Grammar Lessons

Grammar lessons


Talakayin natin  ang mga aralin sa gramatika kaugnay ng tunay na buhay.



1.      Panghalip

Maraming tagasalin ang nagsasabing isa sa mga problema sa pagsasalin ang mga panghalip sa Filipino. Wala kasi itong kasarian.


 


Tingnan ang simpleng pangungusap sa ibaba. Walang tinukoy na mga tao; sa halip ay gumamit lamang ng mga panghalip na panlalaki at pambabae.


 


Paano ngayon isasalin sa Filipino ang pangungusap na ito?


 


He chased her, till she caught him.


 


Salin 1. Hinabol-habol ni Lalaki si Babae, hanggang mahuli siya nito.


Malinaw na ba na ang siya ay tumutukoy kay Lalaki, samantalang ang nito? Parang hindi, ano? Kaya tingnan natin ang isa pang pagtatangka.


 


Salin 2: Hinabol-habol ni Lalaki si Babae, hanggang mahuli ang una ng huli.


Kung iba-back translate, ito, ang huling bahagi ng pangungusap ay maisasalin nang ganito: until the former was caught by the latter. Pero malabo ang salin dahil ginamit ang dalawang kahulugan ng salitang “huli” – a. HU-li (nasa unang pantig ang diin) – catch; b. hu-LI (nasa huling pantig ang diin) – the latter.


 


Tingnan natin ang pangatlong salin.


Salin 3: Hinabol-habol ni Lalaki si Babae, hanggang maabutan ang una ng huli.


 


Masasabing nabawasan ang kahulugan ng “catch” sa pagtutumbas lamang ng “maabutan” pero nakasaad na rin sa salitang ito na dahil naabutan ay nahuli na rin.


 


Ano sa palagay ninyo?


 



2.      Mga antas ng pang-uri

 


Alam natin na may tatlong antas ng pang-uri: lantay, pahambing, at pasukdol. Pakinggan natin ang usapan ng 2 biyuda para ilarawan kung paano ginagamit ang 3 antas ng pang-uri.


 


Biyuda 1 (na nag-asawa uli. Read: agad-agad?): Ang matatandang dalaga, pangit, kaya hindi nakapag-asawa.


 


Biyuda 2 (hindi nag-asawa uli. Read: walang natiklo?): Ha? Maraming matandang dalaga na maganda. Baka choice nila ang di pag-aasawa.


 


Biyuda 1 (hindi pansin ang sagot ng kausap): Pero mas pangit ang biyuda na hindi nag-asawa uli.


 


Biyuda 2 (natamaan): Pero ang pinakapangit sa lahat ay ang babaeng may kapalit na agad ang asawa kahit noong  nabubuhay pa.


 


Hindi na nakapangusap si Biyuda 1.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on January 29, 2012 22:07
No comments have been added yet.


Aurora E. Batnag's Blog

Aurora E. Batnag
Aurora E. Batnag isn't a Goodreads Author (yet), but they do have a blog, so here are some recent posts imported from their feed.
Follow Aurora E. Batnag's blog with rss.