Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
It's a Mens World
Sabayang Pagbabasa
>
Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)

Wagi, Louize!

Ang naibigan ko sa "Asintada" ay ang laro ng mga salita.
Asin.
Nilagay sa mata.
Asin-tada.
Maalat at mahapdi.
As in.
Ang pag-asinta sa isang pangyayari na simpleng trial and error lang pero nagbabadya na ang mga susunod na mga karanasang ihahatid ng libro ay walang kaseguruhan kung bitter o sweet.

Maikli, pero may sense
Di ko parin maisip kung bakit (view spoiler)
Ang lakas ng trip, haha
Wala akong memories to share this time. Pass.
:)
Jzhun, malakas din ang impluwensiya lalo na't kaibigan mo yong nagsabi.
Louize, cute naman. Parang "Crying Ladies" lang na mga little girls.
Ryan, galing mo. Di ko napansin yong word play.
Ingrid, ito kaya yong powder ng asin (mamahalin) o yong parang malalaking butil (na nabibili sa palengke) o yong rock salt (na mas sosyal)? Kung yong malalaki, lakas nga sa trip!

Tungkol kay Bebang
Naririnig-rinig ko lamang ang pangalan niya pero di ko pa nasubukang basahin ang kanyang mga gawa. Nakita ko pa man din yung libro niya nung MIBF, di ko pa binili!
Natuwa ako dun sa mapa dahil sa notes tugs tugs tugs tugs
Naalala ko yung Catch A Falling Star ni Cristina Pantoja-Hidalgo kasi parehong pinoy na bata at coming of age yung istorya kaso lang yung kay Christina English at middle class yung bidang si Patricia samantalang mas pang masa yung kay Bebang. :D
It's a Mens World
Noong hindi ko pa nabasa miski yung buod, akala ko yung ‘mens’ dun sa libro eh sinadyang mali kasi akala ko maling English yun kasi nga bata yung nasa cover haha.
Ayun nakarelate agad ako sa kwento. May mga kapatid kasi ako, naglalaro na parang walang bukas at yung mens haha
Pinakita rito ang sibling rivalry na bihirang mawala sa pamilya. Yung iba kasing magulang pinapakita na mayroon silang paborito, yung iba naman pinagkukumpara ang mga anak o minsan sadyang naiinggit sa atensyon /competitive lang ang mga bata.
At yung paghihigpit ng magulang lalong lalo na yung tatay pagdating sa manliligaw. Pumi pick-up lines tong si Michael eh haha
(view spoiler)
Ang sweet pa rin ng puppy love.
Wala nga lang akong ganyan dahil puro pinsan ko mga kalaro ko haha
Yung mga magulang ko nurses kaya siyensya ang pinapairal habang yung lola ko syempre pamahiin pero hindi naman napaka-hard core ng lola ko para pagawain ang mga di namin gusto. Sinabi niya yun pero di namin ginawa.
Naalala ko yung mga laro nung bata pa ko
Nakaw na Sandali
Naawa ako sa kanya dahil sa diskriminasyon (kahit naman siguro ng ibang lahi di lamang ng mga Chinese). Ipinakita yung tradisyon ng mga Intsik at yung tradisyon natin ng pagpaparusa.
Ang parusa sa min dati pinapalo kami ng lolo ko gamit ang stick, sa pwet. At isang beses, hindi ko makakalimutan, tinago ko yung stick haha
Asintada
Pasaway na bata haha Yan maganda rin sa bata minsan. Nung bata tayo parang wala tayong kinakatakutan eh
Hindi ko alam yung cherry balls, hindi na naman ba nakaabot sa probinsya namin? haha

--Yung feeling na nangingilo ka, yung tumatayo yung balahibo mo at gusto mong wag ituloy ang pagbabasa. Eto yun eh.
--Kahit kailan di ko pa naisip yun. At ngayon... pinapatay ako ng aking pagkausyoso ko at parang gusto kong itry... GAH!
BYE!
Phoebe at Patrick, salamat sa pagsali sa discussion.
Phoebe, try ko nga yang si Hidalgo one of these days... ako din! akala ko noong una kong makita ang libro, typo lang na walang apostrophe ang "Mens" tapos noong mabasa ko ang blurb, ay tungkol pala sa mens. Sabay balik sa shelf... sibling rivalry? parang meron kami noon. kami noong sinusundan ko na 1 year older lang sa akin. kaso siya ang valedictorian, siya ang masipag, siya ng mabait. kaya tinigilan ko na. siya na ang panalo LOL... "tumbong?" baka ibig mong sabihin ay puwit (puwet or pwet)? kung di ako nagkakamali, ang tumbong ay asshole LOL... hihintayin ko ang cherry ball ni jzhun sa Disyember a-uno.
Patrick, susubukan mo rin ang asin? gudlak!... bye (balik ka ha?) sem break naman.

