Mervin Malonzo's Blog, page 5
September 1, 2015
My New Logo + Rubber Stamp Tutorial

Bago ang lahat, importanteng update lang sa buhay ko: Kasal na kami ni Princess nitong ika-28 ng Agosto. Heto ang pics:
Okey, ngayong nasabi ko na, balik tayo sa topic. Napagpasyahan kong gumawa ng stamp na logo para sa asawa (naks!) kong si Princess para ipang-tatak niya sa dumarami niyang koleksyon ng libro.
Dahil sa ganda at cuteness ng nagawa kong stamp para sa kanya, nainggit ako. Mayroon na akong stamp ng sarili kong logo pero hindi ko na gusto ang logong ito dahil mabilis at hindi ko masyadong pinag-isipan ang paggawa nito.
Taong 2010 ko pa yata ito ginawa kaya siguro panahon na rin para gumawa ng mas bago at mas timeless na logo. Dalawang ‘M’ at may pagka-mukhang ipis ang dating logo at gusto ko pa ring ito ang maging basic na concept ng bago.
Gumawa ako ng studies.
Sa papel ko muna ginagawa para kung anong maisip kong form, madrodrowing ko agad at marami naman akong naisip gawin. Karamihan, kamukha pa rin ng dating logo. Hanggang sa nag-isip ako ng ibang variation. Nakatulong ang feedback ni Princess sa pag-narrow down ng choices. At nagpasya kaming ito ang pinaka-swak sa concept:
May pagka-insect pa rin naman at simple lang na dalawang letter ‘M’ ito. Nagmukha lang itong gagamba kaysa ipis pero sobrang swak din kasi WEB designer naman ako at sinasabi nila na parang gagamba rin ang mga manunulat kasi naghahabi kami ng mga kwento. Dagdag pa dito, maraming takot sa gagamba kaya sobrang bagay dahil horror naman ang karamihan sa mga komiks ko. So ito ang aking bagong logo:
At agad-agad akong gumawa na rin ng stamp. Heto ang isang simpleng tutorial ng proseso ng paggawa ko ng stamp.
Material: maliit na rubber sheet. Nabili ko sa Deovir sa pinakataas na floor ng Megamall A. Meron ding branch nito sa Sm North at ang main branch ay sa Recto ata.
Ginoogle ko lang ito pero ganito mismo ang hitsura ng ginamit ko.
Carving tools ang gagamitin sa pag-ukit.
Una, dahil wala akong printer, kinailangan kong kopyahin nang mano-mano ang logo mula sa computer screen. Gamit ang sukat at proportion sa screen, samahan na rin ng tiwala at magic, nagawa ko naman nang maayos ang pagkopya dito.
Lapis ang gamit ko, 6B, Para madaling itransfer sa rubber yung image. Para itransfer, babaligtarin mo lang yung papel na may logo at ipapatong sa rubber. Tapos habang sinisiguradong hindi gagalaw ang papel, kikiskisin (rub) mo yung papel sa rubber. Sa ganitong proseso, ang graphite ng lapis na nasa papel ay maililipat sa rubber sheet. Mainam gumamit ng mga curved surface sa pagkiskis dito. Pwedeng kutsara, pwedeng kuko — ito ang gamit ko kasi maliit na pattern lang naman.
Nailipat na ang imahe.
Pwede na simulan ang pag-ukit. Dahil maliit at manipis ito, kinailangan kong maging maingat at pasensyoso sa pag-ukit.
Kailangan mo lang alisin lahat ng negative space at siguruhing yung imahe lang ang nakaalsa. U-shaped na pang-ukit para sa malalawak na area, V-shaped sa mas maliit na area at kaunting detalye, at Straight na angled na pang-ukit naman sa mga butas at mas maliliit na detalye.
Pagkatapos kong i-test kung maayos ba ang imprint nito sa papel, lalagyan ko ng handle. Epoxy lang ang gamit ko na mabibili sa hardware. Pagkatuyo, ididikit ko lang sa likod ng rubber gamit ang mighty bond.
Pwede na mag-stamp!!!
Ayan! Di na ko maiinggit kasi maganda na rin ang logo ko!
Category: TutorialsDesignLogos
June 30, 2015
AKIN LANG NAMAN - book by GLOC-9 cover art




