Heart Yngrid's Blog, page 6

February 15, 2020

Confessions Of A Serial Liar Is Now Available On Ebook!

You can now read “Confessions Of A Serial Liar” in advance by downloading the ebook HERE. Meanwhile, stay tuned for the release of the physical book. TEASER: HI! I’m Sasha Montesa. Twenty-six years old. (Long pause) All right. I’m thirty. And my real name isn’t really Sasha Montesa. It’s Soledad Balacubac. So, tell me. If you have this horrible name, would you not learn to lie? Yes, I am a compulsive liar. And this is my “real” story.


The post Confessions Of A Serial Liar Is Now Available On Ebook! appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on February 15, 2020 05:32

November 19, 2019

Crazy/Beautiful Is No. 1!

Thank you for making Crazy/ Beautiful the No. 1 Bestseller Precious Singles novel for the month of October. To read the preview of this novel, click HERE.


The post Crazy/Beautiful Is No. 1! appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on November 19, 2019 21:21

September 19, 2019

Book Signing @ The 40th MIBF 2019

(Credits to the owner of these photos)


The post Book Signing @ The 40th MIBF 2019 appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 19, 2019 05:43

September 13, 2019

Crazy/Beautiful

I am Atty. Maliksi Regalado. I am ambitious, very ambitious. Kaya naka-focus lang ako sa goal na maging senior partner sa private law firm na pinagsisilbihan ko bilang isang criminal defense lawyer. You can say that I am cunning and ruthless, but yes, I can do all sorts of things just to win any case—guilty man o hindi ang isang defendant. At dahil doon, wala pa akong naipapatalong kaso. Then came a VVIP client—the senator’s daughter who was charged with frustrated murder for trying to kill her ex-boyfriend. Sa lahat ng naging kliyente ko, si Tiffany lang ang bukod-tanging gustong makulong. Sa katunayan, inalok pa niya ako ng napakalaking halaga para ipatalo ang kanyang kaso. She thinks I’m just some guy whom she can mess with. But I am as scheming as she is. Habang iniimbestigahan ko ang kaso ni Tiffany, isa-isang naglitawan ang mga misteryo tungkol sa kanyang pagkatao, sa madilim na nakaraan, at sa nakagigimbal na mga lihim na hindi ko inasahan. Ako, na ang top priority ay ang aking propesyon, ngayon ay ginagawa na ang lahat para tulungan ang babaeng hindi ko namamalayang nakapasok na sa puso ko… Date published: 9/11/2019 Download ebook HERE.


The post Crazy/Beautiful appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on September 13, 2019 22:52

August 25, 2019

Crazy/Beautiful Is Now Available On Ebook!

You can now read Crazy/Beautiful on ebook! Click HERE to download. Meanwhile, stay tuned for the release of the physical book.


The post Crazy/Beautiful Is Now Available On Ebook! appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on August 25, 2019 23:02

