging mag-isa, pero hindi ito nangangahulugan na malungkot sila at nahihirapan. :)

sadyang may kung anong misteryo sa buhay na hindi natin magagagap... tulad nang kung bakit may single at bakit may magkarelasyon at kung bakit natin pinag-uusapan ito gayong lagi namang nasusunod ang mismong taong nakadarama...:P


message 33: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Haha ganyan talaga kalawak ang PRPB, lahat napag-uusapan ;)


message 34: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Nagulat naman ako sa "iniluwal", ehehe-- pero oo nga naman. Walang maling justification sa topic na ito..hehhe.. Depende sa tao kung pano magcope sa sitwasyon..


message 35: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments ako rin eh nadala sa 'iniluwal' hehe


message 36: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Ang deep :)


message 37: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments hehe... iba pa yung 'nabuwal'... haha


message 38: by Majuchan (new)

Majuchan | 15 comments Siguro mahirap kasi naiingit sa mga may bf/gf? Kapag may nakikitang sweet couple, yung tipong magkaholding hands kapag nagsstroll ka sa mall, tapos ikaw magisa lang. (self pity?) xD

But I think mas mahirap ang nasa relationship when you are with the wrong person.


message 39: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Tatyana wrote: "Ang deep :)"

nalulunod ako, Tatyana. :D


message 40: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Majuchan: bitter ako pag may nakikita akong ganyan. Laging may comment sa isip ko na pilit kong di pinapalabas..hahaha!

Mj: ako diiiiin..haha!


message 41: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Majuchan wrote: "Siguro mahirap kasi naiingit sa mga may bf/gf? Kapag may nakikitang sweet couple, yung tipong magkaholding hands kapag nagsstroll ka sa mall, tapos ikaw magisa lang. (self pity?) xD

But I think m..."


kasalanan mo din naman kung bakit ka nasa "wrong" relationship di ba?


message 42: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments May mga tao talaga na sadyang naghohope na things will get better kahit sinasabi na ng iba na mali at di na tama ang relasyon na pinasukan nya. Perp mali nga ang ganyan. Kasi dapat sa simula pa lang sinigurado mo na pinagpatuloy mo ang relasyon dahil un ang deserve mo; hindi dahil umaasa ka magbabago pa ang lahat at magiging ok din pagdating ng panahon..


message 43: by Majuchan (last edited May 01, 2013 06:36AM) (new)

Majuchan | 15 comments @Tatyana: Hahaha! Relate? sometimes I amuse myself, iniisip kong "magbbreak din kayo" (devil laugh)

@MJ, technically it is your/my/our fault. But there are no warning signs if ang papasukin mong relationship ay with a wrong person.


message 44: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments K.D. wrote: "Clare, kaya mo yan. Narito kami lagi para i-cheer up ka hahaha."

Hihi. Salamat sa inyo. Mgiging maayos din ang lahat. Umalis sya, babalik din yun.:) Sana.


message 45: by Majuchan (new)

Majuchan | 15 comments Tatyana wrote: "Nagulat nga ako sa thread na ito; pero super comment naman ako noh?? Hahaha!!!"

Hahaha! Ako nga na hindi pala-comment. Always on stealth mode sa mga groups, napacomment bigla dito. Hahaha. xD


message 46: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Majuchan wrote: "@Tatyana: Hahaha! Relate? sometimes I amuse myself, iniisip kong "magbbreak din kayo" (devil laugh)

@MJ, technically it is your/my/our fault. But there are no warning signs if ang papasukin mong r..."


wala naman talagang warning signs. at hindi naman talaga wrong ang relationship siguro... baka, yun lang talaga ang dapat na mangyari. :)


message 47: by Beatrice (new)

Beatrice (beatricemasalunga) | 20 comments Single or in a relationship ka man basta masaya ka, walang mahirap dun. :)


message 48: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ito lang pala sikreto, nagkocomment bigla ang mga tao haha ;)


message 49: by Tatyana (new)

Tatyana Lauren | 52 comments Majuchan: ako din eh, mostly reviews lang inaabangan ko. Kakaibang review tong meron ngaun eh..haha!

Mj: ang deep mo na naman! :)

Phoebe: natawa ako dun!hahaha!


message 50: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments lahat naman kasi, may-"say" sa pag-ibig, hehe. sabi nga ng Beatles: ALL WE NEED IS LOVE! :D


« previous 1 3 4 5 6 7
back to top
This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.