Phoebe, malay mo ako ang mali. LOL.
Ika-22 ng Oktubre, 2012: Kwits
Ganti-ganti lang. What comes around goes around. Even. Amanos. Pero dito, parang masaya (?) naman dahil sa pagkakakwento. Di ko rin masabing masaya para kay Bebang na ngayon ay nagtratrabaho na at breadwinner ng pamilya. May option si Bebang na gawing drama ang pagkakakuwento pero ginawa pa rin niyang komedya. O ako lang ang nakakaisip na komedya ito?
Personal sharing. Tatay ko ang ganyan. Madyong din. Minsan noong 3 days straight di umuuwi. Nasa madyongan. Sabi ng Nanay ko, hindi raw iyong pinapatayo ng mga kalaban. Nagkakasarapan. Di ko naranasan yan. Kahit sa pagbabasa, na minsan ay over na, hindi naman ako inaabot ng 3 days. Kailangang mag-work. May workout. May mga dapat gawin sa bahay. Magsimba. Kumain sa labas. Makipagusap sa asawa't anak. Parang bisyo na rin ang pagbabasa o pagbili ng libro. Ubos suweldo rin minsan. Pero iba pa rin yata ang dalawa.

Toinks!
Ang Mama ko naman Cujao ang laro. Puro adults na kaming mga anak n'ya noong mahumaling s'ya dito. Dibersyon din ang dahilan n'ya. Pero in fairness sa Mama ko, nasa bahay na s'ya bago pa man kami makauwi from work. Sabi ng bunso namin, 2-5 daw ang sked ni Mama sa Cujao session, manalo o matalo. Di naman kami nag-aaway kasi kapag umuuwi kami always may hapunan na, pensyonada s'ya, at totoo namang barya lang ang tayaan nila. Pampalipas oras lang talaga ng mga nanay na gaya n'ya.
Kaming magkakapatid marunong sa baraha, mula poker hanggang tongits. Marunong din kami mag majong (d'yan addict ang lola at mga tita ko), pero di kami nagsugal kahit kelan. Ang Papa kasi hindi nagsugal hanggang sa mamatay s'ya.

Ang dami ko talagang hindi pa alam gawin. Wala akong alam na sugal. Pano kasi taong bahay ako tapos yung mga magulang ko di rin nagsusugal (which is a good thing). At palaging malas yung nanay ko sa mga ganyan ganyan kaya ayaw na ayaw niya talaga haha.
May kanya-kanya lang din namang kinakaadikan (o passion) ang mga tao, sadyang delikado lang pag nasosobrahan. At tama ka KD, na karma siya.

Marunong din naman akong maglaro gamit ang mga baraha, pero never kaming nagsugal. :)
Mahjong ang gusto kong matutunan!
:))

Kami rin tinuruan ng tatay ko ng Mahjong at Baraha pero walang taya just for mind exercise-math at memory exercise!...
Batay sa kwento kaya siya Kwits ay dahil nun b-day ng nanay niya ay hindi man siya dinalaw ng mga kaibigan niya na napasarap sa pagsusugal na hindi kasama ang nanay nila kung tutuusin eh bilang magkakaibigan ay hindi naglilimutan subalit na-ipakita lang ng mga kaibigan ng nanay niya na hindi rin siya mahalaga kaya mas mahalaga pa sa mga kaibigan niya ang pagsususgal kaysa samahan nilang magkaka-ibigan. Naranasan din ng nanay nila kung gaano siya ka-miss ng mga anak niya kapag nag-susugal siya.
Louize, ngayon ko lang narinig yang Cujao! Parang tama lang naman may dibersyon pag retirado na. Ikaw anong balak mo pagdating ng araw? Libro na lang?... Kaming buong pamilya noon naglalaro ng baraha pero pekwa lang o 41. Sa probinsya yon pag summer break at walang kuryente. Hay, ala-ala.
Phoebe, feeling ko lang di naman nagre-reklamo talaga si Bebang. Tinggin mo rin ba? Kasi ang "mood" ng kuwento nya eh light pa rin.
Ingrid, pang-mayaman kasi ang image ng madyong eh. Kahit daw si Cory Aquino noong bago ito maging presidente, nagma-madyong togethe with her amigas. Kahit daw si P-Noy, mahilig sa card games dati sabi ng kakilala kong malapit sa Times Street.
Po, tama. Sabi nga ni Louize dati na ang page-exercise ng brain ay makakabawas sa chance na magkaroon ng Alzheimer's pagdating ng araw. Kasama dyan ang pagbabasa, chess at siguro kasama na rin ang sugal.
Salamat sa pagkikibahagi sa diskusyon.

