Faye Cura's Blog, page 12
August 3, 2013
A Nero Wolfe primer (in cookies)

July 14, 2013
The Boondocks

July 2, 2013
Sometimes I miss writing stuff like this

June 12, 2013
Restoring Manila, My Manila

June 8, 2013
May 5, 2013
Books in Baguio Part 2

April 12, 2013
New Books from High Chair!
they day daze by Raymond John de Borja
Glossolalia by Marlon Hacla
Humigit-Kumulang by Franz Joel Libo-on








March 25, 2013
Sining Akademiko sa Pilipinas
Mula sa panayam na “Art in the Academic Period: Damian Domingo to Fernando Amorsolo” ni Eloisa May Hernandez, Ateneo Art Gallery, Quezon City, Setyembre 29, 2012.
Damian Domingo
- Inaakala na may Tsinong mga ninuno si Damian Domingo ngunit, katulad ng petsa ng kapanganakan niya & kamatayan, hindi ito matiyak ng mga historyador. Pininta ng isa niyang inapo, si Juan Domingo, ang tanyag niyang larawan.
- Sinulong ni Domingo ang mga guhit ng tipos del pais (sa Ingles, “human types of the country”) na kanyang ipinagbili bilang postcards. Unang kinumisyon ng Indian na si R Daniel Baboon, isang mangangalakal ng tela, ang makukulay na watercolor na ito ng mga indiong gayak ang kanilang mga kasuotan (costume). Interesanteng halimbawa ng gawa ni Domingo ang Una india a que va a Misa en chiquita, na inaakalang larawan ng asawa’t anak ni Domingo.
- Kakaiba ang La Sagrada Familia mula sa mga pintang relihiyoso noong panahon ni Domingo sapagkat itinatampok nito hindi lamang ang Banal na Pamilya, kundi maging ang Diyos Ama.
- Binuksan ni Domingo ang Academia de Dibujo de Pintura, ang unang pormal na eskuwelahan ng sining sa Pilipinas, noong 1821. Ang Academia ang ninuno ng kasalukuyang UP College of Fine Arts. Sinulat din ni Domingo ang Perspectiva, ang kauna-unahang aklat sining na Filipino.
Esteban Villanueva
- Kilala ang pintor na Ilokanong si Esteban Villanueva para sa seryeng Basi Revolt ng 1821, na pinagawa sa kanya ng mga prayle upang takutin ang mga Ilokano na kamatayan ang katumbas ng pag-aalsa laban sa Espanya. Ginawa ang 14 na pinta 14 na taon matapos ang 14 na araw na pag-aalsa noong 1807. Unang itinanyag ang Basi Revolt sa Burgos Museum sa Vigan, Ilocos Sur; makikita ito ngayon sa Pambansang Museo. Ang mga ito ang pinakamatatandang umiiral na pinta ng isang aktuwal na pangyayaring pangkasaysayan.