July 13, 2019

[Preview] SCU 20: Meg, The Mysterious Girl

CHAPTER ONE DEAR Miss Terry, Hi. Can you help me? I’ve been in a relationship with this guy for over two years. But lately, things have begun to change. Feeling ko, nababawasan na ‘yong feelings niya para sa akin. Hindi na siya masyadong sweet. Hindi na siya masyadong thoughtful. Hindi na siya masyadong naghahanap ng paglalambing from me. Dati-rati, umaga pa lang, tatawag o magte-text agad siya pero ngayon, kung hindi pa ako mag-text, hindi pa siya magpaparamdam. Dati-rati, paglabas ko ng classroom kapag lunch time, palagi ko siyang nakikita sa labas ng pinto, naghihintay sa akin para sunduin ako. Ngayon, nagkikita na lang kami sa school café. Minsan pa nga, hindi na siya nakakasabay sa akin. Actually, napapadalas na kasi busy siya sa extra-curricular activities niya. Dati-rati, palagi niya akong niyayayang lumabas. Ngayon, bihira na. Kahit walang occasion, may gifts siya sa akin. Ngayon, nakakalimutan na niya ang monthsaries namin. Dati-rati, hindi siya nakakatulog nang hindi niya naririnig ‘yong voice ko over the phone o kahit nakaka-receive ng text from me. Ngayon, he doesn’t even say “goodnight” anymore. Dati-rati, siya ‘yong madalas na unang nag-a-I love you sa akin. Ngayon, kailangan ko pang mag-I love you sa kanya bago ko marinig ang “I love you” niya. Medyo napapadalas na din kaming nag-a-argue kahit over trivial things lang. Dati-rati naman, chill lang siya. Pinagpapasensiyahan niya ‘yong tantrums ko. Pero ngayon, naiinis na siya. Wala naman akong alam na ginawa kong kakaiba. All these years, ganoon pa rin naman ako sa kanya. Kung gaano ako kalambing at ka-toyoin, ganoon pa rin naman ako hanggang ngayon. Kaya alam ko na siya ang nagbago. Nabawasan na ang pagiging malambing niya at pati ang tolerance niya sa imperfections ko. Secretly, I tried to investigate if he was cheating on me but he’s clean. He’s not secretly seeing or chatting with any other woman. But it doesn’t mean he’s not starting to be interested with someone else, right? Tell me, Miss Terry, ibig bang sabihin ng mga ikinikilos niya, hindi na niya ako mahal? Possible kayang may iba na siyang nagugustuhan kaya nagbago na siya? I really wanted to talk to him about it but I’m scared to know the truth. I’m scared that he would leave me if I say anything. I love him so much, Miss Terry. I don’t want to lose him. Please tell me what to do. Sincerely,    Joan Napabuntonghininga si Meg matapos basahin ang mga himutok ng letter sender na si Joan tungkol sa pag-ibig. Isa lang ang sulat na iyon sa labing-isang emails na natanggap niya sa araw na iyon mula sa visitors ng kanyang blog—ang Dear Miss Terry,. Dear Miss Terry, was a blog which offered free love advice to those who sent letters to “Miss Terry” in form of e-mails. It started out as a love and relationships blog na ang tema ay letters and replies. Si Meg na nagtatago sa likod ng pseudonym na “Miss Terry” mismo ang nagpo-provide ng mga sitwasyon at problema tungkol sa pag-ibig at romantic relationships na binibigyan niya ng mga suggested solutions. Na-inspire kasi siya nang mapanood ang pelikulang Letters To Juliet na tungkol sa isang organisasyong tumatanggap at sumasagot sa mga sulat mula sa mga taong may problema sa pag-ibig. Na-imagine niya ang kanyang sarili na nagbabasa ng mga sulat na iyon at sumusulat pabalik sa mga taong nagpapadala ng mga iyon. Kaya nag-decide siyang bumuo ng isang blog na ganoon ang konsepto. Dumami ang blog visitors at followers ni Meg sa loob ng ilang buwan. Maraming tao ang naka-relate sa mga sitwasyong isinulat niya sa kanyang blog. Later on, nakatanggap na si “Miss Terry” ng tunay na mga sulat na nakukuha niya via e-mail. Halos araw-araw ay may ipino-post siyang letters mula sa anonymous sender na tinatalakay at binibigyan ni Meg ng kasagutan sa kanyang blog. Hanggang sa medyo sumikat na ang kanyang blog at si “Miss Terry.” Sumikat na iyon at lahat pero walang nakakakilala kung sino ang nasa likod ng tinatawag nilang “love