Yun ding light treatment ng kwento ang nagustuhan ko sa "Kwits". Wala halos panghuhusga si Bebang sa kanyang ina, bagamat may pagtatampo ito sa kanya. Kagaya nga ng sinabi ni Po, natuto ang kanyang ina na ma-realize sa sarili nya na nag-iiba talaga ang prayoridad ng mga taong nalululong sa bisyo.

Aking Reaksyon: Isang Natatanging Character Sketch
Ipinakita ni Beb ang mukha ng makabagong ina (hindi lang din sa sanaysay na ito kundi sa iba na ating makikita paglaon). Hindi ito yong tipikal na nagpapakasakit at nagsasakripisyong ilaw ng tahanan na lagi nating natutunghayan sa mga palasak na telenobela. Buti na lang walang naganap na sampalan kahit pa pinipilit ng anak na umuwi ng bahay ang ina.
Para sa akin nakakatuwa yong role reversal ng ina at anak. Noon ang ina ang nagpupumilit sa anak na umuwi ng maaga sa bahay, may amba pang pananakot ng pamamalo; ngayon, ang anak naman ang nagpupumilit sa ina na umuwi ng maaga sa bahay na humahantong pa sa pananakot na hindi bibigyan ng perang panustos o pangsugal.
Sa usapin ng pagsusugal, wala talaga akong muwang sa tong-its. Unggoy-ungguyan lang (kasi mukha akong unggoy). Kung may laro sa baraha na alam ko e, teks o Trump Cards lang noong bata, at Yu-Gi-Oh naman nang nagbinata. Isa pa, wala rin ako swerte sa mga sugal — at kahit sa hinayupak na raffle na 'yan lalo na kapag Pasko! Ang tanging sugal na nilalaro ay ang sugal ng buhay.
Naks! (Si FPJ ang peg with matching pompyang. Pakak!)
Ryan, korek ka dyan. So far, yong apat na sanaysay, puwedeng i-push ni Bebang na gawing moving drama ang kuwento pero ginawa lang niyang light. May mga nagko-komentong Pilipinong kabataan na karamihan daw sa mga Pinoy books ay malulungkot. Kaya siguro, pumatok si Bob Ong. Dahil noong panahon bago sya sumikat ang mga manunulat ay puro mabibigat ang tema kasama na dyan si Liwayway Arceo at Lualhati Bautista. Ganyan naman madalas ang mga nananalo sa Palanca. Paiyakan at pasakitan ng dibdib.
Pero para sa akin, isang sign ng maturity ng writer yan. Yong restraint. Kahit gusto mong dalhin sa ganitong "mood" di mo gagawin lalo na kung may main theme ang aklat at kung gusto mong tangkilikin ka ng mga mambabasa sa kasalukuyan.
Jzhun, ganda ng sharing mo. Pag ikaw na ang nag-analyze lagi akong may napupulot na mas malalim na mensahe. Parang gusto ko talagang tanungin kung naisip ba ni Bebang na ganyan ang gusto nyang isipin ng babasa sa kanya? Na nagkakabaliktad ang role nila ng Nanay niya. Di ba't ang magulang ay natututo rin sa anak? Ganoon daw yon. Kahit naman sino ring magulang. Nakaka-mature ang magkaroon ng anak. Sa mga desisyon ng magulang kasama lagi ang anak. Dati pag binata o dalaga pa, sarili lang madalas ang iniisip. Pag magulang na, kasama na lagi ang anak at ang asawa. Minsan mas lagi o higit pang iniisip ang anak.

