Ganoon pa rin ang mga Salita – 3 of 14 Love Poems from Baha-bahagdang Karupukan and Alien to Any Skin

bark eye arty


Ganoon pa rin ang mga Salita


Ganoon pa rin ang mga salita.

Ang pagkadiin ng itim

ng tinta sa dilaw ng papel.


Pagkabasa muli (pang-ilang

ulit na ba?), pagtapat

ng higit na liwanag


Sa likod ng papel, naghahabi-

habi ang mga titik. Nag-uugnay

ang magkabilang panig.


Hindi na mapagsino.


Ngunit paglapag sa mesa,

paglapat ng tamang liwanag,

nanunumbalik ang mga salita.


Mga gunitang dahan-dahang

nagigising. At ikaw.


-o-


This poem appears in Baha-bahagdang Karupukan. This is poem 3 of 14 Love Poems.


translation attempt


Words Remain


The words remain the same.

The weight of black ink

as if carved on yellow paper.


After reading it once more (lost

count how many times over), I hold it

against a fiercer light.


The words interweave

on either side of the sheet.


I can no longer tell what’s written.


But laying it down on the table,

letting light strike it as it should,

the words return.


Memories slowly

waken. And you.


-o-



Filed under: 14 Love Poems from Baha-bahagdang Karupukan and Alien to Any Skin, Uncategorized Tagged: Alien to Any Skin, Baha-bahagdang Karupukan, Filipino poetry, Jim Pascual Agustin, Philippines, poetry, UST Publishing House
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 03, 2013 06:07
No comments have been added yet.