Disappointed

Nakikita niyo ba kung ano ang mali sa picture na 'yan? Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para makita. Nakita niyo na ba? Yes, tama kayo. Mali ang spelling ng 'Tattoed'. It should be 'Tattooed'. Biglang nawala yung isang 'o' at naging 'Tattoed' na lang siya. Nung una ko 'yang makita, akala ko namalikmata lang ako. Pero nung pinakatitigan ko na at hindi pa rin nagbabago yung nakikita ko, do'n ko na na-realize na mali talaga yung spelling nung 'Tattoed'.
Sobrang disappointment agad ang naramdaman ko nang makita ko siya. Ang daming reklamo na umiikot sa utak ko. Like bakit kailangang magkamali sa spelling ng title? Wala bang auto-correct at hindi napansin na mali yung spelling? Ipagpalagay na nga na gano'n, then hindi ba nila nakita yung title na nakalagay sa MS na pinasa ko sa kanila? Because I'm pretty sure 'Tattooed On My Heart' ang nakalagay sa title no'n.
Sinabi sa 'kin nung isa kong co-writer na baka do'n lang daw mali 'yon at baka naman daw sa print eh tama na ang spelling. Umasa ako na sana gano'n nga. But no, 'yang title na 'yan talaga na may maling spelling ang nakalagay. Gusto ko nang maiyak after kong makita yung photo na pi-nost nung isa kong reader. Mas matatanggap ko pa kung sa catch line nagkamali o kahit sa teaser, pero bakit sa title pa? Syempre wala na kong magagawa di ba kasi publish na siya. Nai-distribute na sa iba't-ibang branch ng PPC at kung saan-saan pang bookstore. Hindi ko naman siya pwedeng i-pull out para lang ipatama yung mali nila.
Paano kung isipin ng mga makakakita na sa akin galing ang title na 'yan? Baka isipin nila, 'ay ang tanga naman ng writer na 'to, hindi alam ang tamang spelling ng tattooed'. Ang sakit lang sa puso. Lalo pa nga't si Rune ang pinakapaborito ko sa lahat ng boys ng Assassins. Tapos ganyan lang/ Sobra talagang nakaka-disappoint. Sana lang talaga hindi na 'to maulit. Utang na loob. (-_-)
Published on January 28, 2015 20:24
No comments have been added yet.