Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 401-450 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Puwede ba silang isangla? Pantubos sa World Bank?"

hmm. Pwede rin haha! buy one take one haha! joke!... kaya sa palagay ko marami ang turista sa atin sapagkat sa angkin nilang kagandahan subalit huwag sana silang magpapa-alipin sa mga dayuhan na may mapaglinlang layunin.


message 402: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ta-ma! Sobrang ganda kasi ng mga Pinay! May teammate akong Amerikano, laging pumupunta rito kasi may GF na pinay! Taga-Siquijor. Sabi ko, mag-ingat kasi baka minsan umaga, makita nyang wala na syang lamang-loob. Joke.


message 403: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Ta-ma! Sobrang ganda kasi ng mga Pinay! May teammate akong Amerikano, laging pumupunta rito kasi may GF na pinay! Taga-Siquijor. Sabi ko, mag-ingat kasi baka minsan umaga, makita nyang wala na syan..."

Haha.. Itay, tinakot mo naman!


message 404: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pero eksayted na akong dumalaw sya ulit. Kasi dinadala nya ang mag librong ino-order ko sa www.amazon.com.


message 405: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pero eksayted na akong dumalaw sya ulit. Kasi dinadala nya ang mag librong ino-order ko sa www.amazon.com.


message 406: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Ola Camille! maligayang pagdating sa grupo!

Kung hindi ako nagkakamali si Luis Gatmaitan ang may akda ng Sandoseng Sapatos, tama ba? Minsan ko na itong nabasa. :D
Sa ngayon nahihilig rin ako sa Literaturang Pambata, kamakailan lang ay bumili ako ng dalawang bolyum ng koleksyon ng mga akda ni Severino Reyes.

Sana makasama at makadalo ka sa mga meet-ups at mga susunod na aktibidad sa grupo. Muli maligayang pagdating!


message 407: by Chika (new)

Chika (chikamunster) | 2 comments Kamusta po kayong lahat. Ako si Chika, at napadpad ako dito sa Pinoy Reads Pinoy Books dahil sa mungkahi ng isang kaibigan.

Bata pa ako ay mahilig na akong magbasa, pero karamihan ay mga English na libro ang binabasa ko, at hindi kasing dami noon ang mga librong Filipino na ang nabasa ko. Palagay ko dahil ang unang Filipino na libro na pinabasa sa akin dati ay Noli Me Tangere (wala pa yata akong 12 years old noon)at Florante at Laura kaagad, at medyo na-trauma ako sa lalim ng mga salitang gamit. Kaya simula noon pakiramdam ko ang hirap magbasa ng mga libro na Filipino.

Pero sana magbago rin iyon ngayon lalo na at nakakakuha ako ng mga libro na minumungkahi ng mga miyembero dito.

Tulad ng nasabi ni Camille, gusto ko rin sana dumami pa ang mabasa at makilala kong mga Filipino books at authors.

Sa ngayon, ang binabasa kong libro na Filipino ay Fourteen Love Stories ng UP Press (nyak, English pa rin) at iyong It's a Men's World ni Ms. Bebang Siy na highly recommended ng mga kaibigan ko. At naiintindihan ko naman kung bakit, tawa ako ng tawa habang nagbabasa :D


message 408: by Rise (new)

Rise Maligayang pagsali, Camille at Chika! Tyak na marami kayong makukuhang suhestyon dito na libro.

Camille, interesting ang bibliotherapy na sinasabi mo.

Chika, binabasa natin dito ngayon ang It's a Mens World. Matatapos na, o tapos na yata. Pwede mo pa rin i-check ang discussion at sumali roon.


message 409: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating sa aming munting grupo, Camille at Chika! ^_^


message 410: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Welcome sa grupo, Camille at Chika! :)

Sana ay makapunta kayo sa "First Date" natin sa Dec.1
at sana din po ay maging aktibo kayo sa mga diskusyon.


message 411: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang pagsali, Camille at Chika!


message 412: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Magandang araw po sa inyong lahat! Ipagpaumanhin po sana ninyo kung hindi po ako agad nakapagpakilala bilang mahiyain po ako, chos! ヾ(*⌒ヮ⌒*)ゞ

Ako nga po pala si Maya. Hayskul pa lang po ako ay mahilig na akong magbasa ng mga akda ng mga lokal na manunulat. Pinakagusto ko ang mga maiikling kwentong gawa nina Liwayway A. Arceoat Genoveva Edroza-Matute. Nakakahiya man ngunit hindi ko po ipagkakaila na nakalimutan ko na ang mga pangalan ng ilan sa mga mahuhusay na manunulat na nabasa ko. Mabuti't natandaan ko pa ang iba sa mga akdang ipinabasa sa amin noong hayskul gaya ng:

Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey) by Amado V. Hernandez
Ang Tundo Man May Langit Din by Andres Cristobal Cruz
Canal De La Reina by Liwayway A. Arceo

at marami pang iba.

