Pinoy Reads Pinoy Books discussion

459 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 551-600 of 820 (820 new)    post a comment »

message 551: by William (new)

William M. II | 79 comments Kuya Doni, naisa-pelikula nga yang Mondo Manila. Napanood ko yan, iba ang atake. May pagka-dark comedy.

Ah, yung comment sa Adik sa Facebook ng isang taga-GR.Ok lang 'yun hehe. Basta pag-aari mo na ang isang bagay ay puwede mong pintasan at purihin. Depende na rin sa panlasa ng tao.


message 552: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
William wrote: "Kuya Doni, naisa-pelikula nga yang Mondo Manila. Napanood ko yan, iba ang atake. May pagka-dark comedy.

Ah, yung comment sa Adik sa Facebook ng isang taga-GR.Ok lang 'yun hehe. Basta pag-aari mo n..."


Sana lahat ng manunulat pareho mo ang take sa ganyang bagay, William. Mabuhay ka!


message 553: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang basahin ang pangtalong libro sa trilogy na Interim Goddess of Love:

Icon of the Indecisive by Mina V. Esguerra
ICON OF INDECISIVE
by Mina V. Esguerra

Review to follow.


message 554: by Drew (new)

Drew (drewcajandab) | 15 comments Para Kay B

Katatapos ko pa lang 'tong basahin. Medyo na-underwhelm ako pero maganda naman 'yung ending. Binasa ko upon the recommendation ng professor ko. "Organic" daw, sabi niya kaya na-fascinate ako. Hahah.

3 stars out 5


message 555: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Drew, maganda nga yan sabi ng marami. Mare-read nga. Sana manalo pag nag-Ricky Lee na tayo (sometime this year).


message 556: by Ernest Genesis (new)

Ernest Genesis (ernestgenesis) | 20 comments maganda nga yang Para kay B. napaka-raw at insightful lalo na kung pagtatagpi-tagpiin ang limang kwento. evocative din ito ng liberty ng isang manunulat na magsulat ng naayon sa reyalidad at hindi sa konseptong tanggap lang ng lipunan. witty at humorous din kaya di nakakasawang basahin.
sa ngayon, binabasa ko yung Koyabashi Maru of Love. isa sa mga narrative na masasabi kong may husay at saysay.


message 557: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ko pa nabasa yan, Ernest. Isusunod ko na nga. Salamat sa pagbabahagi. :)


message 558: by Juan (new)

Juan | 1532 comments huli kong binasa ay Home of Independence, Emilio Aguinaldo House: Kawit, Cavite


ang eclectic lang ng mansion niya. napakafunctional ng bawat espasyo. Siguro kung hindi siya naging heneral ng katipunan, sa interior design siya makikilala. haha!


message 559: by Josephine (last edited Mar 15, 2014 06:12AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Ito ang huli kong binasa:

Amazed A Girl’s Infinite Pursuit to Grasp the Essence of Humanity in Writing by Joanne Crisner Alcayaga

ni Joanne Crisner


message 560: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos pa lang mag-endyoy sa unang aklat ni Allan Popa na nabasa ko:

Kundi Akala by Allan Popa
KUNDI AKALA
ni Allan Popa

Isa ito sa mga tulang nagustuhan ko:

MGA LIHAM NI ELIZABETH BISHOP

Elizabeth, tipunin mo ang mga liham
Sa iyong paanan bago umihip ang hangin.
Laging huli ang tulong kung dumating.
Itaas ang iyong palda at ipakita sa amin
Ang putol na bisig na iyong tinatakpan.
Sundan mo ang tulak ng bibig at iparinig
Ang tinig ng tulang nasa iyong isipan.
Sundan ang pagbuka ng mga labi ng sugat
Sa putol ng bisig ng kaibigang lihim
Na minamahal: mga salitang dudumugin
Ng mga langaw ng mahirap mabugaw.
Kahit saglit, itaas mo ang katahimikang
Tumatakip sa kahihiyan ng mga tula.
Tumayo ka sa kalsada ng malayong sakuna
At tipunin ang pakpak ng mga liham.
Laging huli ang tulong kung dumating.


message 561: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ang hirap naman makarelate dito. Kinailangan ko pang igoogle kung sino si Elizabeth Bishop. hahah!

pero napakapowerful ng imaheng dulot ng tula nato'

iniisip ko kung anong ibigsabihin ng 'Putol na bisig' at bakit kailangan nasa ilalim ng kanyang palda?

alam kong hindi ito literal. iniisip ko na may relasyon ito sa katauhan ni Elizabeth, sa liham siguro o isang sikreto, sa mga pag-aakala..

sakit lang sa ulo! haha


message 562: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "ang hirap naman makarelate dito. Kinailangan ko pang igoogle kung sino si Elizabeth Bishop. hahah!

pero napakapowerful ng imaheng dulot ng tula nato'

iniisip ko kung anong ibigsabihin ng 'Putol..."


