Estranghero Na Lang
Estranghero Na Lang
3:42pm 03-04-17
By: artsyfridz
Hindi ko maintindihan mahal
Kung paanong ang ating pagmamahalan
Ay biglang nagtapos na lang,
Kung paanong ang puso mo ay biglang
Nanlamig na lang.
Hindi ko maintindihan mahal
Kung bakit ngayon ako sa’yo’y
Isang estranghero na lang.
Paano nga ba mahal nagbago ang lahat?
Paanong ang dating matamis, makulay at
Masayang pagsasama ay bigla na lang
Pumait, lumungkot at nawalan nang kulay?
Paano nga ba mahal na ako sayo’y
Estranghero na lang?
Hindi ko maintindihan mahal, pero bago ang lahat,
Nais kong simulant sa simulang-simula.
Kung paano pinagtagpo nang tadhana ang dalawang
Estrangherong tulad natin.
Sisimulan ko sa simula kung paanong
Ikaw at ako ay nagging tayo;
Kung paanong ang tayo ay binuo ng ikaw at ako.
Naaalala ko pa yung una nating pagkikita mahal,
Nagkasabay tayo sa may waiting shed dahil
Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Sabay pa nating nabigkas ang mga salitang
“Umuulan na naman!”
Napalingon tayo sa isa’t isa at saka nagkangitian.
Naaalala mo pa ba mahal na’ng sa simpleng ngitian
Ay bigla mong tinanong ang aking pangalan
At doon nagsimula ang walang humpay na kwentuhan
Kaya nga hindi natin napansin na tumila na pala
Ang malas na ulan.
Naalala mo pa ba mahal?
Dahil tandang-tanda ko pa ang bawat detalye ng
Ating pagmamahalan mula sa unang “hi at hello”,
Sa una nating date sa ilalim nang buwan at mga
Bituin na tila ba binabasbasan ang ating nabuong
Pag-iibigan, hanggang sa ating unang monthsarry,
At umabot nang taon…lima, anim, pitong anibersaryo.
Pitong anibersaryo mahal.
Naaalala mo pa ba mahal? Lahat ba ng alaala natin
Ay kinalimutan mo nang tuluyan kaya ako
Ngayon sa’yo’s estranghero na lang?
Hindi ko talaga maintindihan mahal
Kung paanong ikaw ay biglang
Nanlamig na lang, kung paanong ang dating sweet na ikaw ay biglang naging temperamental at parating
Nakasinghal kahit sa simpleng pagkakamali ko lang.
Kung paanong ang bawat halik mo’y hindi ko na ramdam,
Kung paanong ang dating araw-araw nap ag-uusap sa text at facebook ay biglang naging madalang,
At kung paanong ang pagtawag mo sa pangalan ko
Ay tila kantang wala sa tono, gitarang sintunado,
Sa madaling salita mahal, di na ito espesyal.
Hindi na ako espesyal dahil para sa’yo, ako’y estranghero na lang.
Tinanong kita mahal kung ako ba’y mahal mo pa,
Kung puso mo ba’y pagmamay-ari ko pa.
Hindi ka sumagot agad at tila ba nagdadalawang isip ka pa… “Oo naman, ano ka ba?”
Yun ang sabi mo pero ni hindi ka makatingin sa aking mga mata.
Gusto ko sanang panghawakan ang sinabi mo mahal,
Pero ramdam ko kasi na nagsisinungaling ka lang.
Paano ba naman kasi mahal,
Nahuli kitang may kahawak-kamay nung nakaraang araw lang.
Tila ba gumuho ang mundo ko lalo pa nga at nakita ko kung gaano ka kasaya sa piling niya.
Yung saya na meron tayo noong una nating pagkikita.
Ang sakit mahal na harap-harapan mo akong niloloko.
T***ina mahal, ano ba ang nagawa ko?
Ibinigay ko naman lahat pero pinagpalit mo pa rin ako.
Ang sakit mahal.
Ang sakit-sakit.
Ang sakit, lalo na ngayon na ako sa’yo’y estranghero na lang.
Estranghero na lang ulit.