At dahil nakalimutan ko na ang mga nais ko pa sanang sabihin dito, hanggang dito na po muna. (。⌒∇⌒)。

Salamat po sa pag-imbita, Ginoong K.D.!


message 413: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman, Maya. Salamat din sa pagbibigay ng oras para ipakilala ang sarili mo sa amin.

Maya, napakagandang pangalan. Welcome ka rito!


message 414: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Salamat po! Bago ko po makalimutan (na naman), may sale po sa UP Press hanggang sa unang linggo ng Disyembre. Baka may interesado po sa inyo, hehe. Nakakaawa po kasi ang mga aklat dun, pinapaalikabukan lang, tsk tsk.


message 415: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Galing kami roon noong 1st week ng sale. Naka-P2,000 yata ako. Malilinis pa naman. Nag-leave pa ako sa work para dyan. Worth naman. Babasahin ko na ngayon with Ayban ang "Ultraviolins" ni Khavn. Unang librong babasahin ko from that UP Press book hunting trip.

Gusto ko sanang pasyalan ay yong UST Press sale next week. Tapos kung may time at kung on-going pa ang Ateneo Press sale, babalik ako roon.


message 416: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Naku, ganun po ba? So, huli na pala ang balita ko! Nakaraang taon pa po yata ang huling punta ko roon. Sana po mabasa ninyo ang mga tula ni Manuel Principe Bautista, kabiyak po ni Liwayway Arceo. Napakahusay na makata!


message 417: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hmmm. Sige nga, pag nagpakita sa akin ang librong yan, bibilhin ko. Si Arceo, isang beses pa lang akong nakabasa ng akda nya. Yong "Canal de la Reina." Nagustuhan ko. Lalo na yong karakter na matapobre.


message 418: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Hindi po ako palabasa ng mga tula at wala po akong alam sa mga ito kaya huwag ninyo pong panghawakan ang sinabi ko. Pero subukan po ninyo, baka lang naman magustuhan ninyo.


2 (Dalawa) by Manuel Principe Bautista


message 419: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Hello, Maya! Welcome sa grupo! :)


message 420: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagsanib sa Katipunan, Maya!
Ikaw na ang Lakambini ng Katipunan! :D


message 421: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Kung hindi po ninyo naitatanong, isinilang po ako eksaktong ___ taon pagkamatay ng Supremo -- ika-10 ng Mayo.

Nagkataon lang kaya? Hahahaha!


message 422: by Rise (new)

Rise Maligayang pag-anib at pagsanib, Maya. hehe.


message 423: by Apokripos (last edited Nov 25, 2012 09:20PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan wrote: "Maligayang pag-anib at pagsanib, Maya. hehe."


Ayan na naman 'yong pagsanib. At waring may manifestasyon nga base sa araw kapanakan ni Maya.
Parang Sitio Catacutan lang ang peg ng PRPB. Haha! :D


message 424: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diyata't si Maya ang ina ni Andres Bonifacio?


message 425: by ♥Nica♥ (last edited Nov 25, 2012 10:12PM) (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments <-- (; ̄Д ̄)


message 426: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Ryan wrote: "Maligayang pag-anib at pagsanib, Maya. hehe."

Salamat po! ^___^


message 427: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo, anong konek? Bukod sa taga-Tondo si Andres?


message 428: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kasi si Andres din ang nagsulat n'yan. Si Andres Cristobal Cruz. Wuhahaha! :D


message 429: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Ryan wrote: "Maligayang pag-anib at pagsanib, Maya. hehe."

Oha! Kuya Rise, di ako nagiisa. Si Jzhun may sanib din! wahaha..

Hello Maya Welcome sa grupo!


message 430: by Jondmur (new)

Jondmur | 3 comments Bago ako nagsulat talagang naging reader muna ako. Ang totoo mas nagbabasa ako ng Tagalog kaysa sa English books. Un nga lang noong nag-aaral pa ako, pocketbook ang madalas kong basahin (Romance saka Horror).

Iilan pa lang naman ang nabasa kong libro pero nung nag-aaral ako - mga libro sa Filipino Subject ang madalas kong basahin. Dun din ako unang naka appreciate ng mga maikling kwento...

Noon kasi di ko pa kayang bumili ng libro -- dream ko noon makabili ng libro ni Lualhati Bautista saka ni Bob Ong...

Ngayong nasa KSA ako, nakakabili din ako ng mga Books... un nga lang di ko nababasa kasi pinabibili ko lang sa Pinas... babasahin ko pag naka uwi na ako..

Tagalog books talaga ang hilig kong basahin... mula noon hanggang ngayon.. un din ang dahilan kung bakit tagalog ang gamit ko sa pag nagsusulat.

Sa ngayon, madalas sa online ako nagbabasa... pero dream ko din magkaroon o mag start ng book collection...

Gusto kong magbasa kasi may natututunan din ako... lalo na sa grammar -- un nga lang oras ung kalaban ko... saka di ko alam kung saan ako magbabasa... saka wala din kasing bookstore dito...