Here's a cover I did for GLOC-9's book of poems "AKIN LANG NAMAN".
I could not find a suitable photo of a CD case for this one so I created everything in photoshop having a real cd case as reference. That way was better so I could control the amount of dust and/or scratches and the dimension of the thing. It's fun creating something photo-realistic like this.
Category: DesignIllustrations
April 26, 2015
Reedley International School Website


I designed and programmed this website. View the live version here: http://www.reedleyschool.com
Project Manager: Colin Chan
Category: DesignWebsites
April 4, 2015
Lakambini Psylocke - a blank cover commission

This is a Blank Cover commission based on this:
It's Ronin Psylocke.
Mine is Lakambini Psylocke. The word "Lakambini" in tagalog means "muse" but I used it differently here. I think it's originally a combination of two words: "Lakan" meaning king and "Binibini" which means a girl who is usually young. So "Lakambini" should mean Girl King or Princess or Queen.
Category: ArtDrawingsPaintingsComics
March 30, 2015
"Reasons to Hate the Commute" Book Cover

Last year, I made this image for #RP612fic not knowing that it's supposed to be an exploration of alternative Philippine history. Hehe! I thought that I had to imagine a fictional Philippines so I made an image of the future instead of the past.
A person named MRR Arcega liked it and asked me to create a cover for her book "Reasons to Hate the Commute". What you see at the very top is the cover that I made for her. And below is the artwork without the texts.
You can read the book on Wattpad here: http://www.wattpad.com/story/31908750-reasons-to-hate-the-commute
Category: ArtPaintingsDesignIllustrations
February 26, 2015
Comic in Progress: After Lambana written by Eliza Victoria
October 22, 2014
Tabi Po: Painting

Acrylic on canvas
18 in x 24 in
"Isang araw, ang tanyag na pintor sa San Diego na si Juan Hidalgo ay nagpinta ng larawan nina Tasyo, Elias, at Sabel. Habang ginagawa niya ang dibuho, may napansin siyang kakaiba sa tatlong modelo niya. Iba ang tama ng ilaw sa kanilang mga mata at ang kanilang kuko ay may nakasingit na kung anong kulay pula. Mukha itong dugo 'pero hindi naman maaari yun', ang sabi niya sa kanyang sarili. Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang mga iyon. Kailangan din kasi niya ng pera dahil baon na sya sa utang dahil nilustay niya sa alak ang kaunti niyang ipon dahil iniwan siya ng kanyang kasintahan.
Nang matapos ni Juan Hidalgo ang larawan ay hindi na siya nakita pang muli. Ang sabi-sabi ng taumbayan ay binayaran daw siya ng limpak-limpak para sa obrang ito at nagpasya siyang magbagong-buhay sa ibang lugar. Ngunit may kaunting taong naniniwala na ibang-iba ang sinapit ni Juan at hindi ito kanais-nais."
Ahoy mga giliw na mambabasa! Andito nanaman ako at nagpapakita ng bagong artwork. Mayabang kasi ako! Hehehe! Pero heto kasi ang unang beses na nag-document ako ng buong proseso ng aking pagpipinta kaya excited akong ibahagi sa inyo! Buti na lang may Time Lapse na app na tinatawag na "Lapse It" kaya di naging mahirap ang mismong pagdodokumento ng proseso.
Nakakaaliw panoorin ang pagbabago-bago ng painting mula sa una nitong anyo hanggang sa pinakahuli. Kung pinanood nyo ang video sa taas, mapapansin ninyong maraming beses kong pinalitan ang mukha ni Sabel at pati nga si Tasyo - noong una nakalugay ang buhok tapos sa huli nagpasya ako na naka-pony na lang sya. Feeling ko kasi kung nagpapa-portrait sya, gusto nya proper ang hitsura nya. Kahit ang background, maraming beses din nagbago. Yung mga pagpapasya ko sa ganyang mga bagay ay kasama sa proseso at kadalasan instinct lang ang sinusunod ko sa pagdedesisyon.
Heto gumawa ako ng slideshow na may comments para maipaliwanag ko ang aking mga desisyon sa pabago-bagong hitsura nila:
View the full image

