Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
^Huwow. Pumupulis pulis si Phoebe ah haha. :)Jessica: Pasensya naman ate. Yan kasi ang ayaw kong maramdaman ng mga taong kasali dito, yung hindi sila updated sa latest happenings hehe
¡Buenas días también! @ K.D, sí muy feliz (yes, very happy)
Kailangan kong mag- grocery shopping pero hindi pwede kasi nakasara na lahat ng tindahan bago kami magising. Kaya ngayon hinahanapan nalang namin ng paraan kung anong gagawin sa mga mumunting tirang pagkain sa fridge. Hahaha :D
Biena: Ang sweet mo naman, parang gusto ko na tuloy mag-pa-adopt kay K.D para maging sisters tayo :D Kaso maiilang ako kasi hindi magkalayo ang edad nila ng beloved mister ko. ><
At welcome William, madali ka ritong magiging feel at home. (cyber home)
Hello William, salamat sa pagsali sa Pinoy Reads Pinoy Books!
Jessica, nakabili na akong ng "Agos" para sa yo, Mina (editor), anak kong si Johan at kay nik (editor). Bukas ka na siguro ito maipapadalang lahat :)
Jessica, nakabili na akong ng "Agos" para sa yo, Mina (editor), anak kong si Johan at kay nik (editor). Bukas ka na siguro ito maipapadalang lahat :)
K.D. wrote: "Hello William, salamat sa pagsali sa Pinoy Reads Pinoy Books!Jessica, nakabili na akong ng "Agos" para sa yo, Mina (editor), anak kong si Johan at kay nik (editor). Bukas ka na siguro ito maipapa..."
Thank you! Excited na akong mabasa siya!
Hi Ako si Jennifer Clements. 24. Kalahating pinoy, kalahating Canadian. Hindi pa masyadong marunong magtagalog kasi 1 year pa lang dito sa Philippines. pero gusto ko matuto by reading Filipino books. Sorry kung may English. Nabasa ko mga libro ni Bob Ong and gusto ko sya kasi hindi malalim masyado ang Filipino. Do you have any book suggestion that can help me with my Tagalog?
Salamat sa paginvite sa akin, K.D.
Jen wrote: "Hi Ako si Jennifer Clements. 24. Kalahating pinoy, kalahating Canadian. Hindi pa masyadong marunong magtagalog kasi 1 year pa lang dito sa Philippines. pero gusto ko matuto by reading Filipino book..."Welcome Jen!
Just talk to everyone and asked them what the words mean if you don't understand, that's the way I learn Norwegian.
Isa pa parang galing mo namang magsulat ng tagalog so just keep reading whatever you like. Sorry kung wala akong libro na ma-i-suggest.
Salamat Jessica. Nagpapractice araw-araw ako pero yung ibang books na Filipino Author mahirap i-Tagalog, Hindi ko maintindihan. I tried reading the classics: Noli, Fili, I think I had a brain hemorrhage. hehe.
Ate Jessica: Okay lang po bang tawagin kayong Ate? 23 pa lang po ako. Haha. :D Gusto ko lang talagang maging masaya lahat dito. :DWilliam: Welcome!!! May bagong artist na naman ang PRPB! Sana ay makasama ka namin sa mga susunod na pagtitipon!
Jen: Hi Jen! It's amazing that you can actually write in Filipino that well already. I'd be glad to tutor you and talk to you in Tagalog endlessly if you show up in our meet-ups here. Haha. I promise.
Magandang araw sa inyong lahat! 18 pa lamang po ako ngunit nakapagbasa na ako ng mahigit sa 160 nobela sa Ingles at Filipino, mas marami nga lamang sa Ingles. Gustong-gusto kong genre ang fantasy, sci-fi, at historical fiction o historical thriller. Sa lahat ng mga kontemporanyong Pilipinong awtor, pinakagusto ko si Lualhati Bautista. Naniniwala rin akong siya ang pinakamahusay. Kasalukuyang nasa huling taon ako ng BSEd Filipino, at kung papalarin, bago magpasukan ay matapos ko na ang sinusulat kong nobela. At kung MAS papalarin, sana'y maipalathala ko ito. Salamat!
