realizations
hi, blog, how are you? im here again!
lately nagkaka-soul searching kiyeme ako. lagi akong nasa tahimik-coz-isip-senti mode. napapaisip ako tungkol sa hirap ng buhay, sa existence, sa pananatili sa mundo, sa buhay itself, sa politika, sa pilipinas, sa sitwasyon natin at iba pa. so, after some time, ito ang mga na-realize ko:
1. i am experiencing depression. matinding kalungkutan. ever since na-diagnose si dagat with autism. i have to acknowledge na nalungkot ako nang bongga at na-depress. at nag-ooperate man ako sa araw-araw, nakakapaghatid-sundo ng bata sa eskuwela at therapy center, nakakatulog, nakakakain, nakakausap, nakakapasok sa trabaho after lunch, nakakapirma ng mga papeles sa opis, nakakapag-hold ng klase, nakakapag-talk, nakakapag-workshop, nakakapagsulat, ako pala ay nasa auto-pilot mode lang. because of depression.
matagal na rin akong di nalulungkot nang ganito kalungkot. ngayon na lang uli. kaya di ko siya agad na-detect, di ko napansin.
realization: parang gulong talaga ang buhay, may ups and downs talaga. di mo maaalis ang lungkot sa buhay mo dahil lagi mong goal ang maging masaya. it is just fair. di puwedeng forever kang masaya. bakit? kasi ganon talaga ang natural na cycle at order ng buhay. may birth, may death. may maayos, may magulo. may taas, may baba. may maliwanag, may dilim.
2. mababait talaga ang mga pilipino. lately, napansin ko, nakakatanggap ako ng maliliit, random na mga biyaya:
a. libreng 1 hour play time sa isang parang balloon arcade sa tagaytay-- kasi ayaw ng sariling anak niya ang maglaro e hindi na maire-refund, ibinigay niya sa amin nang walang kaabog-abog ang 1 hour na iyon. nakatipid kami!
b. to be continued, aalalahanin ko pa
filipinos are kind.
3. pero hindi natin ikauunlad ang pagiging kind. we need another thing to be successful and to be prosperous as a country. we need... discipline.
hindi ko alam kung paano ito mai-instill sa mga filipino. kapag nasa ibang bansa naman, sumusunod sa mga batas up to the street batas. bakit sa sariling bayan, hindi? bakit marami ang di tumatawid sa tamang tawiran? bakit marami ang nagpa-park sa kalsada? bakit marami ang nagbebenta sa bangketa? bakit maraming tamad sa gobyerno? bakit makalat ang mga kalsada natin?
if we want to succeed as a country, we need to have discipline. ito palagay ko ang sagot sa ating kahirapan.
kung may disiplina tayo, mas madaling magkaisa dahil pare-pareho ng behaviour sa labas ng bahay ang mga tao. mas madali ring makapagpatalsik ng mga corrupt dahil walang disiplina ang mga corrupt at magnanakaw kaya sila tiwali at nagnanakaw.
4. overwhelming ang buhay. kakatapos mo lang sa pinasan mong challenge, kaka-graduate lang ni ej, eto na, na-diagnose si dagat na may autism. asan naman ang katarungan diyan, ano? ano, walang katapusang paghihirap at pagdurusa ba ang nasa palad ko? wala man lang pahinga?
pero... dahil dito, na-realize ko na, hindi pala ganito ang buhay. hindi iyong uy tapos na ang big project na ito, next chapter, happy-happy na. hindi pala ganyan. you live everyday, you breath every second, ke may ga-graduate o wala, ke may mangyayari o wala. and then, you celebrate little things along the way.
ang lapad at ang dami ng bogambilya ng kapitbahay namin, pink na pink. samantalang iyong amin, puro dahon lang. tuyot na tuyot ang mga sanga. kaya nang minsang may sumulpot na kakapiranggot na bogambilya, pink din, sa dulo ng isang sanga namin, anong saya ko. parang may pumutok, parang fireworks isang hapon ng mayo. gusto ko pa ngang ibalita kay papa p ito, kaso pagtatawanan ako niyon. pero hey, it's a message from the universe: you don't do it with big things. you celebrate upon receipt of small, good things. ganito pala dapat dinadanas ang buhay, ipinagdiriwang ang maliliit na bagay. they are the ones that make up the big things, the whole things. you are on the lookout every single day. every single breathe. ang mangyayari, magiging mindful ka. lahat ng bagay, pinag-iisipan mo na. lahat, ipinapasok mo na sa lahat ng senses mo. then, little things eventually become big things.

Published on May 17, 2019 08:06
No comments have been added yet.
Bebang Siy's Blog
- Bebang Siy's profile
- 136 followers
Bebang Siy isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.