justinpluggedin:
First time kong makita si Ramon...





First time kong makita si Ramon Bautista.
Halos one year na rin pala ang nakalipas nung una kong nakita si Ramon Bautista. Sa totoo lang, yung part na nag-talk siya ay yung oras na hindi ako inantok. Sobrang gising na gising ako. Paano ba naman ang ganda ng topic namin nun. Basta, may kinalaman sa sex life (yung mga ganun). Tapos, ang lulupet ng mga sagot niya. Matatawa ka talaga, pati sa mga love advice niya. Sa pagkakatandan ko nandyan din si Dr. Margie Holmes na isang psychologist specializing in sex therapy. Grabe! Kapag talaga sex ang pinag-uusapan gising na gising yung mga classmate ko. Lalo na ako. Halos, ang active ko nga nun e. Tapos may nagtanong pa ata dun kung ano yung magandang sex position. ‘Yun ata yun. Hindi ko na matandaan kung anong position yung sinabi, pero ako talaga ang tinanungan ng classmat ko nun. Ano daw yung position na yun? Ano daw itsura? Kasi nga malibog daw kasi ako. Wala namang bago. Ang dami ko ng sabi. Dapat si Ramon Bautista topic ko. ‘Yun gusto ko siya ulit makita. Gusto ko ulit ganun yung set-up. Parang talk tungkol sa love at sex. Gusto ko ulit ma-experience yung nangyari sa UP. Nami-miss ko yung mga tawanan namin. (Yung picture galing sa classate ko)
Ramon Bautista's Blog
- Ramon Bautista's profile
- 504 followers
