Fun Facts About ME

I haven't posted anything for this year, so I thought why not post some fun facts about me?  So here it comes and be prepared.  Don't say I didn't warn you.  Haha!  
Kapag kumakain ako ng piatos, sinasawsaw ko siya sa coke o sa juice.Pinapalaman ko sa buns o sa pandesal yung gatas na condensada.Ayokong tumatabi sa bata kapag nasa jeep ako.I super love okra.Nagsasaulo ako ng mga Japanese anime songs.Nanonood ako ng hentai. Hahahaha!Madalas akong nasa auto-pilot mode.  Yung tipong may ginagawa akong isang bagay tapos ibang bagay yung iniisip ko.Nangangati ang kamay ko kapag gumagamit ako ng sabong mabaho.Allergic ako sa sinkamas.Kapag sinaing na isda ang ulam namin, nilulubog ko sa kape yung kanin ko and then lalagyan ko siya ng sabaw mula dun sa sa sinaing na isda.Halos lahat ng luto ng saging kinakain ko, banana cue, turon, sinanday, prito, sinarobot, name it.Mas gusto ko ang macaroni salad kesa sa fruit salad.Na-a-addict ako ngayon sa potato chips.Mahilig ako sa yaoi.Wala akong upper body strength.Malaki ang tiyan ko.Mabilis akong ma-dehydrate.Never pa akong na-co-confine sa ospital.Gumawa ako ng fanfiction na dedicated lang kung paano ko papatayin si Sasuke.Sinubukan kong gawin yung technique na tinuro ni Gohan kay Videl noon para matuto siyang lumipad. (Sa mga nakapanood ng Dragon Ball, aminin niyo ginawa niyo rin 'to.)Bali yung middle toe ng kanang paa ko.Kapag nasa bahay ako at walang pasok, hindi ako naliligo.Ilang beses na akong nakapag-1-2-3 sa jeep.Hindi pa ako nakakapunta ng EK.Wala akong sense of direction.Hindi pa ako nagkaka-boyfriend.Hindi ako lumalabas ng bahay na mukha akong tanga.Inggetera ako, hindi lang halata. LOL.I'm book smart but not street smart.  Sa totoo lang tataga-tanga talaga ako.Ultimate crush ko si Chris Evans at all-time crush ko naman si Johnny Depp.Madalas akong mag-daydream.Madami na akong nabasang libro pero kapag tinanong mo ako kung sinong favorite writer ko, wala akong maisasagot sa 'yo.I'm not a big fan of Nicholas Sparks.I'm a sucker for happy ending.I don't like 1st person POV.  Pero depende pa rin kung magaling yung pagkaka-execute nung writer.Hindi ko alam kung ano ba talagang personality ko.  Para kasing nagbabago-bago siya depende kung sino ang kasama ko.Never ko pang niyakap ang mga magulang ko.Mas gusto kong mag-isa kesa napapaligiran ng madaming tao.Gusto kong magpalaki ng puwet. Hahaha!Maingay akong lasing, yung makulit at tawa ng tawa. Hindi ako marunong maglangoy.Maganda akong mag-drawing pero pangit ang penmanship ko.Okayyyy... Hanggang d'yan na lang muna.  Baka kasi mas lalo pang humaba eh.  LOL.
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 29, 2014 02:41
No comments have been added yet.