Double Release Day! (again)

Matteo's Fair Belle “Every time I’m with you, I just can’t seem to think straight. You’re slowly turning me into a madman. And I couldn’t care less… I just want you.”
Ever since she was sixteen, Maebelle had been in love with Matteo Fernandez. He was the perfect guy for her. He was kind, gentle, and sweet. But there was one problem, boyfriend ito ng nakatatanda niyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para lang itago at kalimutan ang nararamdaman niya. Pero sa bandang huli, lagi na lang niyang natatagpuan ang sarili na sinusundan ito ng tingin. At tuwing nakikita niya ang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang kapatid ay lalong nahuhulog ang loob niya rito.
Then five years later, her sister and Matteo decided to break up. Dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang mga landas nila ni Matteo sa Palawan. Where he was rendering his broken heart. Dahil siya lang ang kakilala nito sa lugar na iyon, he invited her to spend time with him. Hindi naman niya magawang tanggihan ito.
Pero agad din niyang pinagsisihan ang ginawa. Because she only found herself falling even harder for him. Even though she knew that no matter what happened, Matteo would always love her sister. The Enthralled Warrior “I can barely control myself. I’m not sure if I can keep my hands from touching you.” During the wedding of Ada’s very good friend, Aram, she accidentally bumped into a guy who left her with a very lasting impression. Iyon pa lang ang una nilang pagkikita pero kakaiba na agad ang naging epekto nito sa kanya. No other man affected her the way he did. Pero sa kasamaang-palad ay hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. Hindi rin niya ito magawang alisin sa isip niya.
Then Arik, Aram’s brother, asked her for help. Hiniling nito na makipagtulungan siya sa isang katribo ng asawa nito para maibalik ang pink diamond na ninakaw sa tribo ng mga ito. Because for some reason the thief who stole the pink diamond made contact with her. At siya lang ang maaaring tumulong sa mga ito para makipagkita sa magnanakaw na iyon. So, she agreed to help. Nang makilala niya ang lalaking ipinadala ng tribo ay labis siyang nagulat. It was the same guy she met on Aram’s wedding! Noon niya nalaman na Miros ang pangalan nito. She felt so ecstatic and excited to help him. Pero lagi naman siya nitong pinagsusupladuhan at hindi pinapansin. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Hindi siya tumigil sa pangungulit dito hanggang sa tuluyan na silang maging magkaibigan. Sa bawat paglipas ng araw, she also found herself falling for him. Pero biglang dumating ang magnanakaw at para ibalik nito ang pink diamond ay isang kondisyon ang ibinigay nito sa kanila.
A condition that would probably change her life forever.
So ayan, dalawa na naman na sabay ang release ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. LOL. Kasi naman, malapit nang maubos yung stock ko sa editorial ng mga unpublished MS. Tapos lagi pa nilang pinagsasabay yung mga release ko. Baka mamaya nan, hindi na pansinin nung ibang reader yung gawa ko. Hayyyy... But oh well, what else can I do? Hahaha. Ang arte lang eh. Matteo's Fair Belle is the sequel for Kaylus' Only Sky, actually wala talaga akong balak na gawan ng kwento si Matteo or gumawa ng sequel for that matter. Parang siya lang yung martir na boyfriend na masyadong mabait. LOL. Pero ayun, naawa naman ako sa kanya, kaya ginawan ko na. Hehehe. And who would be the perfect partner for him but Maebelle?? The tsundere younger sister. Sa totoo lang, sobrang pinahirapan ako ng kwentong ito. As in! Dalawang beses siyang pina-revise sa 'kin bago siya na-approve. Grabe, sabi ko nga nun, kapag pina-revise pa ulit sa 'kin 'to, iiyak na talaga ako ng dugo. LOL. But thankfully, mukhang naawa naman na sa 'kin yung editor dahil pinagbigyan na niya ako. Hehehe. Sobrang hirap ding gumawa ng kilig scenes, masyado kasing mabait si boy, hindi maka-da moves. Kaya sa makakabasa, sana magustuhan niyo siya. ^^ The Enthralled Warrior naman ay sequel sa The Enchanted Sailor, kwento ito nina Ada at Miros. Hindi ko alam kung may nakakaalala pa sa kanila, pero lumabas si Ada sa kwento ni Aram while si Miros naman ay lumabas sa kwento ni Arik. Isa pa ito na hindi ko talaga binalak isulat. Actually, dapat ang isusunod ko nang isusulat ay yung sa thief, pero naisip ko, masyado namang mabilis kung siya agad. Wala pang masyadong alam ang mga tao tungkol sa kanya, so ayan, sinulat ko muna 'to. Kagaya nung kwento ni Arik, information overload na naman ang isang 'to. Sobrang daming characters. Pero favorite ko talaga yung thief saka yung apprentice niya. Hehehehe. TRIVIA: Haha ano bang pwedeng i-trivia?? Ayun, Ada has an older brother, si Oz. Kung familiar kayo sa anime na Pandora Hearts, ito yung names nung magkapatid na Bezalius. Adik lang sa anime eh. Sa mga makakabasa nito, I hope you can grab a copy of these two. ^^
Published on April 23, 2013 04:42
No comments have been added yet.