[Preview] SCU 20: Meg, The Mysterious Girl
CHAPTER ONE DEAR Miss Terry, Hi. Can you help me? I’ve been in a relationship with this guy for over two years. But lately, things have begun to change. Feeling ko, nababawasan na ‘yong feelings niya para sa akin. Hindi na siya masyadong sweet. Hindi na siya masyadong thoughtful. Hindi na siya masyadong naghahanap ng paglalambing from me. Dati-rati, umaga pa lang, tatawag o magte-text agad siya pero ngayon, kung hindi pa ako mag-text, hindi pa siya magpaparamdam. Dati-rati, paglabas ko ng classroom kapag lunch time, palagi ko siyang nakikita sa labas ng pinto, naghihintay sa akin para sunduin ako. Ngayon, nagkikita na lang kami sa school café. Minsan pa nga, hindi na siya nakakasabay sa akin. Actually, napapadalas na kasi busy siya sa extra-curricular activities niya. Dati-rati, palagi niya akong niyayayang lumabas. Ngayon, bihira na. Kahit walang occasion, may gifts siya sa akin. Ngayon, nakakalimutan na niya ang monthsaries namin. Dati-rati, hindi siya nakakatulog nang hindi niya naririnig ‘yong voice ko over the phone o kahit nakaka-receive ng text from me. Ngayon, he doesn’t even say “goodnight” anymore. Dati-rati, siya ‘yong madalas na unang nag-a-I love you sa akin. Ngayon, kailangan ko pang mag-I love you sa kanya bago ko marinig ang “I love you” niya. Medyo napapadalas na din kaming nag-a-argue kahit over trivial things lang. Dati-rati naman, chill lang siya. Pinagpapasensiyahan niya ‘yong tantrums ko. Pero ngayon, naiinis na siya. Wala naman akong alam na ginawa kong kakaiba. All these years, ganoon pa rin naman ako sa kanya. Kung gaano ako kalambing at ka-toyoin, ganoon pa rin naman ako hanggang ngayon. Kaya alam ko na siya ang nagbago. Nabawasan na ang pagiging malambing niya at pati ang tolerance niya sa imperfections ko. Secretly, I tried to investigate if he was cheating on me but he’s clean. He’s not secretly seeing or chatting with any other woman. But it doesn’t mean he’s not starting to be interested with someone else, right? Tell me, Miss Terry, ibig bang sabihin ng mga ikinikilos niya, hindi na niya ako mahal? Possible kayang may iba na siyang nagugustuhan kaya nagbago na siya? I really wanted to talk to him about it but I’m scared to know the truth. I’m scared that he would leave me if I say anything. I love him so much, Miss Terry. I don’t want to lose him. Please tell me what to do. Sincerely, Joan Napabuntonghininga si Meg matapos basahin ang mga himutok ng letter sender na si Joan tungkol sa pag-ibig. Isa lang ang sulat na iyon sa labing-isang emails na natanggap niya sa araw na iyon mula sa visitors ng kanyang blog—ang Dear Miss Terry,. Dear Miss Terry, was a blog which offered free love advice to those who sent letters to “Miss Terry” in form of e-mails. It started out as a love and relationships blog na ang tema ay letters and replies. Si Meg na nagtatago sa likod ng pseudonym na “Miss Terry” mismo ang nagpo-provide ng mga sitwasyon at problema tungkol sa pag-ibig at romantic relationships na binibigyan niya ng mga suggested solutions. Na-inspire kasi siya nang mapanood ang pelikulang Letters To Juliet na tungkol sa isang organisasyong tumatanggap at sumasagot sa mga sulat mula sa mga taong may problema sa pag-ibig. Na-imagine niya ang kanyang sarili na nagbabasa ng mga sulat na iyon at sumusulat pabalik sa mga taong nagpapadala ng mga iyon. Kaya nag-decide siyang bumuo ng isang blog na ganoon ang konsepto. Dumami ang blog visitors at followers ni Meg sa loob ng ilang buwan. Maraming tao ang naka-relate sa mga sitwasyong isinulat niya sa kanyang blog. Later on, nakatanggap na si “Miss Terry” ng tunay na mga sulat na nakukuha niya via e-mail. Halos araw-araw ay may ipino-post siyang letters mula sa anonymous sender na tinatalakay at binibigyan ni Meg ng kasagutan sa kanyang blog. Hanggang sa medyo sumikat na ang kanyang blog at si “Miss Terry.” Sumikat na iyon at lahat pero walang nakakakilala kung sino ang nasa likod ng tinatawag nilang “love guru.” Nobody, except her best friend