Welcome Kenneth! Kinopya ko nalang ang sinulat ni Phoebe. Thanks Phoebe ;) hahaha :DNo offence Kenneth really welcome to PRPB.
Okay matutulog na ako pero last post na.Jen: Don't worry you're not alone. Even I who grow up with Tagalog nearly end up exploding my head with Sir Jose Rizal's books. Even Florante and Laura was hard.
Berto: Hahaha :D Katawa ka. Sounds Spanish enough.
Beina: Sure okay lang, isang taon ka lang na mas matanda sa lalaki kong kapatid na sumunod sa akin :)
Hindi sa masama, pero and dami yatang new member in just a few days? Ganito ba talaga ka-busy dito bago ako sumali?
Isa pang tanong. May facebook page ba ang PRPB?
Andaming tao ngayon sa PRPB! Nawa'y magpakita kayong lahat para naman makakwentuhan ko kahit sandali. :) May facebook page tayo para sa mga pictures. Si Biena ang nagmomoderate. You may send her a personal message about it. Everyone, welcome!
Welcome sa mga bagong miyembro! Jen, suggestions ko sa mga librong hindi gaanong malalim ang Tagalog: It's a Mens World ni Bebang Siy at mga akda ni Lualhati Bautista. Hindi sila mahirap intindihin at minsan ay mag Taglish pa.
hi William, Jennifer at Kenneth! Maligayang pagdating. :)Tay K.D. salamat! :) sige excited na akong basahin yan. Ilan pa lang ang nababasa ko dyan eh. :)
Hello Willian, Jennifer, Kenneth, Johan! Sa mga pinoy lit pansin ko na marami akong nababasang historical fiction. Siguro ito kasi ang pamamaraan ng manunulat noon na itatak sa puso ng bawat Pilipino ang kalagayan ng ating bayan. Lalo na sa mga batang mambabasa ngayon.Kung nabasa ninyo ang maikling kwento ni Efren Reyes Abueg na Mabangis na Lungsod, di ba historical fiction yun kasi pinakita ang kalagayan ng Quiapo noong 1960s o bago Martial Law. Pero pwede rin siyang fiction, kasi ang kalagayan ng Quiapo noon at ngayon ay walang pinag-iba. sad.
Pangalan: Grace EsmayaPaboritong manunulat na lokal: Bob Ong, Ricky Lee, Eros Atalia,
Paboritong librong lokal: Para Kay B ni Ricky Lee at ABNKKBSNPla Ako?! at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino ni Bob Ong.
Bakit sumama sa group: Sumama ako dito dahil nais kong makakilala ng mga kapwa ko Filipino na mahilig din sa pagbabasa, lalo na at tumatangkilik din sa sariling atin. :)
pansin ko nga Maria ella. noong kasagsagan ng pagbabasa ko ng Mabangis na Lungsod. Ang malupit na sa Bruno at ang nakakaawang si adong.Parang reality lang. :)
Maria ella hindi po natin masasabing historical fiction ang Mabangis na Lungsod, bagamat fiction niya. Isang magandang halimbawa ng historical fiction ang Dekada '70 ni Lualhati Bautista. Malinaw na malinaw ang panahong inilalarawan, naipakita ang kalagayan ng lipunan at mga tao noong panahong iyon, nagbigay ng halimbawa ng mga pangyayaring totoong naganap sa ating bansa, at naglahad ng mga eksaktong taon. Marahil ay sa descriptive fiction nakalinya ang Mabangis na Lungsod.
Welcome sa mga bagong dating sa ating kuweba:
Gen, salamat at naengganyo kitang sumali't magpakilala.
Kenneth, 18 ka pa lang pero graduating ka na? Ano ka accelerated? Good luck sa pag-graduate mo at good luck sa nobela mo. Mag-aktibo ka rito, marami kang mahihikayat na mag-rebyu ng akda mo at puwede mong magamit sa blog ng libro mo.