Basi Revolt XIV: Ang mga hinatulan ay pinugutan ayon sa paghahatol.
Jose Dans
- Isa pang pintor ng ika-19 dantaon si Jose Dans ng Paete. Kilala niyang likha ang Purgatorio, na makikita sa mga pader ng Iglesia Parroquial de Santiago Apostol sa Paete, Laguna. Pinakikita ng likha ang paraiso (langit), purgatoryo, at impiyerno, kung saan lahat ng kaluluwa ay kaluluwa ng babae. Si Dans ay ninuno ng asawa ng kilalang pintor na si Araceli Dans.
Mga di-kilalang manlilikhang Boholano
- Isa sa pinakaunang sentro ng pagpipinta ang Bohol; & maraming di-kilalang pintor na Boholano ang tumulong sa pagtatayo & pagpapalamuti sa mga simbahan, atbp.
Justiniano Asuncion
- Si Justiniano Asuncion y Molo (1816-1901) ay estudyante ni Damian Domingo na nagmana sa negosyong tipos del pais. Anak siya ng gobernadorcillo ng Santa Cruz, Maynila, at pagkuwa ay naging alkalde ng naturang bayan.
- Umuunlad na ang paglalarawan o portraiture noong panahon ni Asuncion. Nagsilbing tanda ng maalwang pamumuhay ang mga larawan, na isinasabit bilang palamuti sa bahay. Bago ang panahong iyon, hindi lumampas ang paglalarawan sa mga paksang relihiyoso.
- Nagpakahusay si Asuncion sa istilong miniaturismo sa pagpipinta, kung saan regular o pangkaraniwan ang laki ng mga subject o paksa ngunit ibayong tutok ang ibinibigay sa kaliit-liitang detalye, katulad na lamang ng makikita sa tila atomikong anyo ng damit at alahas. Isa sa mga interesante niyang likha ang larawan ni Romana Carillo, na naghahalo ng larawan ng tao at larawan ng pook o landscape.
Jose Honorato Lozano
- Kilala si Jose Honorato Lozano para sa sining na Letras y Figuras (sa Ingles, “letters & figures”). Isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng pagpapangalan sa Pilipinas ang kautusan noong 1849 ni Gob. Hen. Narciso Claveria na isistemata ang apelyido ng mga Indio (o isistemata ang mga Indio ayon sa kanilang apelyido). Noong mga panahong iyon, may mataas na kahilingan para sa mga pintang isasabit sa bahay-na-bato ng umuunlad na gitnang uri. Ito ang naging silbi ng letras y figuras, na nagtatampok sa pangalan ng mga ilustrado.
Academia de Dibujo de Pintura
- Pagkatapos ng sandaling paninighaw ng Academia sunod ng kamatayan ni Domingo, pinahintulutan ni Claveria ang muling pagbubukas nito noong Hunyo 10, 1845. Ibinatay sa kurikulum ng akademiyang Espanyol ang kurikulum dito.
- Pinangalanang Escuela de Dibujo, Pintura y Grabado ang Academia noong 1889. Ito ang naging UP CFA noong inangkat ito nang buo ng mga Amerikanong nagpasimula ng UP.
- Pinangkat ang mga mag-aaral bilang Indio & Filipino & tinuruan ng mga propesor na sina Agustin Saez & Lorenzo Rocha, sa gayong pagkakaayos.
Simon Flores
- Isa sa mga estudyante ng Escuela si Simon Flores de la Rosa (1839-1902). Kilala siyang pintor hindi ng mga indibidwal na larawan, kundi ng larawan ng buong mga mag-anak. Tanyag niyang larawan yaong sa Pamilya Quiason.
- Isa pa niyang tanyag na larawan ang isang recuerdo de patay o memento mori ng isang bata, na makikita ngayon sa Pambansang Museo.
Flora de Filipinas
- Linimbag noong 1878 ang Flora de Filipinas ni Fr Manuel Blanco, ang kauna-unahang koleksiyon ng still-life ng mga halaman sa Pilipinas. Kinumisyon ito ni Juan de Collar, & ginuhit ng mga mag-aaral at guro ng Escuela. Makikilala umano sa bawat guhit ang mga artistang Pilipino noong mga panahong iyon. Si Prop Saez ang gumawa sa pabalat.
Juan Luna
- Isinilang sa Ilocos si Juan Luna (1857-1899), na isa ring manlalayag. Sandali siyang pumasok sa Escuela bago mahimok ng isa sa mga guro roon na mag-aral sa Real Academia de Bellas Artes de San Fernando sa Madrid, Espanya.
- Nagpinta siya ayon sa grandioso & historikal na wika ng pagpipinta na siyang nangingibabaw noong mga panahong iyon.
- Itinuturing ni Alice Guillermo na pinakaunang piyesa ng kritisismong pansining sa Pilipinas ang biglaang talumpati ni Jose Rizal na nagtatagay sa husay nina Luna & Felix R Hidalgo noong 1884 sa Madrid.
- Bukod sa Spoliarium, na nagwagi ng gintong medalya sa Exposicion ng 1884 sa Madrid, kilala rin si Luna para sa kanyang pinta sa Labanan sa Lepanto, na kinumisyon ng Senado ng Espanya.
- Nakilala ni Luna ang asawang si Paz Pardo de Tavera sa Paris. Noong Setyembre 22, 1892, sinasabing binaril & napatay ng isang nagseselos na Luna ang kanyang asawa at biyenan. Pinawalang-sala siya ng hukumang Pranses sapagkat napapatawad noong mga panahong iyon ang itinuturing na “crimes of passion.”
- Dinakip si Luna sa salang pakikipagsabwatan laban sa pamahalaang Espanyol. Namatay siya noong 1899 sa atake sa puso sa Hong Kong, habang pauwi.
Felix Resurreccion Hidalgo
