Pinoy Reads Pinoy Books discussion

300 views
Pangkalahatan > Balak Basahin

Comments Showing 251-300 of 548 (548 new)    post a comment »

message 251: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments oo nga see you clai!

pirepibo, ayoko muna maglagay ng kahit ano dito sa to read hahaha di ko pa natatapos ang mga dapat kong basahin!


message 252: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Ang Tundo Man May Langit Din by Andres Cristobal Cruz

Sana ay mahabol ko ito sa huling linggo ng Pebrero :)


message 253: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Meron na akong kopya ng "Anting-Anting Stories & Other Strange Tales of Filipinos" by Sargeant Kayme [pub: 1901]


message 254: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wow. Ang classic lang! :)


message 255: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments My Brother, My Executioner (Rosales Saga, #3)  by F. Sionil José The Pretenders (Rosales Saga, #4) by F. Sionil José Mass A Novel (Rosales Saga, #5) by F. Sionil José Interim Goddess of Love (Interim Goddess of Love, #1) by Mina V. Esguerra Exorcism - Encounters with the Paranormal and the Occult by Jose Francisco C. Syquia

Marami pa... ito muna! ^_^ haha!


message 256: by Rise (new)

Rise wow, jho. kumpleto na ang Rosales saga.


message 257: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments waaah hindi pa... LOL! Ngayon pa lang ako makakapunta sa SM Bacoor... sana meron sila!


message 258: by Rise (new)

Rise pag nakumpleto mo na, maari mo nang i-claim ang kahon mo sa Solidaridad Bookstore, ayon kay jzhun. instant boxed set.


message 259: by Josephine (last edited Feb 22, 2013 09:41PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments balak na nga naming pumunta doon, Rise! Baka next week... baka doon ko na bilhin ang iba :)


message 260: by Mark John (new)

Mark John (newdragon1997) | 14 comments Balak ko pong basahin ang "Salingkit" ni Cyan Abad-Jugo. Sinuggest po sya sakin ni Kuya K.D., sabi nya po angkop ang librong iyon sa aking edad :) Hinanap ko sya sa Goodreads at lalo pa akong na-excite basahin dahil nalaman kong may halo pla itong History tungkol noong panahon ni Marcos.


message 261: by Mark John (new)

Mark John (newdragon1997) | 14 comments Nakaka-curious lang po, pano po ba ilagay ang mga cover ng Libro sa comment box? (bago lang po ako sa Goodreads kaya medyo d ko pa alam ang pasikot sikot dito. Salamat po sa sasagot sa aking tanong :)


message 262: by Rise (new)

Rise click this --> add book/author (some html is ok)

Macoy, i-click mo lang ang "add book/author" sa bandang itaas ng comment box.

Tapos i-type mo ang pangalan ng libro at i-click ang bilog sa tabi ng "cover" sa ibaba.


add: o link o cover <-- click this


message 263: by Mark John (new)

Mark John (newdragon1997) | 14 comments maraming salamat po :)


message 264: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, salamat sa pagtulong kay Macoy. Kayhaba ng sulatan (PM) namin ng batang yan hahaha.

Macoy, mabuti naman at nagkalakas ka na ng loob na mag-post sa thread. Tama nga, pag may tanong ka, huwag kang mahiyang mag-post.

Maganda yang "Salingkit" dahil kuwento ng isang nagbabalik-tanaw sa nangyari sa kanya bilang teenager sa panahon ng People Power revolution noong 1986. Parang gusto nyang maging "Anne Frank" tapos Manila ang setting. Tsaka, para malaman ng mga kabataan wala pang muwang o di pa pinanganganak noong mangyari ang peaceful revolution na iyon na naging huwaran ng maraming bansa sa buong mundo: na ang pagbabago ay puwedeng ma-achieve sa mapayapang paraan.


message 265: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Gusto kong magbasa ng Rosales Saga para makapagreact din ako sa ibang thread kaso wala akong mga libro nun. Sana talaga ninakaw ko yung may libro ni F. Sionil sa library namin nung HS akooo! hahaha


message 266: by Maria Ella (last edited Apr 12, 2013 04:58AM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ayshaks Clare, pasensya na, naidonate ko ang isang kopya ng Po-On ko. Sana masimulan mo man lang huhu. :(