Heto ang una kong ginawang sketch para kay sabel. mabilisang drawing lang para malaman ko kung anong magiging pose nya at damit. Sabel sketch
View the full image

Heto ang underpainting na may kaunting detalye. Kaunting layers pa lang ito ng pintura. halos wala pa talagang kulay. Sabel Regeneraton 1
View the full image

Heto ang una kong attempt na lagyan siya ng features. Dito maamong dalagita ang hitsura niya. Sabel Regeneraton 2
View the full image

Parang hindi ko siya gusto gawing mukhang maamo. Gusto ko kasi na kahit hindi halata masyado ay nakakatakot pa rin ang hitsura nila. Tsaka mas nagustuhan ko yata yung naunang features nya sa underpainting kaya sinubukan kong ibalik. Sabel Regeneraton 3
View the full image

More or less, happy na ako sa hitsura nito. Pero sa puntong ito, naisip kong paamuin pa rin ng konti ang features nya. Kumbaga nasa gitna ng naunang dalawa. Sabel Regeneraton 4
View the full image

Masaya naman ako sa hitsura ng nauna kaya dito detalye na lang ang nadagdag. Sabel Regeneraton 5
View the full image

study ng magiging itsura ni tasyo sa painting. Tasyo sketch
View the full image

paminsan-minsan gusto ko lang laruin yung mga in-between na itsura nila. Sa ibang proyekto, mas pipiliin kong ganitong style na lang tumigil. Pero sinusubukan ko kasing gayahin ang style dati ng mga pintor. At hindi sila papayag na ganito ang hitsura ng obra nila. Sa modern times pa ito lalabas. A la Francis Bacon. Tasyo Regeneraton 1
View the full image

Naglalaro lang uli. kaya ginawa kong red ang mata. Pero dahil subtle dapat ang "horror" sa project na ito, alam kong papatungan ko ang mata nito. Tasyo Regeneraton 2
View the full image

Dito ko naisip na paano kaya kung nakalugay na lang ang buhok niya. Tasyo Regeneraton 3
View the full image

Heto ang pinakahuli. naka-ponytail na sya. Tasyo Regeneraton 4
View the full image

Di ako gumawa ng sketch sa mukha ni Elias kasi kating-kati na ako magpinta agad. Tsaka sanay ako sa mukha nya kaya diretsong paint agad pagdating sa kanya. Elias underpainting
View the full image

Sa mukha ni Elias, more or less, di ako nagbago-bago ng isip. Kaya ang progression nito ay padagdag lang nang padagdag ng detalye. Elias 1
View the full image

Mas marami pang detalye! Elias 2
View the full image

nahirapan ako sa ilong niya. yung shadow sa bridge ng ilong. iniisip ko kung diretso ba dapat sa kilay o hindi. Elias 3
View the full image

Sa bandang huli, nagpasya ako na dapat wala palang shadow dun kasi pango siya. Elias 4
















Ayun! Paminsan-minsan pag pinapanood ko yung mga videos habang ginagawa ko, naiisip ko na parang mas maganda yung mga naunang "regeneration" ng mga mukha nila. Minsan hinahabol kong ibalik pero kadalasan hinahayaan ko na lang. Kasama kasi sa proseso yun. Basta ang nasa utak ko habang ginagawa ko ito ay dapat yung style ay magmukhang noong panahon ng mga kastila ginawa.
Ang pinakahuli kong ginawa na napanood nyo rin sa video ay naglagay ng subtle na mga dugo sa mga detalye. Sa unang tingin, iisipin mo na normal na painting lang ito ng tatlong tao. Pero kapag nakita mo na ang mga detalye, madidisturb ka sa mga ito.
May dugo sa mga kamay at mga damit nila! Hmmm... ano na nga kayang nangyari kay Juan Hidalgo matapos n'yang gawin ang obrang ito?
Available ang "Tabi Po" sa National Bookstores, Powerbooks at sa iba pang bookstores tulad ng Uno Morato. Malapit na rin ang isyu2! Abangan!
Category: ArtPaintingsTabi PoVideos