- Nagmula sa mayamang pamilya si Felix Resurreccion Hidalgo (1885-1913). Nag-aral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas & sa Escuela bago pumasok sa Real Academia de Bellas Artes de San Fernando.
- Bukod sa La Barca de Aqueronte (1887), na nagwagi rin ng ginto sa Exposicion, kilala rin si Hidalgo sa pintang The Assassination of Governor General Bustamante, na makikita ngayon sa Pambansang Museo.
- Nangyari noong 1719 ang aktuwal na pagpatay. Nakalaban ni Bustamante ang Simbahan habang iniimbestigahan niya ang korupsiyon sa pamahalaan. Madalas niyang balewalain ang pagsasanggalang ng Simbahan sa mga opisyales ng pamahalaan na nagtatago rito, hanggang sa dakpin ng gobernador ang arsobispo at iba pang relihiyosong opisyal. Isang umaga, pumunta sa palasyo ng gobernador ang pangkat ng mga prayle & iba pang tagasunod ng simbahan & pinatay nila ang gobernador.
- Dumalaw si Hidalgo sa Pilipinas noong 1912 & namatay sa Sarrea, Espanya, isang taon pagkatapos.
Mga babaeng manlilikha
- Ibinahagi ni Dr Hernandez ang mga karanasan niya sa pananaliksik sa mga Pilipinang artista, na siya niyang pangunahing ambag sa Pag-aaral ng Sining sa Pilipinas (tingnan ang kanyang libro). Nahirapan siyang maghanap ng mga pangunahing batis sapagkat halos hindi umiiral ang mga nakasulat na dokumento ukol sa mga babaeng artista. Pinaalalahanan lamang siya ng isa niyang guro na sa pag-aaral ng sining, nagsisilbing pangunahing batis ang mismong mga likha.
- Pawang lalaki ang mga mag-aaral & guro sa Escuela hanggang 1889. Bago ang 1889, mga sining na pantahanan, katulad ng pagluluto & pananahi, lamang ang maaaring pag-aralan ng babae sa mga paaralang pambabae. Si Direktor Lorenzo Rocha ang nagpahintulot sa mga babae na pumasok sa Escuela. Gayunpaman, sa gabi nakatakda ang ilang mga klase & hindi pinahihintulutan ang mga babaeng manatili sa labas ng bahay nang gabing-gabi na. Gayundin, hindi isinasama ang mga babae sa mga klase sa Anatomiya.
- Si Pelagia Mendoza, na nagwagi ng premyo sa isang exposicion para sa kanyang Bust of Columbus, ang unang babaeng mag-aaral sa Escuela. Tumigil siya sa paggawa ng sining nang siya’y magpakasal & magpatakbo ng negosyo ng pamilya.
- Noong mga panahong iyon, ang paksa ng mga likhang-sining ng kababaihan ay nanatili sa mga bodegones o still-life ng loob ng bahay, gayundin sa mga burda. Isinasabit ang mga ito sa loob ng bahay o kaya ay isinisilid sa ilalim ng kama.
- Hindi itinuturing na sining ang gawa ng mga babae. Itinuturing na palamuti sa bahay ang mga bodegones, samantalang ipinamimigay bilang regalo ang mga burda. Ang itinuturing na sining noong mga panahong iyon ay ang grandioso, epiko, & historikal na mga gawa ng mga lalaking pintor.
- Isa sa mga babaeng artista si Adelaida Paterno, na gumawa ng detalyadong burda sa sedang Tsino gamit ang kanyang buhok. Karaniwang landscapes ang kanyang mga gawa, rendered painstakingly in hatchings & cross-hatchings.
- Gumawa rin ng pintang landscape si Adelaida & ang kapatid na si Paz. Gayunpaman, malabo & di tiyak ang hugis & anyo ng mga tao sa mga pintang ito, marahil sapagkat hindi talaga pormal na napag-aralan ng kababaihan ang anatomiya ng tao.
- Sa kanyang pananaliksik, may natuklasang 50 na babaeng artista si Dr Hernandez sa Maynila pa lamang. Hindi natin mauubos-maisip kung ilan pang mga artistang Pilipina ang namatay nang di nakikilala!
Fernando Amorsolo
- Isa sa mga unang nagtapos sa UP CFA si Fernando Amorsolo noong 1915. Nagustuhan ng mga turista & sundalong Amerikano ang kanyang mga pinta ng bagong kolonya ng US.
- Lubos ang kanyang pagsikat hanggang sa sinasabing umasa na siya sa isang katalogo ng kanyang mga gawa na pinagbatayan ng kliyente ng magiging anyo ng ipapipinta.
- Hindi maipagkakailang binago ni Amorsolo ang anyo ng sining na Pilipino & nabuo pa ang tinatawag na “Amorsolo school of art,” kung saan kabilang ang “Mabini school of art.”
- Nagsimula ang Mabini school of art sa pook ng Mabini-Ermita, na naging lunan ng mga turista & inuman pagkatapos ng digmaan. Lumipat ang naturang pangkat sa kahabaan ng UN nang magsara ang mga base militar & kasabay nitong bumagsak ang ekonomiya sa Mabini-Ermita.
- Hanggang sa “Panahon ng Amerikano,” Espanyol/Europeo ang pangunahing impluwensiya sa sining sa Pilipinas. Malaong panahon bago nalaman ng mga Pilipino ang tungkol sa mga bagong nangyayari sa sining sa Amerika–katulad ng Armory Show sa New York, na sinasabing tumimo kay Victorio Edades, ang sinasabing Ama ng Modernong Sining sa Pilipinas.








February 16, 2013
4, 2, 3!
February 15, 2013
The Ninth Hour
Isn’t it strange how the meteor struck Earth just days after the Pope announced his resignation? Maurizio Cattelan, you’re a visionary.


Faye Cura's Blog
- Faye Cura's profile
- 5 followers