guru.” Nobody, except her best friend Eunice knew who was behind that blog. Narinig ni Meg ang ungol ni Eunice na nakasalampak sa sahig ng kanyang kuwarto at may hawak na mga papel. Mula sa pagkakatitig sa screen ng laptop ay ibinalik niya sa kaibigan ang tingin. “So, ano? Uunahin mo pang sagutin ‘yang letters mo kaysa sa project natin?” nakataas ang isang kilay na tanong nito. “Paano mo nalamang nagbabasa ako ng letters?” Nakatalikod kasi kay Eunice ang laptop niya. “Halata kasi sa face mo, ‘no? Full of sympathy. Nakikiproblema ka na naman sa problema ng ibang tao sa love. Tigilan mo na nga ‘yan, Meg. Ang gaan-gaan ng buhay mo dahil wala kang love life pero pinapabigat mo dahil sa problema ng ibang tao. Ang aga mong magkaka-wrinkles niyan, sige ka.” It had been a year since she started running this blog. Siguro sa iba—tulad ni Eunice—ay nakaka-stress ang problemahin ang problema ng iba tungkol sa pag-ibig. Kay Meg ay hindi. Gusto niya ang ginagawa. Masaya siya sa tuwing may natutulungan siya.  Pakiramdam niya, she was made for it—ang tumulong sa mga taong namomroblema sa pag-ibig. Well, hindi lang naman problema ang iniluluhog sa kanya ng blog visitors. Hindi naman puro brokenhearted at may on the rocks na relasyon ang letter senders niya. Nanghihingi rin ang mga ito ng tips kay Meg. Tulad ng kung paano magpapapansin sa crush o kung paano manliligaw sa isang babae. As if she was indeed an experienced love guru, she provided them romantic tips. “Ni hindi ko nga alam kung saan mo pinagkukuha ‘yang mga pinag-a-advice mo sa mga taong ‘yan,” sabi ni Eunice. “I mean, hindi mo ba nare-realize na wala ka sa posisyon para magbigay ng advice about love? Hindi ka pa nga nagkaka-boyfriend.” Siguro nga ay hindi eksperto ni Meg dahil bilang isang no-boyfriend-since-birth ay wala pa siyang karanasan sa love at romantic relationships pero nagagawa niyang masagot ang bawat problema sa pag-ibig na natatanggap. Call it instinct or innate knowledge. Maybe she was born romantic and had natural penchant for love. Marami siyang ideas at fantasies tungkol sa pag-ibig. Well, she liked to read romance novels and magazine articles about love. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit feeling knowledgeable sa love at relationships si Meg. Ganunpaman, hindi tulad ng ibang hopeless romantic ay hindi siya masyadong idealistic. She was also realistic. Kaya siguro nakikita ng kanyang blog visitors na credible siya ay dahil realistic ang mga advice na ibinibigay niya at hindi hango sa romance novels o fairy tales. “Hindi naman nila malalaman iyon, ‘no?” sagot ni Meg. “Unless sasabihin mo, walang makakaalam na ako si Miss Terry. Kaya nga ‘Miss Terry,’ ‘di ba? Kasi ‘mystery.’ Mysterious. Hindi nila dapat malaman na isang twenty-year old college student na no-boyfriend-since birth ang nagbibigay sa kanila ng love tips at advice.” Umpisa pa lang ay pinlano na ni Meg na magiging unidentifiable siya. Wala siyang balak magpakilala bilang si Meg Meryll San Mateo. Nakakahiya kapag nalaman ng kanyang blog visitors and followers na wala talaga siyang karapatang magbigay ng love advice. She knew she would be ridiculed once her identity was exposed. Kaya bukod kay Eunice ay wala siyang pinagsabihang iba tungkol sa kanyang alter ego. Umingos si Eunice. She had always been supportive of Meg but not with this one. Noong una ay na-amaze ito nang malamang siya si Miss Terry pero nang lumaon ay madalas na nitong kinokontra ang ginagawa niya. Kunsabagay ay may point naman ang kaibigan. Kumbaga sa isang doktor ay wala siyang lisensiyang manggamot. But she enjoyed being a “love advisor.” Hindi basta-basta nagbibigay lang ng advice si Meg sa mga taong nanghihingi niyon sa kanya. Inilalagay niya ang sarili sa sitwasyon at iniisip nang mabuti ang gagawin kung siya ang nasa posisyong iyon. Kapag hindi siya sigurado sa nabuong idea, magbabasa siya ng articles mula sa Internet para mas maintindihan ang mga bagay-bagay na hindi pa niya nararanasan. Mukhang effective naman ang mga sinasabi ni Meg sa mga advice seeker dahil nagpapasalamat ang mga ito sa kanya at ang ilan ay totoong nasolusyunan ang mga problema.   