Natandaan ko lang yung mga Pasko at Bagong Taon na sobrang bored at buong pamilya after ng parties kaya nagsusugal ang buong pamilya! :)
Dahil madami kaming pera ng aming kapatid na galing sa aming mga ninong at ninang, lagi kami ang dapat na kasali. Di naman ako marunong magtong-its. Pero ang laro namin ay 41. Parang paunahan makakuha ng 41 na amount nung cards or palakihan. Piso piso lang naman kaya okay lang sa aming lahat--Tatay, Nanay, Kapatid, Tito, Tita at ibang pinsan ko. Kahit piso-piso lang, minsan mga 40 din ang talo ko sa daming rounds na nilalaro namin.
Minsan naman unggoy-unggoyan pag kami lang mga bata ang naglalaro. Mga limang piso ang taya. :)
Paalam muli. :)
Patrick, nakaka-relate ako sa 41. Yan din ang isa sa mga laro namin noon. May bantukan! Yong nagbababa akala winner na 'yon pala may mas mataas pa.
Sabi nga nila, "the family that plays together stays together."
Salamat sa patuloy na pagkiki-diskurso sa amin.
Sabi nga nila, "the family that plays together stays together."
Salamat sa patuloy na pagkiki-diskurso sa amin.
Ika-24 ng Oktubre: Pinyapol
Unang basa ko rito, kuwento tungkol sa kadiri. Pangalawang basa, kuwento ng sexual awakening. Wala lang. Pilit lang. Pilit na nilalagyan ng ibang kulay. Para masayang pagusapan at gusto kong ma-preempt kung anong sasabihing iba ni Jzhun.
Naaala-ala nyo ba ang "Patikim ng Pinya" na pelikula ni Osang (Rosanna Roces)? May sexual connotation ang pinya ("P" nya). So ang ginawa ng Seiko ay ang role ni Rosanna ay tindera ng pinya at yong lover niya ay parukyano ng "P" nya.
Pinyapol - Pineapple. Pinya. "P" nya. Sample. Sampol.
Nag-regla na si Bebang. Dalaga na. Nagsisimula nang sumayaw ang mga hormones.
"...tindero na isang teenager na may kaitiman at nakaputi at manipis na T-shirt. Manipis talaga, parang papel na pang-trace."
"Kinakalikot din nya ang butas ng tenga, yong pinakasusuotan ng butas ng hikaw. Pinipisil-pisil niya ito. Pinipiga-piga. Kinukurot-kurot."
"...Pinagpapawisan ako..."
Sampol lang yan. Pakiramdam ko, mali ang unang basa ko. Masyadong mababaw kung ang istoryang ito ay tungkol lang sa kadiri.
Ayan, natutuhan ko yan kay Jzhun. Naunahan kita!

Well, as I see it, about errm...
food/drinks na binebenta sa lansangan, no more no less
HAHA
Kaya hindi ako bumibili, though nasubukan ko na
Talagang patibayan nalang ng sikmura, hehe
:)

Ang sasabihin ko lang eh mother knows best. Kasi inutusan syang magdala ng tubig sa baunan bago umalis di ba? :)
At yung hindi nakakasiguro sa mga street foods pero ayun masarap bumili eh haha
KD, kung hindi mo nilagay yung connotation na yun, di ko maiisip kelanman haha

Nakakatuwa 'yung thoughts ni KD. Kung simbolismong sekswal ang pagbabatayan, me konek nga talaga. Kaya lang sobrang kadiri pa rin, kasi ang setting ay Divisoria -madumi, minsan maputik, siksikan ang tao, at iba't iba ang amoy nila at paligid. So kung susuriin ko ang kwento bilang simbolismo, ito ay isang napakalaswang sex scene. At kung ano man ang naging buong eksena, pilit na lang itong sinikmura ng nagkwento at inilihim.

Bakit nga ba lahat ng bawal ay masarap? kahit alam mong may-sakit ka eh siyang ginugusto mo pa rin? Alam mong madumi o masama ay siya pa rin gustong kainin?
Parang scramble haha!..taho,palamig,mani,fishball,bananacue, napakasarap! pati pawis , laway, maduduming kuko ay sangkap sa masarap na scramble haha!
Ingrid, ako rin. Di ko alam na maiisip ko yon. Tini-tease ko lang si Jzhun dahil malalim siyang mag-interpret lagi. Si Ryan din doon sa wordplay.
Phoebe, hindi sinunod ni Bebang ang mama nya? Di sya nagdala ng tubig. O naubos na? Ayan, nauhaw.
Louize, lalo na noong time na maliliit pa tayo, di ba? At least ngayon, puwede ka nang iwan sa Tutuban Mall habang nagsha-shopping sa labas ang mga parents or kahit sa mga ibang malls doon na aircon.
Jzhun,huh? May sakit ba si Bebang noon? Kaya nauuhaw at pinagpapawisan?