Eunice knew who was behind that blog. Narinig ni Meg ang ungol ni Eunice na nakasalampak sa sahig ng kanyang kuwarto at may hawak na mga papel. Mula sa pagkakatitig sa screen ng laptop ay ibinalik niya sa kaibigan ang tingin. “So, ano? Uunahin mo pang sagutin ‘yang letters mo kaysa sa project natin?” nakataas ang isang kilay na tanong nito. “Paano mo nalamang nagbabasa ako ng letters?” Nakatalikod kasi kay Eunice ang laptop niya. “Halata kasi sa face mo, ‘no? Full of sympathy. Nakikiproblema ka na naman sa problema ng ibang tao sa love. Tigilan mo na nga ‘yan, Meg. Ang gaan-gaan ng buhay mo dahil wala kang love life pero pinapabigat mo dahil sa problema ng ibang tao. Ang aga mong magkaka-wrinkles niyan, sige ka.” It had been a year since she started running this blog. Siguro sa iba—tulad ni Eunice—ay nakaka-stress ang problemahin ang problema ng iba tungkol sa pag-ibig. Kay Meg ay hindi. Gusto niya ang ginagawa. Masaya siya sa tuwing may natutulungan siya. Pakiramdam niya, she was made for it—ang tumulong sa mga taong namomroblema sa pag-ibig. Well, hindi lang naman problema ang iniluluhog sa kanya ng blog visitors. Hindi naman puro brokenhearted at may on the rocks na relasyon ang letter senders niya. Nanghihingi rin ang mga ito ng tips kay Meg. Tulad ng kung paano magpapapansin sa crush o kung paano manliligaw sa isang babae. As if she was indeed an experienced love guru, she provided them romantic tips. “Ni hindi ko nga alam kung saan mo pinagkukuha ‘yang mga pinag-a-advice mo sa mga taong ‘yan,” sabi ni Eunice. “I mean, hindi mo ba nare-realize na wala ka sa posisyon para magbigay ng advice about love? Hindi ka pa nga nagkaka-boyfriend.” Siguro nga ay hindi eksperto ni Meg dahil bilang isang no-boyfriend-since-birth ay wala pa siyang karanasan sa love at romantic relationships pero nagagawa niyang masagot ang bawat problema sa pag-ibig na natatanggap. Call it instinct or innate knowledge. Maybe she was born romantic and had natural penchant for love. Marami siyang ideas at fantasies tungkol sa pag-ibig. Well, she liked to read romance novels and magazine articles about love. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit feeling knowledgeable sa love at relationships si Meg. Ganunpaman, hindi tulad ng ibang hopeless romantic ay hindi siya masyadong idealistic. She was also realistic. Kaya siguro nakikita ng kanyang blog visitors na credible siya ay dahil realistic ang mga advice na ibinibigay niya at hindi hango sa romance novels o fairy tales. “Hindi naman nila malalaman iyon, ‘no?” sagot ni Meg. “Unless sasabihin mo, walang makakaalam na ako si Miss Terry. Kaya nga ‘Miss Terry,’ ‘di ba? Kasi ‘mystery.’ Mysterious. Hindi nila dapat malaman na isang twenty-year old college student na no-boyfriend-since birth ang nagbibigay sa kanila ng love tips at advice.” Umpisa pa lang ay pinlano na ni Meg na magiging unidentifiable siya. Wala siyang balak magpakilala bilang si Meg Meryll San Mateo. Nakakahiya kapag nalaman ng kanyang blog visitors and followers na wala talaga siyang karapatang magbigay ng love advice. She knew she would be ridiculed once her identity was exposed. Kaya bukod kay Eunice ay wala siyang pinagsabihang iba tungkol sa kanyang alter ego. Umingos si Eunice. She had always been supportive of Meg but not with this one. Noong una ay na-amaze ito nang malamang siya si Miss Terry pero nang lumaon ay madalas na nitong kinokontra ang ginagawa niya. Kunsabagay ay may point naman ang kaibigan. Kumbaga sa isang doktor ay wala siyang lisensiyang manggamot. But she enjoyed being a “love advisor.” Hindi basta-basta nagbibigay lang ng advice si Meg sa mga taong nanghihingi niyon sa kanya. Inilalagay niya ang sarili sa sitwasyon at iniisip nang mabuti ang gagawin kung siya ang nasa posisyong iyon. Kapag hindi siya sigurado sa nabuong idea, magbabasa siya ng articles mula sa Internet para mas maintindihan ang mga bagay-bagay na hindi pa niya nararanasan. Mukhang effective naman ang mga sinasabi ni Meg sa mga advice seeker dahil nagpapasalamat ang