Ang Sabi Mo – poem 5 of 14 Love Poems from Baha-bahagdang Karupukan and Alien to Any Skin

lata at tsinelas Ang Sabi Mo


Talim ng gabing kay lamig

tumatarak sa gunita.


Dumaranak ang lungkot

nang hindi sinasadya.


Aksidente lamang ang lahat

ng ito, ang sabi mo.


Parang tumbang preso.

Lata at tsinelas ang hawla


At armas.  Kanya-kanya

ang bato at takbo.


Kanya-kanyang pagkukubli

ng ninanais, ninanasa.


Sa huli, kanya-kanyang pakikipagbuno

sa sari-sariling multo.


-o-


This poem appears in Baha-bahagdang Karupukan. It is poem 5 of 14 Love Poems .


I attempted a translation of this poem but it came out flat, so I will not be posting it.



Filed under: 14 Love Poems from Baha-bahagdang Karupukan and Alien to Any Skin, Mga Tula / Poetry, poetry, Uncategorized Tagged: Alien to Any Skin, Baha-bahagdang Karupukan, Filipino poetry, Jim Pascual Agustin, UST Publishing House
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 05, 2013 03:14
No comments have been added yet.