She knew some romance writers who had never experienced being in a relationship but they could write credible and realistic novels about love as if they had fallen in love a number of times already. Ganoon din siguro si Meg. Kaya niyang magbigay ng love advice kahit hindi pa niya nararanasang ma-in love nang totoo at magka-boyfriend. “Kapag ba nagka-boyfriend ako,” tanong ni Meg kay Eunice, “magiging supportive ka na sa pagiging love advisor ko?”  “Hindi pa rin. Kailangan mo munang magka-boyfriend ng at least five. Ma-heartbroken ng at least four, magkaroon ng sex life, mag-asawa at magka-edad para suportahan kita diyan.” Binato niya si Eunice ng ballpen na nailagan naman nito. “OA mo. As if naman sa hitsura kong ‘to, magkaka-boyfriend ako ng lima.” Well, hindi naman siya pangit. Hindi lang siya iyong masasabing may kapansin-pansing ganda. Kapag may nagde-describe sa kanya, parating may “matangkad” at “maputi” lang pero walang “maganda.” “May hitsura” lang. Isa pa ay hindi siya katulad ng mga karaniwang babae sa school. While most girls in school wore makeup and girly dresses, she had no interest in makeup and skirts. Simple lang si Meg. She was the usual girl in ponytails clad in T-shirt, jeans and sneakers. Hindi rin siya ang tipo na masyadong pa-girl kung kumilos. Lumaki kasi siya kasama ang dalawang kapatid na lalaki. Usually, ang mga nagugustuhan ng boys in school ay iyong mga palaayos at feminine magsalita at kumilos. Kaya hindi siya pansinin at hindi ligawin. Isa pa ay intimidated din sa kanya ang mga lalaki dahil matalino siya. She was a consistent dean’s lister. And guys did not like smart girls, usually. Kaya umabot siya ng twenty years old nang hindi nagkaka-boyfriend. Well, may ilan namang nagtangkang dumiga sa kanya—iyong mga lalaking ayaw ng high-maintenance girls at tipo ang brainy girls—pero hindi naman niya gusto ang mga ito. Occupied na kasi ng nag-iisang lalaki ang kanyang puso. “Isang lalaki pa nga lang, hindi ko na makuha-kuha, lima pa kaya?” Nagbuga ng hangin si Eunice. “Are we going to talk about Patrick again?” Bumuntonghininga si Meg. Patrick Domingo. Wala siyang ibang lalaking nagustuhan sa St. Catherine University kundi si Patrick. He was probably her first love. Kahit pa hindi sila. Kahit pa hindi siya kilala nito. At mukhang kahit kailan ay hinding-hindi mapapansin. Patrick was a popular school dancer. Sa dance group ay ito ang pinakasikat at pinakamagaling. Not to mention, pinakaguwapo. Kaya naman marami ang humahanga sa lalaki. Isa na si Meg doon. Naa-amaze siya sa tuwing pinanonood itong sumayaw. She found his square jaw and dimples contradicting yet mesmerizing. Tanggap naman ni Meg na hindi siya magugustuhan ng isang tulad ni Patrick. Unfortunately, isa ito sa mga lalaki sa school na gusto ng girly girls at pansinin ang ganda. In fact, he was currently dating Airish. Si Airish ang front woman sa dance group. Ito at si Patrick ang face ng grupo. Sa tuwing pinapanood ni Meg na nagsasayaw ang dalawa, parang dinudurog ang puso niya. Nahihiling niya na sana ay magaling din siyang magsayaw para makasali sa dance group. Ang kaso ay hindi sa paggalaw siya binigyan ng talent kundi sa pagkanta. Miyembro si Meg ng school choir. Para tuloy silang worlds’ apart ni Patrick. She was obviously the exact opposite of Airish. So there was no way he would even look at her. “Well,” sabi ni Eunice na inilapag na ang mga papel at dinampot ang sariling laptop na nasa lapag. “I have good news for you. Break na daw sila ni Airish.” Nanlaki ang mga mata ni Meg. “Totoo?” Tumango si Eunice habang nakatingin sa screen ng laptop. Kaya ba lately ay hindi niya nakikita ang dalawa na magkasama? Umiling-iling siya. “No. baka tsismis lang ‘yan. Dati, napabalita nang nag-break sila pero hindi naman pala totoo.” “Totoo na this time. Ang source ko, walang iba kundi ‘yong pinsan mismo ni Airish. ‘Di ba,...


