[Preview] Haunted Hearts
Hi! It’s me, Kiel. Welcome back to my channel! For today’s video, I will, or we, will go ghost hunting. I and my cousin, Joe, together with a team of amateur paranormal detectives, will investigate an abandoned mansion that is said to be haunted for over fifty freaking years. The murder case of the three women who used to live in this house has not only turned into a cold case, it has also been mysteriously erased. And it triggered my curiosity. I know I need to find out what really happened in this house fifty years ago. A psychic has joined us, and she’s perfect for this. Mikay has this thing called “retrocognition.” She can sense or see past events once she sets foot in a place. Malalaman namin ang mga nangyari sa bahay na ito fifty years ago kaya malulutas namin ang misteryo ng pagkamatay ng tatlong babaeng nagmumulto sa bahay na ito. How cool is that? How awesome it can be… kung hindi lang sana halatang fake psychic ang babaeng ito. I think she’s a scammer. Pero sinasakyan ko na lang, because her made-up stories amuse me. She amuses me kahit ang pikon niya at lagi siyang nakaangil sa akin. In fact, I think I’m beginning to like her, even though she obviously likes Joe. Feeling ko nga, sumali lang siya sa vlog ko para magpa-cute sa sa pinsan ko. Joe has given up on love, so there’s no way he’d fall for Mikay. Mas interesado si Direk Joe sa ghosts. Kaya nga siya sumama rito ay para magkaroon ng inspirasyon for his next horror film. Do you think we can pull this thing off? Sa tingin n’yo rin, mai-in love kaya sa akin si Mikay as we stay together inside this haunted house? O maging magkaribal pa kami ng pinsan ko? Do you also think we’ll make it out of here alive? Comment below and tell me your thoughts. And don’t forget to click like and subscribe. KIEL’S POV Mula sa labas ng nakakandadong gate ay pinagmasdan ko ang abandonadong mansiyon. Doon mismo sa harap ng bahay na iyon kami nasiraan ng kotse nang gabing iyon habang pauwi mula sa pagha-hike sa Mt. Banahaw. It’s as if I am watching a stunning establishing shot in a horror film, but in an extra wide shot with artificial fog as special effects. Parang gusto ko tuloy hugutin mula sa loob ng kotse ang Panasonic Lumix GH5 na gamit ko sa vlogging para kuhanan ang view na iyon. “Dude, look at this house,” kalabit ko sa best friend kong si Rex na iniilawan ang ginagawa ni Joe sa nakabukas na hood ng sasakyan. “Nakita ko na,” sabi ni Rex habang pirming nakatingin sa kinukumpuni ni Joe. “Haunted house, dude. Ayoko nang tingnan baka mapanaginipan ko pa.” I blurt out a laugh. “Pussy. Paano mo nalamang haunted ‘yan? Kapag ba abandoned house, automatic nang haunted?” “Dude, aura pa lang, halata nang haunted. Kita mo nga, walang ibang bahay na naglakas-loob na dumikit diyan. Walang ibang bahay sa paligid. Kinikilabutan na nga ako, eh. Sa lahat ba naman ng lugar na puwedeng masiraan dito pa talaga sa harap ng bahay na ‘to.” Pareho kaming six-footer ni Rex. Pareho rin kaming physically fit. Mas malaki nga lang ang kaha ng kaibigan ko dahil pang-bouncer ang katawan niya at lean built naman ako. Pero every time na manonood kami ng horror movie, siya ang sigaw nang sigaw sa takot. Palakasan ng sigaw si Rex at ang girlfriend niya. Rex is into extreme activities and death-defying adventures, but when it comes to ghosts and paranormal stuff, he would become the sissiest man ever. May phobia raw kasi siya sa ghosts. Pabor naman sa akin ang pagiging matatakutin niya sa multo dahil ilang beses ko nang napagkatuwaan siyang i-feature sa vlog channel ko. My seven million YouTube subscribers love to laugh at my friend whenever I do a ghost prank at Rex. “Bakit ba kasi dito tayo napadpad?” tanong ni Joe na seryoso sa pagto-troubleshoot ng sasakyan. “Bakit hindi sa highway? This place looks isolated. Walang dumadaan, oh.” Para sa akin ang tanong na iyon dahil ako ang nagmamaneho. Hindi ko