Juan, ang ikinagaganda kasi ng tula, yong images na kini-create nito sa isip mo. Tapos, ipapasok mo ang kasalukuyang nararamdaman o nararansan mo. O yong naramdaman o naranasan mo dati. Kung wala either sa dalawang iyon, ganyan ang tula (parang sakit ng ulo). Hehehe


message 563: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Huling Binasa:

Intoxicated by V.M. Blanc


message 564: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tatlong Gabi, Tatlong Araw by Eros S. Atalia
TATLONG GABI, TATLONG ARAW
ni Eros Atalia

Sa titulo pa lang, alam mong may ganda. Parang hango ito sa Bibliya na namatay at nanaog si Jesus sa kinaroroonan ng mga yumao (impyerno raw) na "tatlong gabi, tatlong araw."

Maganda rin ang cover. Parang painting ng isang town. Pag mahilig ka kay Eros, go for this book!


message 565: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments K.D. wrote: "Katatapos pa lang mag-endyoy sa unang aklat ni Allan Popa na nabasa ko...

Saan kaya makikita ang aklat na ito sa labas ng Maynila?


message 566: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments Huli kong binasa yong Bangon: Antolohiya ng mga Dulang Mapanghimagsik. Mukhang self-explanatory naman yung title. Magandang basahin ng lahat dito. Di lang makabuluhan ang mga dula sa koleksyon, nakaka-aliw pa!


message 567: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karlo Mikhail wrote: "K.D. wrote: "Katatapos pa lang mag-endyoy sa unang aklat ni Allan Popa na nabasa ko...

Saan kaya makikita ang aklat na ito sa labas ng Maynila?"


Di ko alam. Itanong mo kaya kay Allan Popa? Nasa FB sya.


message 568: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Good Friday, katatapos ko lang nito:

Loob by Joseph de Luna Saguid
LOOB
ni Joseph de Luna Saguid

May challenge ako sa review ko. Di ko kasi maintindihan. Kung merong ibang makakabasa ng libro, paki-explain naman ang kahulugan nito. Kaya, tentative 2 stars. Babaguhin ko kung may magandang interpretation. :)


message 569: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Pahiram po ako niyan? haha! gandang umaga sa lahat!


message 570: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "Pahiram po ako niyan? haha! gandang umaga sa lahat!"

Sure. Magandang umaga naman, Juan! :)


message 571: by K.D., Founder (last edited Apr 26, 2014 05:13PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country by Alexander L. Lacson
12 LITTLE THINGS EVERY FILIPINO CAN DO TO HELP OUR COUNTRY
by Alexander Lacson
Alexander L. Lacson

Importante ito. Sana ginagawa natin lahat.


message 572: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Soltero by Bienvenido M. Noriega Jr.
SOLTERO
ni Bienvenido M. Noriega, Jr.

Lumang libro. 1984 published. Pero yong mga tumatandang binata, makaka-relate dito.


message 573: by K.D., Founder (last edited Aug 01, 2014 04:26PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Halugaygay sa Dalampasigan by Raul Fumilas
HALUGAYGAY SA DALAMPASIGAN
ni Raul Funilas

Si Tata Raul! Ito yong na-meet natin sa Talim Island noong mag-Talim Island Field Trip tayo noong Abril.

Maganda yong book nya. Mahusay syang tumula (as if you don't know). hehe


message 574: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Aking Photo Album (My Photo Album) by Genaro R. Gojo Cruz
ANG AKING PHOTO ALBUM
ni Genaro R. Gojo Cruz

Maganda. Maaala-ala mo yong mga photo albums noong araw.


message 575: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Memory Rail by David Rosario
MEMORY RAIL
ni David Rosario

Ganda! Pedeng pelikula!
Love story. May kurot. May sundot.

Sundot talaga haha!


message 576: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments K.D. wrote: "Memory Rail by David Rosario
MEMORY RAIL
ni David Rosario"


Matutuwa ba ako rito? saan ako makakapulot ng kopya nito?


message 577: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maria Ella wrote: "K.D. wrote: "Memory Rail by David Rosario
MEMORY RAIL
ni David Rosario"

Matutuwa ba ako rito? saan ako makakapulot ng kopya nito?"