The post [Preview] SCU 20: Meg, The Mysterious Girl appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 13, 2019 07:26

July 9, 2019

The Next SCU Campus Girl

A few days ago, I asked my readers to guess the name of the next SCU Campus Girl. But no one really got it right. So, now let me reveal the name of the next SCU heroine. Actually, the heroine was inspired by a real person and the next SCU story was inspired by a true story as well. So, this is what happened. Last year, I facilitated a contest on Facebook. I asked the participants to share their most memorable moments with their high school crush. A participant shared her story and earned a lot of likes. Unfortunately, the contest was only asking for a certain “moment” or scene, not a (summarized) story so she didn’t win the contest. But since I found her story cute, I told her that I wanted to write a novel based on her story. Below is her contest entry: So, there, Meg is going to be the newest SCU Campus Girl. Well, I’m currently working on the novel. Wish me luck!   UNOFFICIAL/WORKING TEASER OF SCU 20: MEG, THE MYSTERIOUS GIRL: Isang blogger si Meg. Ang blog niya ay nagpo-provide ng free love advice. Sinasagot niya ang e-mails na natatanggap mula sa online blog visitors at pinapayuhan ang mga ito. She was born romantic. Kahit no-boyfriend-since-birth, pakiramdam niya ay may innate knowledge siya sa pag-ibig. She might be hopeless romantic but she had realistic views about love. Kilala siya bilang “Miss Terry” pero walang nakakaalam kung sino talaga siya. Sa takot na makuwenstiyon ang kanyang credibility bilang isang “love guru” kapag nalaman ng mga tao na siya ay isang college student na walang experience sa love, pinakatago-tago ni Meg ang tunay na identity. Hanggang isang araw ay biglang nakatanggap si Miss Terry ng e-mail mula sa crush niyang si Patrick! He was seeking advice about his recent breakup with his ex. “Should I win her back or should I let her go?” tanong ni Patrick. Kung hindi si Patrick ang lalaking iyon, malamang ay ipu-push niya itong i-pursue ulit ang ex pero dahil may pagtingin si Meg rito, ang isinagot niya ay, “Let her go and find a new love.” Pagkatapos niyon ay sinimulan na niyang mag-da moves para ma-fall sa kanya si Patrick without revealing who she really was. Could she make him fall for a woman without a face and with a fake name? Or would this result in her first heartbreak?


The post The Next SCU Campus Girl appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on July 09, 2019 01:19

June 17, 2019

[Video Teaser] 40 Days To Heaven

“Hihintayin na lang kita sa kabilang buhay. Kapag oras mo na, magkikita uli tayo.” To buy online, click HERE To download ebook, click HERE Video credits: Precious Pages Youtube Channel


The post [Video Teaser] 40 Days To Heaven appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on June 17, 2019 04:04

May 1, 2019

[PREVIEW] Confessions Of A Serial Liar

HI! I’M Sasha Montesa. Twenty-six years old. (Long pause) Alright. I’m thirty. And my real name isn’t really Sasha Montesa. It’s Soledad Balacubac. So, tell me. If you have this horrible name, would you not learn to lie? Yes, I am a compulsive liar. And this is my “real” story.     PROLOGUE A LIE...


Read More

The post [PREVIEW] Confessions Of A Serial Liar appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on May 01, 2019 23:41

April 14, 2019

[Unofficial Teaser] ‘Hate That I Love You

Certified fangirl si Felicity kay Julian Roldan. Siya lang naman ang vice president ng pinakamalaking fans club ng sikat na aktor. Kaya naman nang makabangaan ni Julian ang kapwa-aktor na si Dean Ramirez ay naging number one hater na siya ni Dean. Lalo na nang sabihin ni Dean na nagtatago lang sa isang wholesome image...


Read More

The post [Unofficial Teaser] ‘Hate That I Love You appeared first on Heart Yngrid.

 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on April 14, 2019 18:55