My Usual Dillema
Okay, so I just passed my 2nd assignment for brainstorming and as usual, feeling ko na naman hindi siya ma-a-approve. My usual dillema. LOL. Honestly, I can't understand kung bakit gano'n na lang palagi ang nararamdaman ko. I can't even believe on my own MS. Well, feeling ko kasi kapag nakakatapos ako ng isang kwento, lagi na lang may kulang or laging may problema. Ewan ko ba. Baliw-baliwan mode na naman ako. So, this MS of mine na kapapasa ko lang, feeling ko hindi siya ma-a-approve because of so many reasons. First, I think masyado nang napa-OA yung conflict ko. As in ang dami nilang problema sa buhay. Hahahaha. My heroine is infertile so takot na siyang pumasok sa relationship dahil yung last na boyfriend niya, iniwan siya kasi hindi siya magkaka-anak. Okay na sana 'tong conflict na 'to actually. Kaya na niyang bumuhay ng isang MS. But no, I just had to add another conflict. Si hero ko naman dito ay ang biological father pala nung bata na inampon ni heroine. Kaya nung natuklasan ni heroine yon, feeling lang niya, ginamit lang siya ni hero at hindi talaga siya mahal nito. Well, maski naman ako, gano'n yung feeling ko. LOL. Sa tuwing may ginagawa o sinasabing sweet si hero, para lang akong tanga na kinakausap siya, 'hindi mo talaga siya mahal, ginagamit mo lang siya para makuha ang anak mo'. O di ba? Ang baliw ko lang. So ayan, doble-doble ang conflict ko, but despite that, sobrang ikli lang niya. The shortest one I've ever written so far. 20k plus na words lang. Hindi lang yon, sobrang bilis din ng pacing. Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Chapter 6 pa lang yata pareho na silang in-love sa isa't-isa. Kung hindi man 'to returned, tiyak na revise. Baka magpadagdag sila sa 'kin ng scenes. Hehehehe. Sa kabila ng lahat ng problema na nakikita ko sa MS na ito, pinasa ko pa rin siya. At 'yon ay dahil sa isa akong malaking BALIW! Wahehehehe! Wala eh, halos tatlong linggo ko nang ginagawa ang bwisit na MS na 'yon, kaya wala na ko sa mood na ayusin siya at mag-isip pa ng bongga. Kaya bahala na lang si Batman. Kung ma-re-return, eh di return. Kung approve, eh di masaya. Hehehehe. ~Off to Crazyland. XD
Published on February 11, 2013 23:16
No comments have been added yet.