ERRATUM: Susubukan kong bawiin ang Po-on nang maipaikot ko sa inyo. Sa iyo ko unang ipapamana, Clare. :D


message 267: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Araykupu. Nalate ako sa pagsabi. huhuhu oks lang yan. :)


message 268: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare, ipapahiram ko sa iyo lahat ng kopya ko. Gusto mo? :0


message 269: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Balak kong basahin ang... utak mo. Ang gulo mo kasi! HAHAHA. Kidding. :D :D :D

Balak ko na basahin ang Ermita tonight kaso wala pa akong kopya, pwede ako umiskor ng kopya ngayon na pero medyo nagdadalawang isip ako kasi May 3 pa akong di nababasa sa Rosales saga.


message 270: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments K.D. wrote: "Clare, ipapahiram ko sa iyo lahat ng kopya ko. Gusto mo? :0"

Sige kuya!!


message 271: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Claire, kita tayo sa Saturday? Andito lang at nakatambak ang limang libro ng Rosales saga.


message 272: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Pag sumama ako sa saturday, pahiram kuya ah! :)


message 273: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Areglado. Kita-kits.


message 274: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Babasahin ko na yung Kikomachine #4 mamaya or bukas, habang nasa bus papunta sa Komikon. :>


message 275: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ganoon ka kabilis magbasa?


message 276: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Macoy wrote: "Balak ko pong basahin ang "Salingkit" ni Cyan Abad-Jugo. Sinuggest po sya sakin ni Kuya K.D., sabi nya po angkop ang librong iyon sa aking edad :) Hinanap ko sya sa Goodreads at lalo pa akong na-ex..."

Macoy, meron akong libro. Pero babasahin ko pa siyang muli, ang dami lang kasing ginagawa kaya nauna kong basahin ang iba pang (view spoiler). Ang aklat na ito ay naaayon sa mga kabataan kasi yung inilahad rito ang kalagayan nila sa gitna ng EDSA revolution. :)


message 277: by Mark John (new)

Mark John (newdragon1997) | 14 comments Nakabili na po ako ng libro nun, nabasa ko na po ung introduction pero huminto muna po ako. May binabasa po kasi ako ngaun na gusto ko muna yariin para makapag-focus ako sa Salingkit pag sinimulan ko na ulit. Nagkaron napo ba kau ng discussion patungkol po dun sa book na un?


message 278: by Kamille (new)

Kamille (theperksofbeingabookenthusiast) | 12 comments Gusto ko sana basahin yung Para kay B ni Ricky Lee saka yung Smaller and Smaller Circles ni F.H. Batacan. Marami lang nag suggest sakin nun kaya gusto ko. :)


message 279: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Kamille wrote: "Gusto ko sana basahin yung Para kay B ni Ricky Lee saka yung Smaller and Smaller Circles ni F.H. Batacan. Marami lang nag suggest sakin nun kaya gusto ko. :)"

Alam mo ba yang Para kay B, isang matinding required reading sa college students na nagtetake ng film as course (or comm arts, kasi bali-balita sa Peyups yan eh) :) Hi pala~

Mark John wrote: "Nakabili na po ako ng libro nun, nabasa ko na po ung introduction pero huminto muna po ako. May binabasa po kasi ako ngaun na gusto ko muna yariin para makapag-focus ako sa Salingkit pag sinimulan ..."

Wala pa nga eh huhu


message 280: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Hi Kamille! Maganda yang Para Kay B! May kopya ka na ba? Pwede kita pahiramin, yung FH Batacan, babasahin ko next week.


message 281: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kamille wrote: "Gusto ko sana basahin yung Para kay B ni Ricky Lee saka yung Smaller and Smaller Circles ni F.H. Batacan. Marami lang nag suggest sakin nun kaya gusto ko. :)"

Maganda yang "Para Kay B." Iyan ang aklat na gusto ko ulit basahin. Yong "Smaller and Smaller Circles" maganda rin dahil bihira ang crime/suspense na libro sa Panitikan Pinoy eh. Maligayang pagbabasa.


message 282: by Rise (new)

Rise I was in Cebu the past week. I bought the following in NBS Ayala Center in Lahug.

