Utot ng Hari – first draft

Utot ng Hari

18 Nobyembre 2016, Araw ng Kandilang Nakahiga


“Huwag ninyong buksan ang kabaong

ng nakaraan,” sabi ng Bagong Hari-

harian sa lupain ng rangya at hikahos.


“Ako lamang ang may karapatang pumili

ng maaaring ungkatin mula sa tagpi-

tagping kasaysayan ng bayan.”


Bago pa siya naupo sa trono

na singkinang ng inidoro,

naamoy na natin ang hangin


mula sa kanyang katimugan.

Bakit pa kaya may nagugulat

kunwa sa sangsang ngayon


ng kanyang pinakawalan,

tila sawang lumilingkis

sa ating gunita at katinuan.


-o-


 


My apologies to dear friends and readers who cannot read Filipino. This is a first draft of my attempt to respond to the “Thief in the Night” style burial at the Cemetery for Heroes of the wax image/remains of the former dictator, Ferdinand Marcos done at noon, Philippine time by his family.


Filed under: Uncategorized Tagged: 18 November 2016, Jim Pascual Agustin, Marcos burial, Marcos dictatorship, Thief in the night, Utot ng Hari
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on November 18, 2016 05:01
No comments have been added yet.