nga rin alam kung bakit doon kami itinuro ng Waze. Nanlaki ang mga mata ni Rex na para bang may biglang na-realize. Tumingin siya sa akin nang may pagbabanta. “Shit, Kiel! If you’re setting me up for another ghost prank, I’m telling you I’m going to beat your ass for real.” Lumikot ang mga mata niya na mukhang naghahanap ng hidden camera. Miski ang loob ng hood ng sasakyan ay hinanapan ni Rex. Napabulanghit ako ng tawa. “Gago! Wala akong time para i-prank ka. Paano ko mafe-fake ang pagkasira ng sasakyan? Dito tayo dinala ng Waze,” ibinalik ko ang tingin sa mansiyon, “which is weird. Tapos nasiraan pa tayo sa mismong harap ng abandoned house na ‘to.” Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin kay Rex. Halata sa hitsura niya na kinakabahan na siya. Pinigilan ko ang sarili na matawa. Sa tuwing ganoon ang hitsura ni Rex, hindi ko maiwasang maalala na noong teenager pa kami, bigla na lang siyang naihi sa salawal sa takot nang minsang magkatakutan kami ng barkada noon. “I have a bad feeling about this,” sabi ni Rex na pahapyaw na nilingon ang mansiyon pero mabilis ding nagbawi ng tingin. Humalukipkip ako. “Kapag hindi naayos ni Joe ‘yan, wala tayong ibang pagpipilian kundi ang makitulog sa bahay na ‘to.” Isang malutong na mura ang isinagot ni Rex. Hindi ko na napigilan ang magtatawa. Natawa na rin si Joe. “Matagal pa ba ‘yan, Joe?” tanong ni Rex. Ngumisi si Joe. “‘Wag kang mag-alala. ‘Di ko hahayaang makitulog ka sa haunted house na ‘yan kaya sisiguraduhin kong maaayos ko ‘to bago pa may magpakitang ghost sa ‘tin dito. Basta ipangako mo lang na e-extra ka uli sa susunod kong project.” “Sure!” mabilis na sagot ni Rex. “Ano bang next project mo?” “Horror film.” Binigyan rin ni Rex ng malutong na mura si Joe. Nagtawanan kaming magpinsan.Ibinalik ko ang tingin sa mansiyon at tinanaw ang madidilim na mga bintana nito. I stared at a window, expecting to see a shadow or something that would move to indicate a ghost’s presence, but there was none. Nope, wala akong third eye at kahit kailan, hindi pa ako nakaranas na pagmultuhan ng kahit anong paranormal entity. Pero naniniwala ako sa existence ng mga espirito at multo. But that house could be just a normal abandoned house. Dahil walang magawa habang naghihintay na matapos ni Joe ang ginagawa ay kinuha ko na lang ang camera sa loob ng sasakyan. Tinapunan ko ng tingin si Sasa—ang maarteng girlfriend ni Rex—na nakaupo pa rin sa backseat at mukhang naka-live sa Instagram habang nagkukuwento sa exhausting at terrifying experiences daw niya kanina habang nagma-mountain climbing. Kaya kami ginabi nang husto ay dahil sa kanya na walang ginawa kanina kundi ang mag-inarte habang umaakyat sa bundok. Hindi hiker pero nangulit na sumama. Sumama lang siya sa amin para maging pabigat kay Rex. Rex literally carried her up the mountain. Pero hindi naman ako naasar sa mga pinaggagawa ni Sasa kanina dahil naisip kong i-highlight sa vlog ko ang mga reaksiyon niya. Sasa would not mind being poked fun at, as long as she got attention. Pitong milyong netizens ba naman ang instant viewers ko kaya instant Internet celebrity ang kahit sinong itampok ko sa bawat videos na ginagawa at ina-upload ko. In fact, may kutob nga akong sumama talaga si Sasa dahil alam niyang gagamitin ko sa vlog ang experiences ko at ng mga kasama sa pag-akyat sa Mt. Banahaw sa Laguna at Quezon. I am a famous vlogger-slash-influencer. I have been vlogging about my travel stories, parties and events that I hosted or guested, hobbies, sports, workout sessions, adventures, documentaries, pranks, and any random stuff for three years now. Lahat ng videos sa channel ko ay humahakot ng milyon-milyong views. Hindi ako artista pero sikat ako. Imbes na magtrabaho sa holdings company na pag-aari ng parents ko ay mas pinili kong maging malayang gawin ang kahit anong gusto ko habang kumikita sa pamamagitan niyon. YouTube is paying me as well as my