Pinaglahuan ni Faustino S. Aguilar -- matagal na 'to sa wishlist ko!
Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela ni Edgar Calabia Samar
Baha-Bahagdang Karupukan ni Jim Pascual Agustin
Isabelo's Archive ni Resil B. Mojares


message 283: by Alden (new)

Alden | 9 comments Narito ang mga nakalinya kong libro:

To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumbler Named Twitter by Jayson Benedicto Sa Kasunod ng 909 by Edgar Calabia Samar
(plus ilang comic strip compilations na balak kong basahin ulit)

Kasalukuyan naman akong naghahanap ng mga librong ito:

Ilayo Mo Kami Sa Apoy Ng Impyerno! (Kikomachine Komix, #9) by Manix Abrera Sa Mga Kuko ng Liwanag by Edgardo M. Reyes Sa Aking Panahon by Edgardo M. Reyes Re-Viewing Filipino Cinema by Bienvenido L. Lumbera


message 284: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Heto ang mga nakalinya sakin ngayon :)

Utos Ng Hari At Iba Pang Kuwento by Jun Cruz Reyes Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe by Jun Cruz Reyes Etsa-Puwera by Jun Cruz Reyes Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali Isang Imbestigasyon by Jun Cruz Reyes


Mga akda ni Amang na kakahiram ko lang sa magigiting kong kaibigan na sila Ayban at KD .


message 285: by Rise (new)

Rise Asan na pala si Paolo?


message 286: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Rise wrote: "Asan na pala si Paolo?"

Oo nga.. oo nga.. oo nga


message 287: by Berting (new)

Berting | 11 comments It's Not That Complicated Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 by Eros S. Atalia
Mukhang nakakatawa to :D


message 288: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Robert, hihihi. Muka lang nakakatawa. Puro kasawian ang laman nyan, at lalab. *sob*


message 289: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar
kaso wala pa akong kopya. huhu di tuloy ako makasali sa discussion


message 290: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Clare wrote: "Robert, hihihi. Muka lang nakakatawa. Puro kasawian ang laman nyan, at lalab. *sob*"

Masaya yang basahin, pero mas maganda yan kung naumpisahan mo sa Ligo Na U, Lapit Na Me


message 291: by Berting (new)

Berting | 11 comments Jhive wrote: "Clare wrote: "Robert, hihihi. Muka lang nakakatawa. Puro kasawian ang laman nyan, at lalab. *sob*"

Masaya yang basahin, pero mas maganda yan kung naumpisahan mo sa Ligo Na U, Lapit Na Me"


May koneksyon ba yun sa It's not that Complicated?


message 292: by Berting (new)

Berting | 11 comments Clare wrote: "Robert, hihihi. Muka lang nakakatawa. Puro kasawian ang laman nyan, at lalab. *sob*"

Haha, parang Bob Ong lang ah XD.


message 293: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Jhive wrote: "Clare wrote: "Robert, hihihi. Muka lang nakakatawa. Puro kasawian ang laman nyan, at lalab. *sob*"

Masaya yang basahin, pero mas maganda yan kung naumpisahan mo sa Ligo Na U, Lapit Na Me"


Tama si Jhive. Kung babasahin mo yang Its not that complicated, umpisahan mo sa Ligo na U. Dun kasi nagsimula yung kwento nina Intoy at Jenny. hihi


message 294: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi ba sa "Peksman" talaga nagsimula? hehe

Na-meet ko kanina si Eros Atalia. Pramis hehehe.


message 295: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments KD, ang alam ko yung Peksman yung sunod sa Ligo na U.
(view spoiler)

San mo sya nakita?? Daya. Hahaha.


message 296: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Una, Peksman
Pangalawa, Ligo
Pangatlo, Complicated

Pero yong unang una: yong Manual
Tapos parang yong Dagli, wala lang.

Sa isang birthday party hehe. Di lang ako nagpa-picture kasi baka mainggit kayo hehe.


message 297: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Nakakainggit nga >.<


message 298: by Bong (new)

Bong | 275 comments Clare wrote: "Robert, hihihi. Muka lang nakakatawa. Puro kasawian ang laman nyan, at lalab. *sob*"

hahahaha TAMA... tapos tatalunin nyang yung Fifty Shades of Grey. hahahaha. gagawin din atang movie yan.


message 299: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Mali pala KD, una yung Ligo na U. Hihi


message 300: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
May isa na naman kaming niluluto. Maga-apir kami sa radyo kasi may isang radio program na gustong interviewhin kami tungkol sa PRPB hehe.

Abangan!!! Malapit na ninyo akong marinig sa radyo hehe!

PRPB goes on the air hehe!!!


back to top