Magaling ang set-up ng piyesang ito. Pati mga nagnanaknak na maliliit na mga detalye ay buhay na buhay. Kaya talagang kadiri to death ang ending. Sa sekswal na konotasyon, talagang pinalikot mo ang utak namin, K.D.

Ryan, talaga? Pero naniniwala kang may sexual undertone? O imahinasyon ko lang?
Ranee, saang tsapter yon? Pasensiya na kasi matagal ko na ring nabasa ang aklat. Tapos, paisa-isa na lang ngayon. Pag nagreread ako, mga 1 o 2 paragraph bago ko matandaan ang kuwento.
Ranee, saang tsapter yon? Pasensiya na kasi matagal ko na ring nabasa ang aklat. Tapos, paisa-isa na lang ngayon. Pag nagreread ako, mga 1 o 2 paragraph bago ko matandaan ang kuwento.

Kuya D., kung hindi ako nagkakamali makikita yan sa Ang Piso.

Pwede naman, K.D. Palagay ko pwedeng i-relate pa ito sa iba pang kwento at sa kabuuan ng libro para makita kung ito ay consistent sa anumang aspetong sekwal na maaaring meron dito.
Kung magkaganoon, may kapilyahan pala itong si Bebang. Parang gusto kong baguhin ang rating ko. Multilayered yata halos lahat ng kuwento nya.
May tanong nga pala ako sa "Pinyapol." Tama ba ang pagkaintindi ko sa ginawa ng lalaking naka-tshirt ng manipis (ini-highlight ba talaga ulit).
1. May plastic container sya na may pineapple juice pero maraming yelo.
2. Pag may bumili, hahaluin niya ito. Tapos babayuhin ang yelo sa pamamahitan ng pangsalok na plastic.
3. Ilalabas niya ang lata ng pineapple juice na concentrated. Yong Del Monte or Dole na supposedly iniinom ng pure.
4. Maglalagay siya sa plastic cups. Yong nag-doble sa story ni Bebang.
5. Tapos lalagyan niya doon ng yelong maliliit (#2 sa ibaba).
Tama ba? Di na kasi ako nakakabili sa ganito. Sa SM City, for example, doon na yata nilalagay ng diretso sa malaking plastic container na may yelo.

Ika-26 ng Oktubre: Ang Lugaw, Bow.
Tisyung nababad sa luha ng isang ina.
Naala-ala ko si Sisa. Nagluluto ng lugaw dahil ang kanin at ang tapang usa na para sa mga mahal niyang anak na sina Basilio at Crispin ay nilantakan ng irresponsable asawa niya na si Pedro. Habang niluluto ang lugaw ay nagpakita sa kanya ang diyata't multo o aparisyon ni Crispin na nakangiti at nag-joke pa sa kanya ng isang bugtong.
Ang luha ng isang ina ay maihahalintulad sa isang lugaw. Ang mga ina ay madaling lumuha. Parang lugaw na sa kanto-kanto lang, meron na. Nguni't ang luha ng isang ina, kagaya ng pagibig niya sa kanyang mga anak, mabilis mang dumaloy ay mabilis ring makaantig sa puso ng kanyang mga anak. Kung nagugutom tayo at kailangan ng mabilis na makakapawi nito, nariyan ang lugaw. Kung natatakot tayo, kung nasa bingit tayo ng aksidente, kung nasasaktan tayo, ano ang agad nating nasasambit? Di ba't "inay ko po!" "nanay ko!" kung di man "dyoskopo!"? Dahil kahit noong maliliit pa tayo at nasusugatan, sa ina tayo tumatakbo.
Ang luha ng isang ina ay parang lugaw. Bow.

Sige, Krizia. Makakahabol ka. Hinihimay talaga namin. 2 araw kada tsapter. Kausap namin kanina si Ella, nahihirapan din siyang maghanap ng kopya. Pangalawang limbag na ito. Mukhang maraming bumibili at nagbabasa. Blowout, Bebang! Baka magkaroon ka ng pangatlong limbag, pang-apat, pang-lima... Anong sinabi ng "Mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes!?!