Grace, may mga nagustuhan din akong mga akda ni Bob Ong at Ricky Lee. Balang araw magiging guest natin rito si Ricky Lee! Kaya sana'y maging aktibo ka dito.
Feel at home kayo rito ha :)
Gen, salamat at naengganyo kitang sumali't magpakilala.
Kenneth, 18 ka pa lang pero graduating ka na? Ano ka accelerated? Good luck sa pag-graduate mo at good luck sa nobela mo. Mag-aktibo ka rito, marami kang mahihikayat na mag-rebyu ng akda mo at puwede mong magamit sa blog ng libro mo.
Grace, may mga nagustuhan din akong mga akda ni Bob Ong at Ricky Lee. Balang araw magiging guest natin rito si Ricky Lee! Kaya sana'y maging aktibo ka dito.
Feel at home kayo rito ha :)
Woooow ang dami na natin! Welcome welcome!Pakimessage ako ng mga Facebook accounts niyo para ma-add ko kayo sa FB group natin
Salamat KD! Maaga lang akong nag-aral. Haha. Tungkol sa novel ko, nasa chapter 31 na ako. Mga apat o limang chapter na lang, tapos ko na siguro. Hehe.
Biena, oo nga, ang dami na natin! Sumasayang lalo kapag maraming tao sa loob ng kuweba hehe.
Habang lumalao'y lalong dumadami, sumasaya kaysa dati (pasingtabi kay Amang Jun Cruz Reyes).
Johan anak, mana ka talaga sa akin hahaha.
Kenneth, pabasa ha? May publisher ka na ba?
Habang lumalao'y lalong dumadami, sumasaya kaysa dati (pasingtabi kay Amang Jun Cruz Reyes).
Johan anak, mana ka talaga sa akin hahaha.
Kenneth, pabasa ha? May publisher ka na ba?
Magiging guest dito si Ricky Lee? Na-meet ko na siya in person nong mag-seminar siya sa school namin. Napakabait niya. Very humble at down-to-earth. Saka walang kang mararamdamang anumang yabang sa kanya. Very approachable rin. Mas feeling sikat pa yong kasama niyang alalay. Hahaha.
KD, oo naman. Haha. Kaso wala pa 'kong publisher. Saka ko na lang proproblemahin pag tapos na yung book. Hehe.
Kenneth wrote: "Magiging guest dito si Ricky Lee?"Sana sana sana sana sana sana. At marami akong itatanong sa kanya about Para kay B, especially sa mga kurot-at-mala-MMK scenes hahaha :))
Wag niyo ako ipapakita kay Sir Ricky. Nahihiya ako. Tinaguan ko sya nung nasa newsroom sya Hahaha. Pero sabi nga nya, magkikita ulit kami. ^_^Si Bebang ang susi natin sa pagimbita sa kanya! hahaha!
Ara maganda din ang story nila. :D bast sa lahat nababaitan ako kay Sandra. :) Nakakatuwa lahat ng karakter ni Lucas. :DSama nyo na rin si bob Ong. lol. :D
Biena wrote: "Wag niyo ako ipapakita kay Sir Ricky. Nahihiya ako. Tinaguan ko sya nung nasa newsroom sya Hahaha. Pero sabi nga nya, magkikita ulit kami. ^_^Si Bebang ang susi natin sa pagimbita sa kanya! hahaha!"
hahaha bienna, sinayang mo naman yung chance.:) hindi yan pwede kay enrile! hahaha sayang yun.:D
Tama, si Beverly at Ricky Lee ay magkaibigan. I-line up ko nga yang "Para Kay B" sa Pebrero para sa isang mainit-init na Valentine's hahaha!
Sabi nga samin ni Ricky Lee, malaking bahagi raw nung mga naranasan ni Lucas sa nobela, nabasa rin niya. Kumbaga, ibinase niya si Lucas sa sarili niya.
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...








:p