advertisers. Kaya para na rin akong nagtatrabaho. Noong una, hindi gusto ng parents ko ang pagiging happy-go-lucky ko pero na-realize din siguro nila na ito ang niche ko—ang maging storyteller, reality star, influencer, vlog director, video editor at Internet celebrity all rolled into one. At ang pinakamahalaga, dito ako masaya. ‘Buti na lang at may dalawa pa akong nakatatandang kapatid na lalaki na interesado sa business kaya hindi ako obligadong maging parte ng kompanya kung ayaw ko. Moments later, nakatutok na sa mansiyon ang lenses ng camera kong naka-attach pa sa gorillapod na hindi ko pinagkaabalahang tanggalin. Habang nakatingin sa display screen ng camera, bigla akong nakaisip ng idea for my next vlog. How about ghost hunting? Well, not necessarily this house. Iyong kilalang bahay o building na sinasabing may nagmumulto talaga. Curious din ako kung ano ang magiging reaksiyon ko kung sakaling makaramdam o makakita ako ng multo. Hindi ako natatakot sa mga bagay na iniisip ko pa lang. Maybe I have to actually feel and see them in order to know if I fear them or not. Ang tanong, sino ang sasama sa akin kung sakali? I have a lot of friends, but most of them are busy with their eight-hour tedious jobs, and some are not willing to be in front of the camera because they chose to be private. At sa theme ng next vlog, siguradong hindi sasama si Rex sa akin. Wala naman akong babaeng idine-date presently. My only hope is Joe. Buti na lang at hindi rin matatakutin si Joe. Joe is thirty. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. My favorite cousin is an indie film director and a screenplay writer at the same time. Kasisimula pa lang niya sa industry dahil ilang taon siyang nag-aral ng filmmaking sa States. Despite that, nakagawa na siya ng tatlong independent films at isa sa mga iyon ay nanalo sa Indie Films Festival just recently. A few weeks ago, Joe told me he wanted to make a horror film. Pero hinihinog pa niya ang story plot na naisip. Kailangan pa raw niya ng inspirasyon para tuluyang mabuo iyon. Perfect, sabi ko sa isip. Joe will definitely accompany me. Kailangan niyang ma-expose sa real-life spooky situations at scary places at baka ma-inspire sa istoryang isinusulat. “Bakit kayo nandito?” Napapitlag ako sa boses ng matandang biglang nagsalita. As expected, nagulat at natakot si Rex na napasigaw at napatalon sa likod ni Joe. On instinct ay itinapat ko sa pinaggalingan ng boses ang flash ng camera. May isang matandang lalaking sa tantiya ko ay nasa seventies ang lumalakad palapit sa amin. Halatang nasilaw siya sa liwanag dahil nag-squint at itinaas ang kamay para takpan ang liwanag. Hindi multo. Iyon agad ang impression ko nang mabistahan ang matanda. Kahit hindi pa ako nakakakita ng multo, alam kong taong buhay ang matandang huminto malapit sa amin. Pinatay ko ang flash ng camera pero hindi in-off ang record niyon. “Magandang gabi po,” bati ko. “Hindi dapat kayo nananatili sa lugar na ito,” halatang worried na sabi ng matanda habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin. “Umalis na kayo.” “Eh, Lolo,” sabi ko, “nasiraan po kami.” “Pero malapit na hong maayos,” dugtong ni Joe na tinapunan ng tingin si Rex na mukhang nanginginig sa likuran niya. “Kung ganoon ay bilisan n’yo.” Tinanaw ng matanda ang mansiyon at pagkatapos ay ibinalik sa amin ang tingin. “Kailangan n’yo nang makaalis agad.” “Bakit ho?” curious na tanong ko. “‘Wag n’yong sabihing haunted house ‘tong bahay na ‘to.” Hindi agad sumagot ang matanda. Tinapunan ulit niya ng tingin ang mansiyon bago sumagot.”Oo.” MIKAY’S POV “Mami-miss kita, Babs,” sabi ko habang isinisilid sa kahon ang mga gamit ko sa desk na kailangan ko nang i-empty. Kung mamalasin nga naman, nakasama pa ako sa mga ini-lay off na empleyado sa kompanyang pinagtrabahuhan ko. “Shunga, magkapitbahay lang tayo,” sabi ng bestie...
The post [Preview] Haunted Hearts appeared first on Heart Yngrid.