Sa Popular. Meron din minsan sa mga bookfair. Matutuwa ka feeling ko lang. Malungkot e.


message 578: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Simbahay 2014 Paglalakbay Tungo sa Jubileo 2021 by Jean Marie Rollin Flores
SIMBAHAY 2014: PAGLALAKBAY TUNGO SA JUBILEO 2021
ng St. Paul's Publications

Natapos din.

Maganda. Marami kang matututunang aral kahit Katoliko o hindi.


message 579: by Rise (new)

Rise Kasal sa Dugo (Bodas de sangre / Blood Wedding) ni Federico García Lorca, sinalin sa Tagalog ni Bienvenido Lumbera.

Parte ng serye na Entablado Klasiko ng Ateneo, 4 na dulang salin sa Tagalog. Binili ko ang 4 na dula sa series! yey.

Dramatiko ang dulang ito mula sa Espanyol. Isang kasal na nabahiran ng karahasan dahil sa bawal na pag-ibig. Ang tema ay katulad ng sa Chronicle of a Death Foretold ni García Márquez.


message 580: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ipa-raffle mo yan ha?

Mukhang interesting. Pag play, natutuwa akong basahin. Lalo na yong mga plays ni Samuel Beckett.

Last year, sa Pinoy books, nabasa ko yong collection ng mga dula ni Rene Villanueva. Mahusay.


message 581: by Rise (last edited Aug 29, 2014 09:17AM) (new)

Rise Isa pa lang nabasa ko kay Beckett. Waiting for Godot. Tinagalog din ito ni Rolando S. Tinio. Paghihintay kay Godo. Sana i-publish.

http://jkanicoche.com/2014/06/02/pagh...

Baka ipa-raffle ko kapag narebyu ko na. Kasama sa series ang Julio Cesar ni Shakespeare, Kaaway ni Maxim Gorky, at Retrato ng Artista Bilang Filipino ni Nick Joaquin.


message 582: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
At talagang ang "Godot" ay naging "Godo." Ano kayang magiging turnout nito sa Pebrero 2015? Salamat sa pagbabahagi ng link. Sisiguraduhin kong mapapanood ko ito. Hah! Si Estragon at Vladimir, nagsasalita ng Tagalog!

"Kailan sya darating?"
"Sino?"
"Ba't tayo narito?"

Parang ganoon... mga usapang walang patutunguhan haha.


message 583: by Rise (new)

Rise halos nakatingin sa kawalan ang mga tauhan throughout the play...


message 584: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. I'm sure naroon yong puno. Hmmm, yong pinakamaikli raw na dula ni Beckett, 25 seconds. Parang may maririnig lang na parang nanganak.


message 585: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Lihim ng Ultramar by Rhod V. Nuncio
ANG LIHIM NG ULTRAMAR
ni Rhod V. Nuncio

Maganda. Para kang nagbabasa ng Dan Brown. Maipagmamalaki mong mayroon palang suspense-thriller na Tagalog!


message 586: by Rise (new)

Rise Eros Pinoy An Anthology of Contemporary Erotica in Philippine Art & Poetry by Virgilio Aviado

Eros Pinoy: An Anthology of Contemporary Erotica in Philippine Art and Poetry, eds. Virgilio Aviado, Ben Cabrera, and Alfred A. Yuson

Some poems are just cute, but some are erotic as erotic can be. The text and artworks are printed in glossy paper in long hardback format. There's a great variety of sensual and sexual ideas and, er, positions. From new and veteran poets and artists. The book design is hardcore.


Dwellers by Eliza Victoria

Dwellers by Eliza Victoria.

A supernatural suspense story of two young men who mysteriously invaded the bodies of two brothers. The premise is crazy enough. You will want to know what happens next AND what happens before (the back story is insane). Slow reveal of secrets at first, then the plot becomes more and more sinister and loopy as characters are slowly unmasked. There are some extremely wasak scenes. it's a great, diverting read.


message 587: by K.D., Founder (last edited Sep 27, 2014 06:14PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rodski Patotski Ang Dalagang Baby by Gerry Alanguilan
RODSKI PATOTSKI: ANG DALAGANG BABY
ni Gerry Alanguilan

Guhit ni: Arnold D. Arre

Maganda. Entertaining! Pag gusto mong ma-aliw. Glossy pages. Colorful drawings. Plausible plot. About a family. How to take care of a special child. Kilig factor (Rodski running after Dindo). Action, endless action scenes couple with sci-fi ingredients.


message 588: by Josephine (last edited Sep 29, 2014 02:08AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Huling binasa: The Last Wish by Tsina Cajayon by Tsina Cajayon


message 589: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Gifted Little Creatures by Mina V. Esguerra by Mina V. Esguerra


message 590: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga Rebolusyonaryong Dekalogo by Andres Bonifacio
MGA REBOLUSYONARYON DEKALOGO
nina
Andres Bonifacio
Gregoria de Jesus
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini

Mga sampung utos ng bawa't isa sa kanila na nasusulat sa Spanish, English at Tagalog. Tapos may mga illustrations dahil children's book ito.