Pansin ko din na kapag e-book kadalasan english story. Parang wala pa akong nakitang e-book na tagalog... kung meron man sana malaman ko... (maliban lang sa Romance o Pocketbook Online)

Pero maganda pa rin ung libro mismo kasi may sentimental value... nahahawakan mo saka remembrance na rin...

Thanks po pala kay sir K.D sa pag invite sa akin sa group na ito...

Bago ako matapos... saludo ako sa mga manunulat na Pinoy...

I'm Jondmur, nagsusulat online bilang isang blogger... napasama ako sa MSOB Anthology at nagkaroon ng isang solo indie book ^^

Thanks ^_^


message 431: by Mara (last edited Nov 26, 2012 01:45AM) (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Jondmur wrote: "Bago ako nagsulat talagang naging reader muna ako. Ang totoo mas nagbabasa ako ng Tagalog kaysa sa English books. Un nga lang noong nag-aaral pa ako, pocketbook ang madalas kong basahin (Romance sa..."

Welcome po sa grupo, Jondmur. Sana po ay maibahagi nio din samin ang link ng blog nio.


message 432: by Jondmur (new)

Jondmur | 3 comments thanks ^____^ happy ako na napadpad ako dito....


message 433: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Ang daming bago., Saya :)
Maligayang pakikisapi sa samahan Camille, Maya, at Jondmur.


message 434: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat sa pagpapakilala, Jondmur. Ikaw pa lang sa mga MSOB Anthology writers ang nagkaroon na lakas ng loob magpakilala. Si Michael nag-join pero di nagpakilala sa thread na ito.

Yon bang indie mo yong "Hangganan?"


message 435: by Rise (new)

Rise Welcome, Jondmur. Yey, sinanibansinapian na naman tayo ng isang manunulat.

Welcome (again), Berto.


message 436: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Berto, hindi ka pa ba nagpakilala? Ang tagal mo na.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments huwaw! maligayang pagbati mula sa Supremo, mga kasapi!...sa mga bago "magandang morning book club"


message 438: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments ako po si nicolo. hahahahaha


message 439: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Aha! Nik o nicolo. Welcome ka rito. Salamat sa pagsali. Alam ko matagal ka nang sumali. Di ka lang nagpapakilala.

Kahit very short yang intro mo, parang ramdam ko na may ibig sabihin yang hahahahaha na yan. Binilang ko pa, lima!

Dami kong sinabi eh ang ikli ng intro mo. <3


message 440: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Hello Nicolo! maligayang paganib sa grupo!:)


message 441: by Rise (new)

Rise Welcome (again), nik!


message 442: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Si Nik Wakin! Welcome po sa inyo, ser! :)


message 443: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Lakas ng tama ni Bertong Labra!


message 444: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Si Nik Wakin! Welcome po sa inyo, ser! :)"

Galing talaga ni Jzhun! Akalain mong kagrupo natin si Paolo Kuhelyo at Nik Wakin dito!

K.D. wrote: "Lakas ng tama ni Bertong Labra!"

Haha.. Amba, ang daming naglalabasang bagong pangalan ngayon ah!


message 445: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wag kang madadala ng menor de edad, Paolo Kuhelyo.


message 446: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Hi. Ako si Raechella. Sa totoo lang, hindi talaga ako nakakapagbasa ng mga Filipino books, puwera na lang dun sa dalawang komiks na nabasa ko noon pang hayskul tsaka yung mga Philippine Ghost Stories na dinadala ng kaibigan ko sa iskul. Hehe. Pinaunlakan ko lamang ang imbitasyon na natanggap ko, pero maganda na rin tong pagsali dito upang kahit papaano ay tangkilikin ko din ang literaturang Filipino. :)

Hindi ko muna masasagot kung sino ang paborito kong manunulat o ang paborito kong akda, pero malay natin, sa hinaharap ay masaagot ko din yan. :)


message 447: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Raechella, malaking bagay na ang sumali ka. Ibig sabihin kahit paano, may nakikitang kang maganda sa pangkat na ito. Siguro, may puwang pa sa puso mo ang mga akdang Pinoy. Sana maengganyo ka namin.

Basta bisitahin mo lang kami lagi. Magbasa ng mga threads. Huwag mahiyang magbigay ng iyong kuru-kuro. Walang tama't walang mali rito. Lahat ng boses ay pinakikinggan.

Welkam na welkam ka!


message 448: by Rise (new)

Rise Raechella, maligayang araw (gabi) ng pagsali! balitaan mo kami kung sino na ang napipisil mong paboritong lokal na manunulat.


message 449: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments welcome sa inyong lahat! mabuhay!


message 450: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Camille Veronica wrote: "Salamat Ryan! Karamihan sa librong pambata na pinupublish sa ngayon ay tumatalakay sa mga isyung pambata katulad ng pang-aabuso, pagkakaroon ng kapatid na may espesyal na pangangailangan, at minsan..."

Gusto ko rin yan. May ilan na rin akong naging proyekto ukol sa mga bata at ang mga topics na sinabi mo. :)


back to top