workshop on creative industries by wipo, ipophl and ministry of copyright-korea

*kung me isang banda, napakaraming tao behind the para sumikat sila at makagawa sila ng maraming kanta at para makapag-perform sila sa iba't ibang bahagi ng mundo



*lagyan ng limit (number of years) ang pag-a-assign mo sa copyright. puwede mong sabihin, ina-assign mo sa iba ang copyright mo for 35 years.



*dapat effort lagi sa pag-perform dahil napakahigpit ng labanan.



*ilan sa puwedeng pagkakitaan ng performer

-fees sa live performance

-physical record sales

-downloads, streaming, ringtones sales

-broadcasting and public performance

-audio visual master re-use

-merchandising (caps, shirt)

-sponsorship and branding

-making available (pag promote-promote sa iba't ibang paraan)



wow, andami! sana puwede rin ito sa writer! yay!



*sa us, mayroong website kung saan nakalista ang mga film production/film companies at ang proyekto na kasalukuyan nilang ginagawa. nakasaad din sa website din na ito kung nasaang phase na ang bawat proyektong pelikula. mahalagang makita ng mga musician ang website na ito dahil ito ay potential market nila. maaari silang mag-alok ng kanilang mga composition sa film companies.



*kung magsa-submit sa mga production/film company, maximum na ang 1 track kada buwan. don't flood their emails.



*if youre not at the bus stop, you will never get on a bus! ibig sabihin, punta ka dun sa kung saan may opportunity na magdadala sayo sa gusto mong puntahan.



*may isang singer sa us ng nag-rap at ginamit niya bilang background ang kanta ng isa pang musician. ang ginawa ng music manager ng musician, hinintay niyang ma-record na ang rap (with background music) at mailagay sa mga cd ma-shift sa mga stores at mailunsad bago niya kinausap ang singer at ang sarili nitong music manager. ngayon, wala nang choice ang singer kundi magbayad ng halaga na itinakda ng music manager ng kanta ng isang musician.



*gumagamit ng music ang tv ads, games, films, tv programs, tv shows, etc. minsan ang need ay maikling bahagi ng kanta, minsan mahaba. kahit ano pa ang need nila, dapat ay pinagbabayad sila.



*there is no such thing as pangit o di maintindihan na uri ng musika. kailangan lang niyang mahanap ang tamang konteksto para siya ma-appreciate. example: super hard rock, punk music na trash siguro sa pangkaraniwang tenga. pero pag ginamit ito bilang background music sa isang maaksiyon na uri ng games, yung tipong maraming patayan, barilan etc, nagiging angkop ito, makabuluhan at maganda in a weird way.



*wag i-attach ang file ng music sa email (kapag nagpapadala sa possible clients). gumamit ng sound cloud, yousendit at iba pang remote servers or file storage.







*









 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 23, 2013 00:44
No comments have been added yet.


Bebang Siy's Blog

Bebang Siy
Bebang Siy isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Bebang Siy's blog with rss.