Mahirap talaga kapag nagkakahiwalay ang mga magulang; apektado ng husto ang mga anak. Sila 'yung matagal bago maka-recover; kadalasan dala-dala nila ito hanggang sa pagtanda at magkaroon ng sariling pamilya. Syempre pa, hindi sila pwede magpalit ng magulang. Di gaya ng mga magulang nila na pwedeng magpalit ng asawa.
Kung parang lugaw ang luha ng isang ina, parang lugaw din ang buhay ng mga anak sa broken family. Masabaw ang buhay, madalas nakalutang sila, kasi wala silang matibay na makakapitan. Nahihirapan silang lumangoy sa buhay, lalo't teenager na sila, kasi matabang ang timpla ng samahan sa tahanan. Doblehin mo pa ang hirap kapag nakikisama ka sa madrasta o amain mo.
Kapag ganyan ang sitwasyon ng isang anak, para silang kumakain ng lugaw; pinipilit isubo at sikmurain ang sitwasyong hindi naman sila ang pumili.

Louize, damang-dama ko ang sinsiredad ng reaksyon mo. Tunay na nanggagaling sa puso. Salamat!
Krizia, isi-share mo sa amin ang mga ipinuno mo sa mga puwang?
Krizia, isi-share mo sa amin ang mga ipinuno mo sa mga puwang?

Ang galing ng pagkakalahad. Ang galing ng punchline. Kung teleserye ito dumanak na ng luha, naglupasay na ang ina, sinabunutan ang sarili, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng nanay at tatay, may mga palitan ng masasakit na salita, may sakitan at sampalan, at yun nga, puro luha at ngawa. Pero dahil nga sa restraint at understatement ay naging mas dramatic para sa akin ito.
Ryan, dami nang nangyari sa imahinasyon mo. Puwedeng puwede ka talagang maging writer.
Ika-28 ng Oktubre: Bayad-Utang
1) Nasaan ang ama ni Dilat?
May puputla pa ba sa dilaw na balat ng Tsino? Ang mga Amerikano ay puti at mapula-pula. Ang mga Tsino ay dilaw. Anong lahi ng asawa ni Dilat? Yan ang tawag sa kanya dahil "ga-wall clock ang kanyang mga mata." Pero kahit ganoon, mahal ni Bebang ang pamangkin niya. Hindi dahil sa nagbabayad-utang siya. Sa dulo ng sanaysay, sinabi niya na "sa edad namin... wala nang kuwenta ang mangumpisal at mag-sorry." So parang kinontra niya ang sarili niya. Nasaan ang ama ni Dilat? Di kaya ang ama ni Dilat ay si Michael, na childhood sweetheart ni Bebang? Kaya ganoon na lang ang pagmamahal ni Bebang kay Dilat?
2. Mga Kasalanang Matagal Na
Agree ako kay Bebang. Kapag matanda na, wala na ring silbi na mag-sorry sa mga nagawa noong bata pa. Yon kasing mga ganoon, nangyari dahil sa ugaling immature at ang mahalaga ay magkapatid kayo at nagmamahalan. Naks.
3. Bedwetting
Anong edad kayo huling umihi sa kama? Yong daughter ko, parang hanggang Grade 6 umiihi pa sa kama. Na-experience ko rin yong nanaghinip na nasa dagat tapos pala umiihi na in real life.
Daming puwedeng himayin na topics dito. So, mag-react naman kayo.

Books mentioned in this topic
It's a Mens World (other topics)Kung Wala na ang Tag-Araw / Ano Ngayon, Ricky? (other topics)
The Wolf and the Dove (other topics)
I Know Why the Caged Bird Sings (other topics)
Catch a falling star (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Bebang Siy (other topics)Maya Angelou (other topics)
Cristina Pantoja-Hidalgo (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Experience is the best teacher. Bow!
(Miss Little Philippines lang ang peg ko.)
'Yun ang mga pinaka-masayang balikan ng tanaw, ang mga experiment mo noong kabataan.
Noong bata pa ako mahilig kami magrecording sa cassette ng mga drama episodes kunyari. Parang sa radio lang. Naaalala n'yo pa ba ang itsura ni Palito kapag kunwari patay s'ya sa pelikula. May bulak na nakasalpak sa ilong n'ya. May kalaro kami na ubod ng payat, so automatic s'ya si Palito, at kaming mga girls ang taga iyak para sa burol. Ang kaso hindi nakakaiyak ang itsura n'ya, hagalpakan talaga kami ng tawa. Pati s'ya natawa, nasinghot 'yung bulak na nakasalpak sa ilong n'ya. Dahil sa tagal na hindi n'ya mai-singa ang bulak, sinabi na namin sa pinsan ko. Mas nakakatawa 'yung itsura n'ya habang sinusungkit ni Ate Connie ng tsani ang bulak sa ilong n'ya.
Kung alam lang namin na ganoon ang mangyayari, gagawin pa rin ba namin 'yun? Aba, syempre. Nakakatawa e.