mga ito sa kanya at ang ilan ay totoong nasolusyunan ang mga problema. She knew some romance writers who had never experienced being in a relationship but they could write credible and realistic novels about love as if they had fallen in love a number of times already. Ganoon din siguro si Meg. Kaya niyang magbigay ng love advice kahit hindi pa niya nararanasang ma-in love nang totoo at magka-boyfriend. “Kapag ba nagka-boyfriend ako,” tanong ni Meg kay Eunice, “magiging supportive ka na sa pagiging love advisor ko?” “Hindi pa rin. Kailangan mo munang magka-boyfriend ng at least five. Ma-heartbroken ng at least four, magkaroon ng sex life, mag-asawa at magka-edad para suportahan kita diyan.” Binato niya si Eunice ng ballpen na nailagan naman nito. “OA mo. As if naman sa hitsura kong ‘to, magkaka-boyfriend ako ng lima.” Well, hindi naman siya pangit. Hindi lang siya iyong masasabing may kapansin-pansing ganda. Kapag may nagde-describe sa kanya, parating may “matangkad” at “maputi” lang pero walang “maganda.” “May hitsura” lang. Isa pa ay hindi siya katulad ng mga karaniwang babae sa school. While most girls in school wore makeup and girly dresses, she had no interest in makeup and skirts. Simple lang si Meg. She was the usual girl in ponytails clad in T-shirt, jeans and sneakers. Hindi rin siya ang tipo na masyadong pa-girl kung kumilos. Lumaki kasi siya kasama ang dalawang kapatid na lalaki. Usually, ang mga nagugustuhan ng boys in school ay iyong mga palaayos at feminine magsalita at kumilos. Kaya hindi siya pansinin at hindi ligawin. Isa pa ay intimidated din sa kanya ang mga lalaki dahil matalino siya. She was a consistent dean’s lister. And guys did not like smart girls, usually. Kaya umabot siya ng twenty years old nang hindi nagkaka-boyfriend. Well, may ilan namang nagtangkang dumiga sa kanya—iyong mga lalaking ayaw ng high-maintenance girls at tipo ang brainy girls—pero hindi naman niya gusto ang mga ito. Occupied na kasi ng nag-iisang lalaki ang kanyang puso. “Isang lalaki pa nga lang, hindi ko na makuha-kuha, lima pa kaya?” Nagbuga ng hangin si Eunice. “Are we going to talk about Patrick again?” Bumuntonghininga si Meg. Patrick Domingo. Wala siyang ibang lalaking nagustuhan sa St. Catherine University kundi si Patrick. He was probably her first love. Kahit pa hindi sila. Kahit pa hindi siya kilala nito. At mukhang kahit kailan ay hinding-hindi mapapansin. Patrick was a popular school dancer. Sa dance group ay ito ang pinakasikat at pinakamagaling. Not to mention, pinakaguwapo. Kaya naman marami ang humahanga sa lalaki. Isa na si Meg doon. Naa-amaze siya sa tuwing pinanonood itong sumayaw. She found his square jaw and dimples contradicting yet mesmerizing. Tanggap naman ni Meg na hindi siya magugustuhan ng isang tulad ni Patrick. Unfortunately, isa ito sa mga lalaki sa school na gusto ng girly girls at pansinin ang ganda. In fact, he was currently dating Airish. Si Airish ang front woman sa dance group. Ito at si Patrick ang face ng grupo. Sa tuwing pinapanood ni Meg na nagsasayaw ang dalawa, parang dinudurog ang puso niya. Nahihiling niya na sana ay magaling din siyang magsayaw para makasali sa dance group. Ang kaso ay hindi sa paggalaw siya binigyan ng talent kundi sa pagkanta. Miyembro si Meg ng school choir. Para tuloy silang worlds’ apart ni Patrick. She was obviously the exact opposite of Airish. So there was no way he would even look at her. “Well,” sabi ni Eunice na inilapag na ang mga papel at dinampot ang sariling laptop na nasa lapag. “I have good news for you. Break na daw sila ni Airish.” Nanlaki ang mga mata ni Meg. “Totoo?” Tumango si Eunice habang nakatingin sa screen ng laptop. Kaya ba lately ay hindi niya nakikita ang dalawa na magkasama? Umiling-iling siya. “No. baka tsismis lang ‘yan. Dati, napabalita nang nag-break sila pero hindi naman pala totoo.” “Totoo na this time. Ang source ko, walang iba kundi ‘yong pinsan mismo ni Airish. ‘Di ba,...
The post [Preview] SCU 20: Meg, The Mysterious Girl appeared first on Heart Yngrid.