Si Si question


53 views
nyebe
Jennie Jennie Mar 30, 2015 08:43AM
Ano ang significance ng niyebe sa story? At nag ssnow sa pinas sa book na toh?



Base sa sarili kong interpretasyon ng istorya, ang significance ng nyebe ay "illusion/fantasy". May tatlong bagay na bumabagabag sa akin sa librong ito: Una, Sino ang tinutukoy na "Si" sa istoryang ito?; Pangalawa, Bakit umuulan ng nyebe sa Pilipinas?; at Pangatlo, ayon sa huling parte ng istorya, "Isinilang ako sa mundo. Sa napakagandang mundo. Na IPINAGKAIT sa aking mata."

Pagkatapos ko basahin ng ilang ulit ang libro, eto ang aking konklusyon:

1. Si "si" ay hindi nag-exist sa mundo. Marahil, siya ay pinalaglag ng kanyang mga magulang, dahil sinabe sa huling linya ng storya ay "IPINAGKAIT sa aking mga mata."

2. Ang pag-ulan ng nyebe sa Pilipinas ay isang ilusyon dahil, si "si" ay hindi isinilang. ibig-sabihin nito, hindi niya alam na hindi nangyayari ito sa pilipinas. Isang "senyales" din na maituturing sapagkat kung TOTOONG nabuhay siya ng 75 years, malamang hindi ito mababanggit sa aklat.

3. Ang nakasaad sa back-cover ng libro na "Maari bang malaman ang iyong pangalan? Victoria Kailan kita masisilayan, Victoria? Sa iyong pagsilang"--ay naglalahad ng isang lugar. ang imahinasyong lugar kung saan nagsasama-sama ang mga taong isisilang pa lamang sa mundo. Marahil, nagkita sa lugar na ito si Victoria at si "Si."

Para sa akin, ang mga istoryang nahayag mula 72 hanggang 0 ay ang mga "maaaring nangyari" kung sakaling nagawang maisilang si "Si." Ito ang mga "sana" ay nangyari kung sakaling nabuhay siya, sa halip na buong magdamag na NAGIISIP ng mga "what-ifs" sa lugar na kung saan siya na lamang ang naiwang mag-isa, na wala ang taong nag nga-ngalang Victoria.

20662443
Malour Pareho tayo ng naisip doon sa nagmeet sila sa lugar na kung saan doon muna ang mga hindi pa ipinapanganak. hehe :)
Apr 30, 2015 09:55PM

salamat Reki. Maganda ang interpretation mo sa number 2 kung bakit may niyebe sa pilipinas sa story na ito.


back to top

all discussions on this book | post a new topic


Books mentioned in this topic

Si (other topics)