Nabili ko sa NCCA booth sa Pinoy Expo. Katabi ng book launch ng Nuno sa Puso ni Beverly Siy hahaha. Nagpro-program namimili kami ni Po ng libro kasi wala kaming upuan hahaha..


message 591: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pusod by Domingo G. Landicho
PUSOD
ni Domingo Landicho

Pangatlong libro ni Landicho na binasa ko. So far, sya yong pinakamaganda. Gusto ko syang makapanayam. Pakiramdam ko, susunod na syang National Artist for Literature.

Pinaka-famous na work: BULAKLAK NG MAYNILA


message 592: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ang astig lang ni Beckett! may mga kahalintulad bang akda/play ang waiting for godot nya dito satin?


message 593: by Jessica (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments Hello! Tagal ko nang di nadalaw! Haha :D

Last read: 5 stars for All's Fair in Blog and War by Chrissie Peria


message 594: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "ang astig lang ni Beckett! may mga kahalintulad bang akda/play ang waiting for godot nya dito satin?"

Parang wala! Beckett yon eh. Mahirap gayahin.


message 595: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jessica wrote: "Hello! Tagal ko nang di nadalaw! Haha :D

Last read: 5 stars for All's Fair in Blog and War by Chrissie Peria"


Meron ako nyan, Jessica. Mabasa nga! :)


message 596: by Josephine (last edited Oct 18, 2014 04:40PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Jessica wrote: "Hello! Tagal ko nang di nadalaw! Haha :D

Last read: 5 stars for All's Fair in Blog and War by Chrissie Peria"

Meron ako nyan, Jessica. Mabasa nga! :)"


ako rin, Kuya... meron nito. Nakakaiyak na hahaha. Kahit andami ko ng nabasa, andami ko pa ring babasahin. Behind na behind ako haha. Mga two months kasi akong di nagbasa.


message 597: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. Okay lang yan, Jho. Nagha-hibernate ang tao minsan-minsan.


message 598: by Rise (last edited Oct 30, 2014 12:03AM) (new)

Rise Diwalwal: Bundok ng Ginto ni Edgardo M. Reyes. Isa na namang obra maestra mula kay Edgar Reyes! Istorya ng kalakaran sa Bundok Diwalwal sa Monkayo, Compostella Valley, sa Mindanao na kilalang kilala sa mga ilegal na operasyon ng pagmimina. Open secret ang operations sa bundok at isang patunay na may mga lugar talaga na lantarang hindi naipatutupad ang batas at lantaran ang panlalamang ng malalaking tao (mga pulitiko, militar, mayayamang businessman) sa maliliit na tao (mga mahirap, may kapansanan, mga babae, mga matatanda at bata). Isang expose ang librong ito. Buhay na buhay ang mga karakter lalo na ng dalawang magkaibigan, isang mabuti at isang masama. May love story, may action, may mystery, suspense, at laslas moments. Para sa mga fans ni Edgar Reyes at sa lahat ng naghahanap ng babasahing bukod sa entertaining na ay makabuluhan pa.


message 599: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Diwalwal: Bundok ng Ginto ni Edgardo M. Reyes. Isa na namang obra maestra mula kay Edgar Reyes! Istorya ng kalakaran sa Bundok Diwalwal sa Monkayo, Compostella Valley, sa Mindanao n..."

Di kasing-simple ng Sa Mga Kuko ng Liwanag pero yong scope ng libro mas matindi. Ramdam na ramdam ko yong sitwasyon doon sa bundok. Parang mararamdam mo ang putik at amoy ng sulfur habang nagbabasa. Ganoon katindi si Edgardo Reyes dito. Sana natuloy yong pelikula.


message 600: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
John Adrian wrote: "Ang huli ko pong binasa ay Lagablab sa Utak ni Damian Rosa: Antolohiya ni Ave Perez Jacob. Wala atang hilig ang may-akda sa kuwit at tuldok dahil napakaraming talata ang pwedeng paghiwahiwalayin ga..."

Saan kaya makakabili nito. Matagal ko nang gustong basahin yan, Adrian. Salamat sa pagbabahagi.


back to top